Chapter 4 - Partisan Lord

4K 123 0
                                        

Reen POV

Pumikit ako habang pilit na kinukuha ang aking tulog, muli kong iminulat ang isa kong mata at lumingon ako sa aking mga kasamahan. Himbing na himbing na sila sa kanilang pagtulog.

Buti at nagagawa nilang makampante sa sitwasyon ito.

Nabaon na naman ako sa malalim na pag iisip, nanghihinayang ako sa aking naging kapalaran. Gusto kong umiyak ngunit tila wala na akong luha, sa halip humapdi lang ang aking kanang mata.

Sinubukan kong imulat ito ngunit tila nadikit na ang mga talukap nito dahil sa tumigas na dugo dulot ng pambubugbog nila sa akin.

Napaigtad ako dahil sa sakit ng aking katawan at pananakit ng aking braso.

"Hmmmmm ughhhhh" hindi ko mapigilan at napaungol ako.

"Reen gising ka pa, bakit dika pa natutulog?", boses ni Shila na tila naalimpungatan dahil sa ungol ko.

Umupo ako.

Madilim sa silid at ang liwanag lamang na nanggagaling sa lente, mula sa bakuna ng silid ang nagbibigay tanglaw sa kinalalagyan namin.

"Ano ng mangyayari sa atin dito?", tanong ko.

"Sa tingin ko, tayo ang magiging piyesa sa gagawin nilang palaro. Pagdiriwang ito sa pagkawala ng Reyna ng Ore.", mahaba nitong tugon.

"Anong laro iyon?, saad ko.

"Paligsahan iyon, at kung sino man ang mananalo at tatanghaling pinakamalakas ang siyang ipadadala sa Titania," tugon nito.

"Bakit naman nila gagawin iyon, at sino naman ang magdadala sa mananalo roon?," sunod sunod kong tanong. Sa pagkakaalam ko iisa lang ang lagusang papunta sa Isla Titania at nasa kaharian iyon.

"Wala na ang reyna na nangangalaga sa lagusan, kaya sa tingin ko makakaya nilang makalusot sa mga bantay", saad nito.

"Bakit naman sila magpapadala ng bata na galing dito papunta sa Titania?", naguguluhan ko parin tanong.

"Iyon ang hindi ko alam...  bakit ka pala napunta rito?" tanong ni Shila.

"Binugbog ka pa nila," sunod nitong saad.

"Galing ako sa kabilang dimensyon at nagawi ako sa isang gubat. Pag-gising ko dinakip na nila ako, nagpumiglas ako ngunit diko sila kinayang labanan", malungkot kong tugon.

"Sana dika na lang nanlaban, tignan mo ang nangyari sa iyo."

Mahabang katahimikan.

Gaya mo nanlaban rin kami, ngunit malakas sila," pukaw nito.

"Teka lang", saad nito at may inilabas na isang patpat.

"Ano 'yan?" nagtataka kong tanong sa inilabas nitong kahoy.

"Isa akong mahikera mula sa pamilya ng mga mangkukulam," saad nito sabay kumpas ng kanyang patpat.

Nanlaki ang isa kong mata nang magliwanag ang dulo ng patpat at habang kinukumpas nito ay tila may naiiwang butil ng liwanag sa bawat hampas niya ng kanyang patpat.

Pinaikutan ako ng liwanag, ilang sandali ay nakaramdam ako ng ginhawa na sa tingin ko'y dulot ng liwanag mula sa patpat ni Shila.

"I-angat mo ang iyong ulo.", nakangiti nitong saad.

Iniangat ko naman ito, itinutok nito ang kanyang patpat sa kanang mata ko. Wala pang isang minuto ay  unti-unti kong nararamdaman ang pagkawala ng sakit nito. Iminulat ko ang kanan kong mata ngunit wala akong makita, inulit ko ngunit ganon parin, ipinikit ko ang aking kaliwang mata saka ko  iminulat ang isa ngunit wala ganon parin.

"Shila wala- walang makita ang isa kong mata!," nalulungkot kong saad.

Nang tignan ko si Shila ay nakahandusay na ito sa sahig.

