Chapter 9: Fitted with a Pink Dress

4.7K 159 3
                                    

Paglabas namin, ngayon ko lang nakita na isang maliit na slightly elevated na kubo na gawa sa bulaklak ang bahay na tinulugan ko. That explains the walls and the floor inside.

I roamed my eyes outside and just like the house I slept in ganun din ang ibang bahay.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad at sa bawat lakad namin ay padami na ng padami ang nakikita kong ibang uri ng tao. Kung tama ang pagkakaintindi ko kanina, tinatawag silang mga Orleana.

Ramdam ko ang mga tingin nila sa akin,
Kapag nadaan ako ay tumitigil sila sa mga ginagawa nila. May mga batang kanina na masayang nagsasayaw ay natigil dahil nakita nila ako.

At hindi ko nagustuhan ang nangyayari dahil pakiramdam ko tinuturing nila ako na parang isang hayop na ngayon palang nila nakita. Some eyes are just curious pero being in the spot don't feel good at all.

"Malayo pa ba?" Tanong ko sa mga babaeng sinusundan ko. I was getting impatient. Mayamaya pa ay tumigil na sila sa paglalakad.

"Dito na binibini."
"Keilah nalang." Sabi ko.
"Pasok ka na Keilah."

Pinagbuksan pa ako ng pinto sa isa sa kanila. I suddenly feel from being a disgust to royalty dahil sa way ng pagaddress niya sa akin at dahil narin pinagbuksan niya ako ng pinto.

Laking pasalamat ko na makapasok na dito dahil ayaw ko ng ganung atensyon. Pero hindi parin talaga ako nakatakas dahil may tatlong babae at dalawang binata ang nakatitig din sa akin sa loob.

Great. Hindi ba nila alam na rude ang ginagawa nila. I will just assume they didn't know.

"Hiling ni Reyna Vedette na gawan si Keilah ng damit." Sabi ng kasama ko sa isa sakanila.

Saka pa sila nabalik sa kanilang mga sarili nung magsalita na ang isa sa mga kasama ko.

"Ganun ba? Halika Keilah . . . ako nga pala si Aidon" Isang magandang ginang ang humawak sa dalawang kamay ko at tiningnan ang kabuoan ko.

"Hmmm, anong kulay ka Keilah" tanong niya na siya namang naikunot ng noo ko?

Kulay ng ano?

"Kulay ng mga karaniwang binibini"
Sabat ng kasama ko.

Ano naman yun?

"Maghintay lang kayo ng ilang sandali, hahanapin ko pa ang sukat niya"

Pinaupo niya ako at yun nga naghintay kami. I just took my time to explore this room with eyes. Just the same as before, ang difference lang ay ang mga gamit. This place is filled with cloth and racks with organized dresses in colors, mostly pink.

Mayamaya pa ay pinapunta na ako ni Aidon sa isang sulok, at isinarado niya ang pintuan pagkatapos niyang ibigay ang kulay pink na dress,
Kagaya ito sa kanila, iba lang talaga ang kulay.

Nagbihis na ako at pagkatapos ay lumabas.

"Bagay sayo Keilah"
"Salamat" I responded.

Isa tong dress na kailan man ay hindi ko gugustuhing suotin dahil ngayon lang ako naka suot ng dress. Dresses never looked good on me. So hearing the compliment flattered me a bit.

Looking at this pink dress. I guess galing sa sabi nila kanina, isa itong damit ng pangkaraniwang binibini. So this means kung blue, royalty. Brown, those who works for the Queen? I guess. Hmm what else. Ah green, till those who works for the Queen but for men.

"Tayo na Keilah, naghihintay sayo si Reyna Vedette." Napabuntong hininga ako.

Pakiramdam ko isa akong preso. I have to follow everything she says.

Wala naman akong magawa dahil alam kong wala namang masama.
Ang masama siguro yung hindi ako susunod dahil maling gawa ko lang siguro mapapahamak na ako.

Malay ko ba kung paano sila mag-isip.

Bantay sarado ako sa tatlong to, at kung maka utos, ang bo-bossy pa. Although I also have to add, they might be bossy when giving instructions pero they have been kind to be.

I'm hoping again this time that everything will turn out well. So far I feel that what's happening is bearable. I wasn't turtored or of sorts. I was even given clothes to fit in.

I really do hope this ends well.

➖➖➖➖➖➖➖

ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon