"Kailangan ko a ng tu - long ninyo" mautal kong sabi sa mga Flonen dahil na rin sa pagod ko.
Hindi ko alam kung saan ko pa nakuha ang lakas para umabot ng malayo pero nagpapasalamat na rin ako dahil nakahingi ako ng tulong.
"Anong nangyari sayo binibini?!"
Hinawakan niya ang mukha ko at nagulat siya.
"Malubha ka na. Kailangan mo ng pahinga. Mahiga ka dito" hinila niya ako pero pinigilan ko siya.
"Hindi. May mga sugatan. Kailangan nila agad ng tulong."
"Saan?! Teka muna binibini, tatawagin ko muna ang mga iba pang Flonen"
Bago niya ginawa yun ay pinaupo niya muna ako. Pumasok siya sa isang kwarto at lumabas na may kasamang limang Flonen.
"Anong nangyari sa kanila, para alam na namin ang gagawin" aniya ng isang Flonen
"Sugatan sila"
"Sugatan?!"
Hindi ko na sinabi ang dahilan dahil alam kong magpapanic sila.
"Kung ganun kailangan na naming magmadali. Mahiga ka na binibini kami nalang ang pupunta. Saan ba?"
"Hindi. Sasama ako. Kailangan kong sumama" pagmamatigas ko
"Mahina ka na. Hindi ka na makakahakbang pa. Mahiga ka nalang at sabihin sa amin kung nasaan sila"
"Ayaw kong magpahinga. Bilisan na natin baka mawalan na sila ng dugo." Pagmamaktol ko.
"Hindi nga maaari. Mawawalan ka ng malay sa daan. Hindi pwedeng madagdagan pa ang gagamutin namin. "
"Tama na yan Jenan" sabi ng isang Flonen sa isa pang Flonen na nakipag talo sa akin.
"Papainumin ko nalang siya ng pansamantalang pampalakas para makalakad siya." Dagdag pa niya.
Nabuntong hininga si Jenan at sumangayon na lang.
Malapit na kaming makarating. At umepekto sa akin ang ipinainom nila. Kailangan talaga na kasama akong babalik dahil alam kong may gulo na magaganap kapag nalaman nilang may nakapasok na tao.
Kinakabahan ako sa mangyayari dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon nila pag nalaman nila.
Alam kong mahahalata na agad nila pero wala na akong paki alam. Sila lang ang makakatulong sa amin.
Pagkarating na pagkarating namin ay mangiyak ngiyak na naka upo sa lupa si John at narinig ko ang mabilisang kilos ng mga Flonen.
Agad akong lumapit at pinagmasdan sila.
Halos hindi na ako makahinga sa nakikita ko. Alam kong malubha na sila at natatakot ako sa mangyayari sa kanila.
"Nagmamakaawa ako sa inyo. Tulungan niyo sila. "
Paki usap ko sa mga Flonen na binibigyan na sila ng paunang lunas.
"Gagawin namin ang makakaya namin."
Hinaplos ko ang mukha ni Maddox at inihawi ang buhok niyang nakasagabal sa mata niya.
Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mawawala sila sa buhay ko.
Malaki na ang kasalanan ko at ayaw ko ng madagdagan pa. Pagod na ako sa emosyon ko. Gusto kong lang naman makaramdam ng saya kahit minsan.
Naramdaman ko ang biglaang paglayo ng mga Flonen.
Nakakunot ang noo ko habang tinitingnan sila.
"Tao. Mga tao. "
"May naka pasok na . . . tao."
Nagulat ako dahil bahagya kong nakalimutan na hindi pala nila dapat malaman.
Alam ko namang malalaman at malalaman din nila ito pero kahit anong mangyari ay dapat parin silang gumaling.
"Nagmamakaawa ako sa inyo. . . " sabay luhod sa kanilang harapan.
" . . . iligtas niyo ang mga kaibigan ko. Hindi sila pwedeng mamatay." naramdaman ko ang tapik ni John sa balikat ko
"Kayo lang makakatulong sakanila" aniya John.
"Nakikiusap ako." Aniya ko at napayuko habang nasa lupa ang dalawang kamay ko.
Kung nagising lang ako agad.
Kung nagawan ko lang ng paraan agad.
Mangyayari kaya ito?
➖➖➖➖➖➖➖➖
BINABASA MO ANG
ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]
FantasíaThis story is in Tagalog Keilah, upon her sudden and unexpected entry into Alethea, the realm beyond this world, she finds herself wanting to stay for an escape but a turn of events changed when a revelation of her truth in that realm forced her to...
![ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/49857255-64-k775255.jpg)