Reen POV
"Reen gumising kana", saad ni Shila habang niyuyugyog ang aking balikat.
"Hmmmmm", ungol ko saka umupo. Ang gaan ng aking pakiramdam.
"Pinagaling ko na ang mga sugat mo, kumain kana. Para naman may lakas ka mamaya" saad nito.
"Kayo? kumain na ba kayo." tanong ko.
"Kumain ka na nga lang andami mo pang satsat," sabat ni Bena.
Napasimangot si Shila.
"Atrabida", bulong nito sapat na upang marinig ko.
Kumain na lamang ako para hindi na humaba pa ang usapan.
Makalipas ang ilang sandali, dumating na ang mga kawal na susundo sa amin upang dalhin sa susunod na bahagi ng palaro.
Pagdating namin sa bulwagan, tanging mga ibon lamang ang aming nadatnan.
"Ano ang mga iyan?", tanong ko kay Shila.
"Iyan ang mga Peruca, sasakyang panghihimpawid dito sa kabilang dimensyon", usal ni Shila sa mga malalaking ibon. Kulay itim ito at may mapupulang mga mata.
May mga nakikita rin akong mga malalaking ibon sa Ore ngunit hindi ko pa ito nalalapitan. Sapagkat madalang lamang na may magawi sa aming lugar.
Nasa singkwenta na lamang ang natitirang bata upang magpatuloy sa ikalawa at huling bahagi ng laro. Sampung Peruca ang nasa harapan namin maliban sa lima pang kasalukuyang nasa himpapawid, ang bawat Peruca ay may isang sundalong nakabantay.
"Dadalhin kayo ng mga ibong ito sa ikalawang bahagi ng laro. Doon mapipili ang batang ipapadala sa Titania. Apat na bata ang maaring pagpilian at mananatiling buhay pagkatapos ng laro. Ang hindi papalarin na makatawid sa "Vanishing Islands" ay mamamatay.",mahabang paliwanag ng tagapagsalita.
Nag-ingay ang mga kasamahan ko, mukhang hindi sila sang-ayon sa sinabi ng tagapagsalita.
"Ano yung Vanishing Islands?,"bulong ko kay Shila.
"Doon pinaniniwalaang naninirahan ang mga isinumpang mga halimaw. At hindi lang iyon, sa ibaba ng islang iyon ay ang Hellux, kung saan itinatapon ang mga masasamang nilalang na may malalakas na kapangyarihan at minsan ng naging panganib sa buong mundo. Pinaniniwalaang kung mahulog ka sa Hellux, maaring mamatay ka na dahil sa nagbabagang lawa ng apoy o di kaya makulong ng panghabang buhay dahil sinumang makalampas sa harang na ginawa ng mga tagabantay ay hindi na muling makababalik pa. Maliban nalang kung mas malakas ka sa pinagsamasamang lakas ng apat na tagabantay." mahabang tugon ni Shila.
"Ang papalarin ay mabibigyan ng parangal at dakilang misyon. Kaya galingan ninyo! Umaasa sa inyo ang ating panginoon! Ang mga ibong ito ang siyang magdadala sa inyo sa isla, at huwag na ninyong balakin pang tumakas sapagkat may mga bantay na sasama." mahabang saad ng tagapagsalita.
Tiglimang bata ang lulan ng bawat isang Peruca. Kami nina Luz, Shila, Troy at si Mary; taga ibang silid, ang magkakasama. Si Bena at Zeid ay sa isang Peruca kasama ng iba pang bata.
Sa paglalakbay namin sa himpapawid nakita ko ang malawak na bahagi ng kalupaan ng imperyo. Mga patay na puno, halos walang buhay akong makita liban sa mga sundalong nagroronda.
Tuluyan na kaming nakalayo, ngunit isa sa mga bata ang nagtangkang tumakas subalit hindi ito nagtagumpay. Liban sa limang Peruca na nagbabantay may iba pa pala sa aming paanan at ulunan.
Mahaba ang aming ginawang paglalakbay, takip-silim na ng bumaba kami sa isang burol, at doon na raw mag uumpisa ang palaro.
"Ang sinumang bumalik ay papaslangin, nakabantay ang mga ibong ito. Sa kabilang dako nito nandoon ang ating prinsesa, naghihintay kung sino ang mapapalad na manlalaro. Paalala lamang mapalad kayo kung makakaligtas kayo sa islang ito, "saad ng isa sa mga kawal.
"Ang islang ito ay may tatlong bahagi, ang Forest of Dead, Mystery Forest, at ang Gate to Hellux. Wala pang sinuman ang nagtangkang maglakbay sa islang ito." saad ng tagapagsalita.
Tinignan ko naman ang kanyang tinutukoy ngunit wala naman akong makita, kundi mistulang karagatan ng hamog.
"Sa likod ng mga hamog na iyan ay ang Hellux at sinumang mahulog sa bahaging iyan ay hindi na muling makababalik pa". muling saad ng tagapagsalita.
