Reen POV
Ahhhh---! Bi-bita-wan mo ako,"
"May sinasabi ka Reen?", Bena.
"Bi-bitaw---" ako.
"Bitawan kita?, okay sabi mo eh," binitawan nga niya ako.
"Ahhhhhhhh" sigaw ko.
"Reen!" sigaw ni Luz.
Tuloy-tuloy akong nahulog sa lawa ng hamog at sa aking pagbulusok naramdaman ko ang pag igting ng kanan kong braso.
Sa ilan pang sandali ay may kung anong gustong kumawala sa aking braso. Masakit, mabigat, kakaibang pakiramadam.
"Ahhhhhhhhhhhhh" kasabay ng liwanang ang pagkahulog ko.
Nararamdaman ko na ang init na nagmumula sa babagsakan ko.
Mistula itong lawa ng apoy, sa pagpikit ng aking mata ang pagsulpot ng kakaibang nilalang. Kasabay ng pagkawala ng aking ulirat.
***
Nagising ako na masakit ang buo kong katawan. Inalala ko ang mga nangyari.
Nahulog pala ako sa lawa ng hamog kung saan nakatakda na ang sinumang mapupunta dito ay makukulong panghabang buhay.
Maswerte ako at hindi bumagsak sa lawa ng apoy.
Oo nga pala, paano ako nakaligtas. Minulat ko ang isa kong mata at inapuhap ang isa. Ano itong nangyayari sa akin, malungkot kong saad.
Naramdaman kong may mabalahibong dumadantay sa aking braso. Liningon ko ito at nakita ko ang isang kulay puting hayop.
"Hiko?", tinignan nya ako at pinagmasdan ko ang kulay asul nitong mga mata.
"Anong ginagawa mo rito?" nagtataka kong sambit.
Siya ba ang nakita kong puting nilalang bago ako mawalan ng malay. Ngunit imposible malaki iyon kumpara sa katawan ni Hiko.
Tumindig ang tainga nito at naging kulay pula ang kanyang mga mata. Anong nangyayari. Maya't maya may naririnig akong sigawan at pagsabog sa di kalayuan.
"Sino ka?" biglang may nagsalita sa aking likuran. Boses ito ng babae. "Anong ginagawa mo dito malapit sa bakuna ng Hellux."
Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa pagkabigla.
"Magsalita ka, sino ka?"
"A---ako si Re--Mira, Mira." saad ko.
"Anong ginagawa mo rito" tuloy nitong tanong, habang nariring ko ang pagsabog sa dikalayuan.
"Nalaglag ako mula sa Vanishing Island"
"Vanishing Island? Imposible--- wala pang nakakarating sa ikatlong parte ng isla. Paano mo nagawang tahakin ang iba pang mga isla?"
"Mahaba pong kwento"
"Ganoon? Hindi naman ako nagmamadali, tumayo ka na dyan at sumunod ka sa akin"
Tumayo ako at nilingon siya, tanging ang likuran na lamang niya ang aking nakita na natatakluban ng kulay abo nitong kapa.
***
Sinundan ko siya habang nasa aking ulo si Hiko. Nagtungo kami sa isang puno. Maraming puno rito at marahil kung hindi ka pamilyar sa lugar ay maliligaw ka.
May sinambit itong kataga at kusang nahati ang gitna ng puno. Kasya ang isang nilalang.
Nauna itong pumasok saka ako sumunod.
Hindi ko inakalang parang bahay ang loob ng puno, may sala, kusina at mga silid.
Nakakamangha pinagmasdan ko ang bawat detalye nito.
BINABASA MO ANG
Titania
FantasyLong ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...