Mira POV
"Mira" bungad ni Lola Eleo sa akin ng tuluyan na itong makapasok sa punong bahay.
"Kailangan na nating umalis dito" mahinahon nitong sambit.
"Bakit po? Anong nangyayari?" tanong ko.
"Gaya ng aking akala. Kasalukuyang hinahalughog ng mga Demo ang kakahuyan at patungo na sila rito." tugon ni Lola Eleo.
"Anong gagawin natin Lola Eleo?" nangangambang saad ko.
Kung noon ay nakaya naming labanan ang apat na Demo. Sa ngayon, kaya parin kaya naming makipagsabayan ni Lola Eleo? Lalo't wala sa akin ang aking tungkod kaya't siguradong wala din akong maitutulong kung makikipaglaban kami sa mga ito.
"Mira" saad ni Lola Eleo at lumapit sa kinaroroonan ko.
"Nasira po ang tungkod na binigay niyo sa akin ng mapalaban kami sa mga purga. Patawad po at hindi ko ito iningatan" paghingi ko ng pasensya.
"Batid ko ang nangyari sa inyo kung bakit ito nasira." tugon nito saka itinaas nito ang kanan niyang kamay at bahagya nitong hinawakan ang kanan kong mata.
"Pagkakalooban kita ng panibagong kapangyarihan gaya ng nasira mong tungkod. Panatilihin mong mulat ang iyong mata habang sinasalinan kita ng aking kapangyarihan. Ang kapangyarihan na ito'y magagamit mo kahit ako'y mawala na" mahaba nitong saad.
Gaya ng sabi nito ay pinanatili kong nakamulat ang aking kanang mata.
"Ang artipisyal mong mata ang magsisilbing sisidlan ng kapangyarihang ipagkakaloob ko" dugtong ni Lola Eleo at may mga binanggit itong mga kataga.
Pagkatapos ng ilang sandali ay natapos rin ang ginagawa nitong pagsalin ng kapangyarihan. Habang pinapakiramdaman ko ang aking sarili ay nakarinig ako ng mga ingay na nagmumula sa labas. Tila may pagsabog na nagaganap.
***
"Mira maghanda ka, tila mapapalaban tayo ng wala sa oras" saad ni Lola Eleo.
Agad akong naghanda kinuha ko ang isang espada, pana't mga palaso habang si Lola Eleo ay kumuha ng mga sangkap ng kanyang mga orasyon bilang paghahanda.
"Nakahanda na ako Lola Eleo" saad ko.
Wala pang ilang sandali'y palakas na ng palakas ang mga pagsabog tanda na nasa malapit na ang may kagagawan nito.
"Mira" saad ni Lola Eleo habang binubuksan ang pintuan ng punong bahay.
"Halika na" sambit nito at lumusong na kami sa tiyak na kapahamakan.
***
Pagbungad namin ay nakita ko ang pagkasira ng mga puno at ang mausok na paligid.
Nabungaran namin ang grupo ng mga Demo at ang iba'y may hawak pang sandata na may kakayahang magpasabog.
"Marami sila" saad ni Lola Eleo.
Bahagya akong nanlumo. Dalawa kontra sa kumpol ng mga Demo, mabuti sana kung apat o lima lamang sila siguro'y kakayanin rin namin ang makipagsabayan.
"Huwag kang mawalan ng pag-asa Mira" saad ni Lola Eleo, siguro' y napansin nito ang aking pagkabahala.
Naisip kong sa mahabang panahon na naririto ako ay hindi ko man lang nakita kung paano makipaglaban si Lola Eleo.
Batid kong malakas ito kaya't agad ding nawaksi ang aking pangamba.
Oo nga pala't hindi ako nag-iisa. Naririto si Lola Eleo na nagsilbing guro ko at pangalawang ina.
Ang nagturo sa akin ng mga bagay na alam ko ngayon at gumabay sa akin. Na kahit hindi kami magkadugo'y pinakitahan nya ako ng pagkalinga.
Nag-ingay ang mga Demo ng mapansin nila kami. Ka-iba sa mga Purga na may mga matatalas na pang-amoy. Ang mga Demo ay may matatalas na paningin na kahit sa dilim ay nagagawa nilang makakita sapagkat iisang kulay lamang ang kanilang nakikita.
"Huwag kang lumayo sa akin Mira." nag-aalalang saad ni Lola Eleo, siguro dahil kakagaling ko lang sa matinding laban at hindi pa lubusang nanunumbalik ang aking lakas.
"Opo" maikli kong tugon habang nakamatyag sa mga palapit na halimaw.
Nang makita kami ng mga kalaban ay agad- agad silang sumugod at ang iba naman ay naghagis ng mga putol na puno papunta sa amin.
Agad namang hinawi ni Lola Eleo ang mga nagliparang punong kahoy sa pamamagitan ng kanyang kanang kamay.
Wala pang isang iglap ay tumilapon naman sa di kalayuan ang ibang mga Demo na nagtangkang sumugod sa amin.
Hindi ko pa gamay kung paano gamitin ang bagong kapangyarihan na ipinagkaloob ni Lola Eleo kaya makikipaglaban muna ako gamit ang pisikal kong lakas.
Habang tumatagal ay lalong dumarami ang mga Demo sa paligid at ngayon ay napapalibutan na nila kami.
Tinignan ko si Lola Eleo ngunit hindi ko man lang maaninag sa kanya ang pagkabahala.
Ibinaling kong muli ang aking atensyon sa mga kalaban.
"Mira, hangga't maari ay huwag nating palapitin ang mga halimaw na iyan sa puno" saad ni Lola Eleo sa punong bahay.
"Opo!" sagot ko.
Muli ay nagpasabog ang mga Demo ngunit hinarangan lamang ito ni Lola Eleo.
"Ako naman!" saad nito, saka iminuwestra ang kanan niyang kamay at agad namang nagpakita ang isang tungkod.
Sa isang wasiwas nito ay tila nagkaroon ng malakas na pagyanig ng lupa dahilan upang mapahinto ang mga Demo. Ngunit hindi nila inaasahan ang sumunod na pangyayari.
Agad gumalaw ang lupa malapit sa aming kinatatayuan at naging pormang higante.
"Ngayon ikaw na nabuo mula sa aking kapangyarihan, inuutusan kitang paslangin ang aking mga kalaban'' saad ni Lola Eleo habang umiilaw ang dulo ng kanyang tungkod.
***
Someones POV
Hindi ko naisip ang mga nangyari kung bakit nagpadala agad ako sa tudyo ng babaeng iyon, ngayon ay habang buhay na akong sasailalim sa kanyang kapangyarihan.
Hindi maari ito. Kailangan kong mabawi ang aking kalayaan.
"Ako si Elena! Ang pinakamakapangyarihang nilalang sa Navin!"
Ngunit kahit anong gawin ko'y hindi ko na mababawi ang mga naganap na.
"Bwisit!"
Ano na kayang nangyari sa mga inatasan kong mga alagad.
Tila may kakaibang nangyayari na hindi ko alam. Isang pamilyar na kapangyarihan.
Posible kayang naririto siya?
iammrlee
BINABASA MO ANG
Titania
FantasíaLong ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...
