Shila POV
Agad nagpalit anyo si Luz bilang malaking ibon. Dinagit nito si Reen papunta sa Isla. Inilabas ko naman ang aking patpat at ginawa itong tingting. Inakay ko si Troy papunta sa Isla. Habang si Bena ay pinalaki nito ang kanyang buhok at pinuluputan niya si Zeid.
Hindi ko nasundan sina Luz, maski sina Bena ay naglaho na parang bula.
Bumaba na kami.
"Asan tayo?" tanong ni Troy.
"Malay ko, ngayon lang ako nagawi dito eh", sagot ko sa tanong niya.
Lumingon ito at napangiti.
"Oo nga naman", saad nito, at hindi nakaligtas sa aking pandinig ang huli nitong sinabi, "sungit", bulong nito.
Napairap ako at naglakad palayo. Habang naglalakad napansin kong parang malambot ang lupang kinalalagyan namin.
"Teka lang hintayin mo naman ako", sigaw ni Troy.
Lilingon sana ako, ngunit sa aking paghinto ay lumubog ang aking mga paa saka nahulog.
"Ahhhhhhh", sigaw ko, nahulog ulit ako sa malambot na bagay. Hindi pa ako nakatayo narinig ko naman ang sigaw ni Troy.
"Arayyyy!, naiirita kong saad dahil sa dami ng pwedeng bagsakan sa akin pa talaga siya bumagsak.
"Aray ko!", reklamo rin nito.
"Umalis ka nga sa taas ko!" sigaw ko.
"Pwedeng maghintay ka. Atat mo masyado!" ganting sigaw naman nito.
Sasagot pa sana ako ngunit tinakpan nito ang aking bibig.
"Ano ba!" sigaw ko.
"Huwag kang maingay, may papalapit", bulong naman nito
Pinakiramdaman ko ang paligid. Mukhang meron nga. Iginala ko ang aking paningin. Parang nasa malaking pugad kami. Tumingala ako at tinignan ang kinahulugan namin.
"Mga pagaspas ng pakpak, umalis na tayo Shila."saad ni Troy.
Tumalima ako at inilabas ang aking patpat. Lumingon ako sa kinaroroonan ni Troy.
"Ilag",sigaw ko kay Troy saka ko tinadyakan ang kanyang dibdib.
Sa paglingon ko nakaamba na itong tukain ng isang malaking ibon. Hindi man lamang namin napansin na may ibon sa pugad na ito.
Medyo madilim sa lugar dahil hindi masyadong nasisinagan ng buwan. Idagdag pang kulay itim ang ibon.
Muling sumugod ang ibon, ginamitan ko naman ito ng aking kapangyarihan. Iwinasiwas ko ang aking patpat upang itaboy palayo ang ibon. Nagawa ko naman at tumilapon ito sa di kalayuan.
"Halika na Shila, mukhang galit na dahil nabasag natin ang itlog niya"saad ni Troy.
Hindi ko napansin na may itlog pala ito. Humuni ito ng malakas at inunat ang malaki nitong pakpak.
"Halika na bago pa makatawag ng kasamahan ang ibon na iyan." sigaw ni Troy.
Ginawa kong tingting ang aking patpat, sumampa kami ni Troy at agad na lumipad palayo.
Ang akala namin ay natakasan namin ang ibon ngunit hindi pala.
Nakasunod ito at nagdala pa ng kasamahan.
"Bilisan mo Shila, lumipad ka pababa!", utos ni Troy.
"Nag-uumpisa ng kumalat ang hamog, at kapag nabalutan tayo mawawalan tayo ng kapangyarihan." saad ni Troy, naalala ko ang sinabi ng tagapagsalita, ang hamog na nakapalibot sa isla ay pansamanantalang tatanggalin ang aming abilidad.
BINABASA MO ANG
Titania
FantasiLong ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...