Agad ko itong linapitan at pinakiramdaman. Mukhang napagod ito dahil sa paggamit nito ng kanyang kapangyarihan.

Nanlumo akong humiga.

"Salamat Shila, salamat", iyon ang huling salita na kumawala sa aking bibig bago ako gapiin ng antok.

***

Kinaumagahan...

Naalimpungatan ako dahil sa malalakas na sigawan sa labas. Tinignan ko ang aking mga kasamahan, gising na silang lahat.

Umayos ako ng upo.

"Magandang umaga," bati sa akin ni Shila. Ngumiti ako bilang tugon sa kanyang pagbati kahit alam kong hindi maganda ang umaga ko.

"Kamusta? maayos na ba ang mga sugat mo", tanong nito.

"Ahh.. oo salamat sa ginawa mo kagabi," saad ko.

"Kamusta ang mata mo?, ulit nitong tanong.

"Walang makita", maikli kong tugon at napatingin naman ang mga kasamahan namin.

"Tutulungan sana kita ngunit hindi sapat ang aking abilidad upang ibalik ang iyong paningin. Pansamanta gamitin mo muna ito" saad nito at may inilabas na tela. Inilabas din nya ang kanyang patpat at kumumpas

"Panakip iyan para hindi ka mapuwing", nakangiti nitong saad.

"Maraming salamat," tinanggap ko ang binibigay nito.

Makalipas ang ilang sandali. May nagbukas ng tarangkahan ng silid

"Pinapatawag kayo ni Lord Partisan, lumabas kayo at magbigay pugay sa ating panginoon," saad ng nagbukas ng silid.

Habang naglalakad kami palabas, nakita ko na may iba pang mga silid. Kung gayon hindi lang kami ang bihag nila.

Pagkalabas namin sa makipot na pasilyo patungo sa bulwagan. Madaming nilalang, naglakad kami papunta sa gitna.

Sinundan namin ang lalaki at unti unti'y nadadagdagan ang aming bilang.

"Heto na po ang inyong kahilingan Panginoong Partisan! Lahat ng bata dito sa kabilang dimensyon edad walo pataas ay aming nilipol matupad lamang ang inyong kagustuhan! Isandaang bata ang naririto ngayon at naghahangad makuha ang pabuyang inyong ipagkakaloob," saad ng isa sa mga kawal at nagbigay pugay sa kanilang panginoon.

Iniangat ko ang aking ulo upang tignan ang sinasabi nilang panginoon, ngunit hindi ko makita ang kanyang mukha sapagkat natatakpan ito ng maskara, maging ang mga mata nito ay hindi makita, tanging mga labi lamang nito ang hindi natatakpan.

"Simulan na", maikling saad ng panginoon nila.

"Masusunod mahal na panginoon", tugon naman ng kawal.

Tumayo ang panginoon nila at lumipat ng upuan, senyales na handa na ito sa kanilang gagawin.

"Ikaw! Pumaharap!", sigaw ng kawal na umaaktong tagapagsalita. Tinignan ko ang kanyang itinuturo.

Ang batang may gwapong mukha, si Zeid.

Agad itong kumilos at naglakad patungo sa gitna. Nagtawag ulit ang kawal at pumaharap ang isang matabang bata.

"Sa mga hindi natawag, bumunot kayo sa tambyolo ng inyong numero at kapag natawag ang inyong numero pumaharap kayo, utos ng kawal sa amin.

"Halika na," tawag ni Shila sa akin.

"Ang mananalo ang magkakaroon ng tyansang pumunta sa Titania, at ang matatalo ay mamamatay, kapalit ng inyong pagkatalo ay ang inyong buhay!," ani ng kawal.

"Zeid! Galingan mo!," sigaw ni Troy.

Tila walang narinig si Zeid at nanatili lamang syang nakatayo habang naghihintay ng susunod na utos mula sa tagapagsalita.

Makaraan ang ilang sandali umalis na ang tagapagsalita sa gitna.

"Umpisahan na!", sigaw nito.

***

iammrlee

I have also fb account add me @ IamMr Lee.

TitaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon