Someone POV
"Lola may nilalang sa banda roon!" sigaw ng isang batang lalaki.
"Nilalang?" saad ng matanda.
"Opo, may takip po ang isa nitong mata at walang malay na nakahandusay sa lupa." sagot ng bata.
Ngunit lingid sa kaalaman ng batang lalaki, sa pagbalik nito mula sa pinuntahan niya ay may nakasunod rito.
"Saang banda?"
"Doon po!" turo nito sa kakahuyan.
Sa paglingon ng matanda ay nakita nito ang mga paparating na Demo.
"Zacheos! Umalis ka dyan!" utos ng matanda.
Agad nagpalit anyo ang matanda na kagaya ng mga Purgo. Lumapit naman ang bata sa kanyang itinuturing na guro.
"Zacheos habang may oras ka pa ay umalis ka na dito. Pumunta ka sa iyong ama." bulong ng matanda.
"Ngunit Lola--" tutol ng bata.
"Mapanganib para sa kagaya mo ang manatili pa rito" tugon ng matanda, lalo na't nalaman ng mga Demo ang pananatili ng isang Navino sa lugar na ito.
"Ngunit paano ka--" sabat ng bata.
"Huwag mo akong intindihin, gamitin mo ang kapa ng dakilang Titania upang umalis at huwag na huwag ka ng bumalik sa lugar na ito. Maliwanag ba?" utos ng matanda, liban sa Titania malayang nakakalabas pasok sa Hellux ang sinumang may hawak ng mga amulet na pag aari ng Titania.
"Zacheos!" sigaw ng matanda na nag anyong purgo.
"O-opo" saad ng bata, labag man sa loob nito ay agad nitong linisan ang Hellux.
"Kapa ng dakilang Titania dalhin mo ako sa aking ama" at pumulupot ang kapa nito kasabay ng kanyang paglaho.
***
Siya si Zacheos ang unang naging estudyante ni Eleo sa Hellux. Dahil nalaman ng mga Demo ang pananatili ng isang taga labas malamang ay patuloy nila itong hahanapin sa lugar na ito.
Para sa mga Demo at iba pang pangkat sa Hellux, ang mga Navino at Oreo ay isang pagkain na nagpapalakas sa kanila. Ito ang dahilan kaya naihiwalay ang Kabilang dimesyon na tapunan ng mga makasalanang Navino at Oreo sa Hellux, dahil magsisilbing pagkain lamang ang mga ito.
Sa makatuwid mga halimaw ang nakakulong sa Hellux kaya walang nabubuhay na Navino, Oreo, Orde at maging mga Titan sa lugar na ito maliban na lamang kung malakas ka at kayang labanan ang mga ito.
Kaya nagdesisyon si Eleo na paalisin ang batang si Zacheos upang iligtas ito dahil alam nitong sa dami ng kalaban sa paligid ay hindi nito magagarantiya ang kaligtasan ng bata.
Si Zacheos ay isa sa mga tagapangalaga ng apat na kagamitan ng dakilang si Titania. May kakayahan itong maglaho ngunit sa paglabas sa Hellux ay sarili lamang nito ang kaya nitong iligtas ganoon rin sa tatlong iba pang tagapangalaga.
***
Ang mga Demo ay isa sa mga halimaw na nakatira sa Hellux. Mababangis ang mga ito, may mabalahibo at malaking pangangatawan, mapupulang mga mata at mahahabang ngipin. Hindi rin makakaila ang sang sang ng kanilang amoy na katulad ng mga nabubulok na karne.
Purgo ito naman ang uri ng mga halimaw sa Hellux na nag aanyo na katulad ng mga Navino at Oreo, ang kaibahan lang ay berde ang kanilang balat. May kalakihan rin ang mga ito kumpara sa mga ordinaryong Navino at may singkit na mga mata. Karamihan sa mga purgo ay may mga baluti upang protektahan ang kanilang balat, kumpara sa kanilang ibayong lakas madali lamang masugatan ang kanilang balat. Karaniwan sa mga Purga ang naglalagay ng maskara upang protektahan ang maninipis nilang balat.
Sa pag alis ng batang si Zacheos ay nagpanggap ang matanda na may kung anong kinakain bago pa man makarating ang mga Demo sa kanyang kinaroroonan.
Nang matantya nang matanda na nakalapit na ang mga Demo ay lumingon ito at agad na linisan ang lugar.
Nakakatiyak ang matanda na hindi na ito susundan ng mga Demo sapagkat di maikakailang mas mabilis na kumilos ang mga Purgo.
Ngunit bago nito nilisan ang lugar ay nag iwan muna ito ng pampasabog upang doon matuon ang atensyon ng mga halimaw.
Agad nitong tinungo ang kakahuyan na sinabi ng batang Zacheos upang alamin kung may koneksyon ba ito sa kakaibang liwanag na naganap kagabi.
Nakita nito ang bata na walang kamalay malay sa kanyang pagdating.
"Sino ka? Anong ginagawa mo dito malapit sa bakuna ng Hellux."
"Magsalita ka, sino ka?"
"A---ako si Re--Mira, Mira." saad ng bata.
"Anong ginagawa mo rito" tuloy nitong tanong.
"Nalaglag ako mula sa Vanishing Island"
"Imposible--- wala pang nakakarating sa ikatlong parte ng isla. Paano mo nagawang tahakin ang iba pang mga isla?"
"Mahaba pong kwento"
"Hindi naman ako nagmamadali, tumayo ka na dyan at sumunod ka sa akin" pagtatapos ng matanda.
Nahihiwagaan ang matanda sa batang babae sapagkat sa kanyang palagay ay ordinaryo lamang itong nilalang ngunit nagawa nitong tahakin ang Vanishing Island. At nagtataka rin ito dahil maaring sa kanya nanggaling ang pamilyar na kapangyarihan na naramdaman nito kagabi.
Ang kapangyarihan ng isa sa mga Celestial Guardians.
iammrlee

BINABASA MO ANG
Titania
FantasiLong ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...