Third Person's POV
"Ina anong gagawin sa mga bihag?", tanong ng batang babae. Batid nito ang ginagawang pagdakip sa mga bata roon at ikunukulong sa mga bilangguan ng kastilyo.
Hindi ito sinagot ng babae bagkus ay iba ang naging tugon."Gusto mong mapasaya ang iyong Ina hindi ba?", saad ni Agres.
"Opo, gagawin ko po ang lahat para sa inyo", sagot ng batang si Aira.
"Mahal na Reyna maguumpisa na ang palaro, ilang sandali nalang ay darating na ang Panginoong Partisan sa bulwagan", nagmamadaling saad ng isa sa mga kawal ng kastilyo.
"Sige, susunod na ako", sagot nito sa kawal saka nito isinuot ang kanyang balabal.
"Halika na Aira", utos nito sa batang babae at tinungo na nila ang bulwagan kung saan gaganapin ang palaro.
Lingid sa kaalaman ng kanyang Ina ay sumama ito sa mga kawal ilang linggo bago ganapin ang palaro. Nagpunta sila sa isla na kung tawagin ay Vanishing Islands.
Ang kaganapan ilang linggo bago ang palaro...
Utos ito ni Partisan upang tiyakin ang kalagayan ng pagdarausan ng palaro. Batid nilang magpapakita lamang ang isla sa pagsapit ng bilog na buwan.
Nais ko lamang ang kaligayahan ng aking Ina, kaya't sisikapin kong maging malakas na mandirigma upang balang araw ay matanggap rin niya ako bilang anak, ito ang nasa isip ng batang si Aira.
Ilang sandali pa'y unti-unti nang nagpapakita ang kanilang pakay.
"Mahal na Prinsesa! Sandali! Delikado ang binabalak ninyong gawin!" sigaw ng mga kasama nito.
Gamit ang kanyang kapangyarihan ay lumutang ito at nagpunta malapit sa isla.
Agad namang sumunod ang mga kawal lulan ng ibon na kung tawagin ay Peruca.
Pinagmasdan ni Aira ang kabuuan ng Isla, tila isang ilusyon lang ang nakikita nito sapagkat taliwas sa mga kwento, mayayabong na punong kahoy ang nakikita ng kanyang mga mata. Ilang sandali pa'y unti unting binalot ng makapal na hamog ang isla.
Ang iba sa mga kawal ay nagtangkang pasukin ang isla, ngunit pagsaklob ng hamog ay tila nawalan din ng balanse ang mga ibon at isa isang nahulog sa Vanishing Islands.
Pinagmasdan ni Aira ang hamog na tila may nilalang na humihikayat sa kanya na lumapit dito.
"Mahal na Prinsesa delikado ang balak ninyong gawin!" malakas na sigaw ng isa sa mga kawal dahil batid nito ang misteryo sa likod ng makapal na hamog na bumabalot sa isla.
"Mahal na Prinsesa umalis na kayo dyan!" sigaw ng mga kawal dahil tila nag-iba ang temperatura ng lugar at may kung anong nilalang na nasa ibabaw ng isla.
Agad namang tumalima ang prinsesa ngunit tila hinihigop sya ng malakas na pwersa dahilan upang mahirapan syang makabalik sa burol kung saan naghihintay ang iba nitong mga kasama.
Nabahala naman ang ibang mga kawal dahil sa ikinikilos ng prinsesa. Ilan pang sandali'y may kung anong bagay na pumulupot sa kanyang baywang at hinatak ito palayo sa isla.
Isa sa mga kawal na may hawak nang latigo ang syang tumulong sa prinsesa. Ilang sandali pa'y nagdilim ang paligid dulot ng pagtalukbong ng mga ulap sa liwanag na nanggagaling sa bilog na buwan.
At isang misteryong nilalang ang nagpakita sa kanilang harapan.
...
BINABASA MO ANG
Titania
FantasyLong ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...