Someone's POV
"Master Pory may pangahas na umapak sa inyong teritoryo." saad ng isa sa mga tauhan ni Master Pory.
Matapos ang ilang sandali na hindi pagsagot ni Master Pory.
"Isa po itong babae, at kasalukuyan pong hinarang ng isa sa mga kasamahan ko" dugtong ng tauhan.
Ang mga Hedo at Eterno lamang ang may lakas ng loob na umapak sa aking teritoryo. Ngunit matagal na panahon na mula noong huling magsagupa ang aming mga pwersa. Mukhang nag uumpisa na naman sila ng panibagong laban, sa isip ni Master Pory.
"Dalhin mo ako sa nilalang na iyon" maawtoridad na utos ni Master Pory.
"Masusunod Master", saad ng nilalang at nauna na itong lumabas sa kuta nila.
***
Nasa bakuna ng teritoryo ang sinasabi ng kawal kaya naman nangailangan sila ng mga kabayo upang mas mapabilis ang kanilang pagpunta.
Nabungaran ni Master Pory ang isang nilalang na may mahaba at maitim na buhok. Nakasuot ito ng itim na kapa at meron din itong bandana.
Anong ginagawa ng isang binibini sa lugar na ito?" bungad ni Master Pory.
"Paraanin niyo ako, isa lamang akong manlalakbay at walang balak na kahit ano-" tugon ng nilalang.
"Iyon ay kung makakadaan ka pa" saad ni Master Pory.
Dahil sa malakas na ihip ng hangin ay nasamyo ni Pory ang amoy ng babae.
"Hmmmm amoy ng isang---! Hahahaha! Isa kang taga labas ngunit ang lakas ng loob mong pumunta sa aking teritoryo."
"Wala na akong magagawa kung ayaw niyo akong padaanin kundi mapipilitan akong labanan kayo."
Malakas ang loob ng isang ito, sa isip ni Pory.
"Pananakot ba yan? Aba'y natakot ako! Hahaha!"
Maya't maya ay nagpalabas ng itim na kapangyarihan si Master Pory.
"Lason?!!" saad ng nilalang.
"Magaling! Ito ang aking kapangyarihan, sa tingin mo may pag asa kapang mabuhay?"
Hindi sumagot ang nilalang sa halip ay may inilabas itong kahoy.
"Lapastangan!" naiinis na sigaw ni Master Pory.
Nagpakawala ito ng bolang lason. Ngunit nasalag ng babae gamit ng ugat na biglaang tumubo sa harap nito.
"Isang nilalang na may lihim na kapangyarihan? Haha pipitsuging kakayahan!" sa loob loob ni Pory ay hindi basta basta ang nilalang na kaharap nito. Masama rin ang pakiramdam niya sa kasama nitong hayop. Ngunit tila wala namang kakaiba sa mga ito liban nalang sa kakayahan nitong gumamit ng kapangyarihan.
Tignan lang natin kung makakatas ka pa sa atakeng gagawin ko, sa isip ni Pory.
Agad itong nagpakawala ng mga bolang lason at inihagis patungo sa kalaban. Ngunit muli nasalag ng nilalang ang mga lason ni Pory.
"Hindi ko mawari kung saan nanggagaling ang kapangyarihan mo ngunit hindi ka makakawala sa mga lason na pinakawalan ko"
Ilang sandali nalang ay mababalot na ang lupang pananggalang nito at mahahalo ang likido sa lupa na kinaroroonan ng nilalang.
"Haha magtago ka lang babae, ngunit tinitiyak ko malalason ka kasama ng alaga mo!" sigaw ni Pory.
Napakunot si Master Pory ng nagliliwanag ang lupa na kinaroroonan nito.
Mukhang may natitira pang alas ito. Kinontrol nito ang lason sa paligid ng lupa ngunit tila nawalan ng bisa ang lason at naging ordinaryong likido na lamang ito.
Natigalgal si Pory ng muli nitong maramdaman ang pamilyar na kapangyahin.
"Hindi maari ito, posible ba na ang babaeng ito ay --- Hindi! kailangan ko syang paslangin." saad ni Master Pory.
Agad gumawa si Pory ng bolang lason at nakahanda na nitong ibato ng matibag ang lupa na pinagtataguan ng nilalang.
Nasilaw ito sa liwanag kaya naman hindi nito nagawa ang plano nito. Nang mawala ang liwanag ay nawala na rin ang babae tanging puting pigura nalamang ang naaninag nito sa kalangitan. Agad nitong ibinato ang bolang lason ngunit nakalayo na ang mga pangahas. Hindi na nito naaninag pa dahil narin sa madilim na kapaligiran.
Saan nanggaling ang kakaibang liwanag na iyon? Maari bang sya ay nagmula sa nakaraan? Ngunit hindi- hindi yon maari!, sa isip ni Master Pory.
"Anong ginagawa niyo rito! Habulin niyo!" galit na baling ni Master Pory sa apat nitong kasamahan.
***
Mira POV
"Siya si Pory ang lider ng mga Purga." tugon ni Lola Eleo matapos kong ikwento ang mga pangyayari.
"Minsan na siyang naging banta sa katahimikan sa mundo kaya naman gumawa ang Titania ng paraan upang makulong ang mga ito. Kaya nagawa ang Hellux na naging tapunan ng mga masasamang nilalang. Makikita ito sa Oreo at bago ka makapunta rito ay dadaan ka muna sa kabilang dimensyon kung saan namumuno si Partisan. Ang kabilang dimesyon ay tapunan ng mga nagkasalang Navin, Titan, Oreo at maging mga Orde. Samantala ang Hellux lingid sa kaalaman ng lahat dito itinapon ang apat na halimaw na nagbalak sakupin ang ikatlong mundo."saad ni Lola Eleo.
"Meron lamang po akong gustong malaman Lola Eleo?" tanong ko.
"Ano iyon" tugon naman nito.
"Bakit po kayo napunta rito at bakit po andami niyong alam na detalye tungkol sa nakaraan? Napapaisip po ako sapagkat kung nakulong na kayo rito noon ay malamang wala kayong impormasyon sa labas ng Hellux" mahaba kong paliwanag.
Napangiti si Lola Eleo.
"Nais mo bang malaman ang kasagutan?"
Agad naman akong tumango. Ngunit bago ito nakasagot ay may mga malakas na pagsabog mula sa labas ng punong kinaroroonan namin.
Naririnig ang mga pangyayari mula sa labas ngunit hindi maririnig ang mga tunog mula sa loob kung nasa labas ka at hindi mo ito mapagkakamalang tirahan dahil mukha lamang itong ordinaryong puno.
"Mira, mukhang may naglalaban malapit rito." sa halip ito ang naitugon ni Lola Eleo sa tanong ko. Hindi na niya nasagot ang aking tanong sapagkat lumabas na ito sa aking silid.
***
Lumabas si Lola Eleo upang tignan ang nangyaring pagsabog. Sumunod naman ako upang tumulong, agad kong isinuot ang aking maskara at kinuha ang aking tungkod. Ngunit tila walang labanan naganap.
"Tanda! Dito ka lamang pala makikita kinailangan ko pang magpasabog upang lumabas ka!" saad ng isang lalaking may kapa.
"Sino ka at anong kailangan mo sa akin?" tanong ng matanda.
"Hindi mo na ba ako naaalala tanda?" saad nito.
"Zacheos..." tila bulong na saad ni Lola Eleo ngunit sapat na upang marinig ko.
iammrlee
Note: The whole part of Titania is not yet edited.
BINABASA MO ANG
Titania
FantasíaLong ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...