"Wala naman akong makitang isla Shila?", bulong ko kay Shila.
"Mamaya magpapakita iyon pagsapit ng kabilugan ng buwan", bulong naman nito.
"Sa pagtanglaw ng liwanag ng bilog na buwan at pagsapit ng alas dose ng gabi, ang isla ay magpapakita ngunit sa pagtungtung ng alas tres ng umaga muli itong mawawala. Ang mga nilalang na mananatili sa lugar pagkatapos ng itinakdang oras ay habang buhay ng hindi makakaalis sa sumpang dala ng isla." muling saad ng tagapagsalita.
"Habang hinihintay ang isla! Makinig ang lahat! Hindi kami mangingiming patayin ang sinumamg lalabag sa patakaran. Pagsapit ng itinakdang oras, pilitin niyong makatawid patungo sa unang isla sapagkat ipapakain namin sa mga ibon na ito ang mabagal kumilos. Tatlong oras lamang ang itatagal ng laro sapagkat ang sinumang hindi makakatawid ay dalawa lamang ang kahihinatnan! Una kapag sinubukan niyong tumakas, ang isla ay napapalibutan ng hamog at may kakayahan itong hindi paganahin ang inyong kapangyarihan kaya iisa lamang ang bagsak ng mga tatakas, mahuhulog sa Hellux, maswerte ka kung hindi ka pagpyepyestahan ng mga halimaw o mahulog sa lawa ng apoy ngunit makukulong ka panghabang buhay. Ang tanging labasan ay ang magkabilang dulo ng isla. Sa mga mananatili naman sa isla, paglampas ng alas tres ay maisasama sa pag kawala nito at maisasalin sa kanya ang sumpa ng panghabang buhay na lungkot at pagdurusa sa loob ng isla. Apat lamang ang mabubuhay at ang sinumang tutungtong sa panglima ay mamamatay!", naging tahimik ang lahat habang nagsasalita ang kawal.
"Kung kinakailangan niyong patayin ang inyong kasamahan upang kayo ang manalo, gawin niyo!," dugtong nito.
Biglang sumakit ang marka sa aking braso na nakuha ko noon sa gubat. Pangatlong araw na ngayon at habang tumatagal mas lalo itong lumalaki. Hindi ko na lamang ito binigyang pansin at itinuon ang aking atensyon sa karagatan ng hamog.
Lumapit si Troy at Luz sa amin, habang si Bena ay lumapit sa kinatatayuan ni Zeid.
"Kaya mong lumipad?, bungad na tanong ni Troy kay Shila. Hindi na ito nasagot ni Shila sapagkat muling nagsalita ang kawal.
"Maghanda! Magpapakita na ang isla! At gaya ng sinabi ko ang mahuhuli ay papaslangin at kakainin ng mga Peruca!, sigaw ng tagapagsalita.
Unti-unti sa direktang pagtungtung ng liwanag ng buwan may kung anong bagay ang nagpapakita, habang pinagmamasadan ko ang pagpapakita nito unti-unti rin itong nababalutan ng hamog hanggang sa di na maaninag kung ano man ang nasa loob.
"Umpisahan na!, sigaw ng tagapagsalita.
"Takbo!", sigaw naman ng isang bata. Ngunit huminto rin ito sapagkat hindi konektado ang isla sa burol na aming kinatutungtungan, sa makatuwid nakalutang ito. Paglingon ko sa mga kawal nakaamba ang kanilang mga pana.
Nagpalit anyo agad si Luz bilang malaking ibon, at dinagit ako bago tuluyang mabalot ng hamog ang buong isla. Habang si Shila ay ginawang tingting ang kanyang patpat at doon sila sumakay ni Troy. Si Bena naman ay pinahaba nito ang kanyang buhok at syang nagsilbing tuntungan nila kay Zeid. Ang ibang bata na walang kakayahang lumipad ay mas pinili na lamang nilang tumalon at mahulog sa Hellux ngunit tiyak na pagkahulog nila mamatay na sila agad sapagkat pinapana sila o di kaya naman dinadagit sila ng mga ibon.
Sa paglabo ng paligid nasa sampu ang nakita kong bata na kasalukuyang tinutuka ng mga Peruca ang iba naman ay nauna na sa loob ng isla.
Nagkahiwahiwalay kami.
Nagpalit anyo naman agad si Luz pagkababa namin, ngunit pinanatili nito ang kanyang mga balahibo sapagkat wala itong saplot.
"Ito ang isla ng mga patay, ang gubat kung saan muling nabubuhay ang mga patay," saad ni Luz.
Ano kaya ang kababalaghang napapaloob sa gubat na ito?
The Vanishing Islands, Forest of Dead.
Subaybayan ang susunod na kabanata.
***
Thanks for reading leave comments po.
iammrlee
BINABASA MO ANG
Titania
FantasyLong ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...