Tatlong mundo na pinaghiwalay ng dyosa ng kalangitan at pinagbuklod ng isang isla na tinatawag na Titania.
Isang batang madungis at gutay gutay ang damit ang tumatakbo upang isalba ang kanyang sarili mula sa mga humahabol sa kanya.
Siya si Miraflor, anak ng isang ordinaryong sundalo mula sa kaharian ng Ore. Ang kanyang Ina ay tagapagsilbi sa kaharian ng mga Oriano.
Mabait ang mga Oriano, mapagmahal sa kanilang mga nasasakupan sa kabila ng masamang konotasyon sa kanilang mundo.
Ang Reynang si Faria Oriano, ay isa sa mga punong konseho sa Titania.
Apat silang bumabalanse ng katahimikan at kapayapaan ng mundo. Si Faria ay ang tagabantay ng elementong apoy. Ipinagkatiwala ito ng sinaunang Reyna upang walang sinuman ang gumamit nito sa kasamaan.
Siya ang pinakamalakas na Oreo sa kanilang mundo. Walang sinuman ang nagtatangkang salungatin ito dahil sa taglay nitong kapangyarihan.
Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, may isa itong kahinaan at iyon ay ang araw ng pagsilang nito ng kanyang magiging panganay na anak.
Ang panganay nito ang inaasahang susunod na mamahala ng buong kaharian, sapagkat ang panganay na anak ng isang tagabantay ang syang magmamana sa makapangyarihang hiyas.
Si Prima ang nakababatang kapatid ni Faria na nagtataglay din ng parehong kapangyarihan katulad ng kay Faria, ngunit mas higit parin ang taglay na lakas ng reyna.
Dumating ang araw ng pagsilang ng Reyna ng Oreo, ngunit isang maitim na balak ang nagbabadyang sisira sa katahimikan ng buong Ore, maski ang balanse ng tatlong mundo.
***
Sa kabilang dako, sa mundo ng Navin binubuo ito ng tatlong kaharian sa pamumuno nina Haring Earno, tagabantay ng elementong lupa dakong hilaga ng Navin. Haring Odes, tagabantay ng elementong tubig gawing timog at si Reyna Ariani dakong silangan na siyang kasalukuyang Titania ng tatlong mundo.
Ngunit si Reyna Ariani ay may malubhang karamdaman dulot ng huling digmaan sapagitan ng mga Navin at ng kampon ni Prometrios.
Lubha itong napinsala sa laban nila ng diyos ng kasamaan na si Prometrios.
Ito ang laban na nagdikta ng kinahinatnan ng tatlong mundo.
Sa kabila ng lahat nagawa parin ng Titania na supilin at ikulong ang diyos ng kasamaan sa tinatawag nilang ikatlong mundo, kung saan siya lamang ang nakakaalam. Sa paghina ng kanyang katawan ang paghina rin ng harang na kanyang ginawa.
Ginawa niyang yelo ang kanyang buong katawan upang tumagal magpakailanman ang harang ngunit ito'y unti unting na-aagnas sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Marahil may traydor sa kaharian.
Kung magpapatuloy ito, magdudulot ito ng pagkalusaw ng yelong katawan ng reyna at ang pagkasira rin ng harang.
Si Reyna Faria ang kaisa-isang pwedeng pumalit sa kanyang pwesto ngunit meron din itong matinding responsibilidad dahil siya ang namumuno sa mundo ng Ore kung saan itinatapon ang mga nagkasalang nilalang. Subalit hindi lahat ng mga taga Ore ay masasama.
Sa badya ng panganib dulot ng lamat na iniwan ng huling digmaan. Ang tatlong mundo ay nangangailangan ng reyna na siyang magbibigay kaligtasan at magpapanatili ng katahimikan.
Ang panganay na babae na anak ng mga tagabantay, dito magmumula ang hihirangin at susunod na Titania ng tatlong mundo.
***
Facebook link: Join the page m.facebook.com/iammrleeofficial.
Before you proceed to the next chapter kindly hit the comment and vote button.
iammrlee
BINABASA MO ANG
Titania
FantasyLong ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...