Chapter 52 - Partisan Vs Serdon

2K 52 28
                                    


"Ahhh!" sigaw ni Reen ng bahagyang magalusan ang kanyang tagiliran agad naman itong lumundag sa kanyang paharap at muling nagpatubo ng mga ugat sa kinaroroonan ng lalaki. Agad namang naiwasan ito ni Zacheos.

Naglahong muli ang lalaki. Kayat inasahan ni Reen na magpapakita ito sa kanyang likuran kaya dito niya itinuon ang kanyang atensyon. Ngunit nabigla ito nang sa mismong harapan nito ito nagpakita. Agad iniwasan ni Reen ang atake nito.

Tuso rin ang isang ito, naisip ni Reen.

Sa kabilang panig, patuloy rin ang laban sa pagitan nina Aira at Ayva habang nagkakaroon rin ng labanan sa pagitan ng iba pa.

Dahil sa patuloy na pag-iwas ni Reen sa mga atake ng lalaki ay napapalayo sila sa kinaroroonan nina Aira at Ayva na patuloy rin ang pagpapalitan ng malalakas na boltahe ng kapangyarihan.

"Hindi ka kawal ni Partisan di ba?" tanong ni Zacheos habang patuloy na inaatake ang babae ngunit hindi sumagot si Reen.

"Tssk!" napangisi si Zacheos dahil muntik na nitong matanggal ang bandana ng babae ngunit nakaiwas si Reen sa halip nagpatubo ito ng mga ugat na siyang sumangga sa espada ng lalaki dahilan upang mabitawan nito.

"Kung hindi ka kawal ni Partisan, ano't naparito ka sa kanyang teritoryo?" muling tanong ng lalaki.

Sa halip na sagutin ay ibinuka nito ang kanyang mga pakpak at saka nagpatubo ng malalaking ugat na siyang umatake sa lalaki.

Ngunit ilan pang sandali ay nanlamig ang paligid at pati ang tinatapakan nitong lupa. Alam ni Reen na kagagawan ito ni Zacheos dahil ganito rin ang lamig na naramdaman nito ng una silang magkaenkwentro sa Hellux.

Naguumpisa ng maging yelo ang kinakatayuan ni Zacheos kayat napaatras si Reen dahil unti unti itong kumakalat ang yelo.

Ngumisi ang lalaki, at mula sa yelo sa ibaba ay tila may umuusling tipak dito.

Nangunot ang noo ni Reen saka sinapo ang kanyang balikat dahil sa kakaibang pakiramdam.

"Isa ba siyang--?" naputol ang pagiisip nito dahil sa malakas na pasabog mula sa loob ng imperyo.

Binalik nito ang atensyon sa lalaki saka nagsalita dahil nauubos ang oras nito sa pakikipaglaban dito at alam niyang hindi ito basta-bastang kalaban.

"Isa akong bandido at hangarin naming mapalaya ang mga nilalang dito sa kabilang dimensyon mula sa pang aalipin ni Partisan"saad ni Reen.

Hindi itinuloy ni Zacheos ang kanyang binabalak at agad naglaho ang yelo maging ang lamig ng paligid.

"Hindi ikaw ang kalaban ko, ngunit hindi rin kita kakampi" dagdag na saad ni Reen, saka nito ibinuka ang kanyang mga pakpak at lumipad patungo sa loob ng imperyo.

"Teka lang!" sigaw ni Zacheos ngunit binalewala na lamang ito ni Reen.

***

Samantala matapos talunin nina Dustin at Zeid ang babaeng may balabal ay agad nilang tinungo ang imperyo maging si Brando.

Habang patuloy parin ang pangagamot ni Emilia sa mga sugatan nilang kasama.

Si Heneral Diokno naman at ang iba pa ay naiwan sa bakuna ng imperyo upang harapin ang mga natitirang kawal ni Partisan.

***

"Partisan!" sigaw ni Serdon ng makapasok ito sa loob ng kastilyo.

"Partisan! Magpakita ka!" ulit na sigaw ni Serdon.

Ngunit mga nagbabagang bola ng apoy ang sumalubong dito. Agad namang iniwasan ni Serdon at ginamit ang tungkod nito upang salagin ang mga bola ng apoy.

"Serdon! Maligayang pagdating sa aking kaharian!" nakangising bungad ni Partisan mula sa isang bahagi ng kastilyo habang hawak-hawak ang isang tungkod.

Napamulagat si Serdon, hawak nito ang Xentro ng apat na elemento.

"Hindi maari ito" sa isip ni Serdon.

Muli ay iniangat ni Partisan ang hawak nitong tungkod at nagpakawala ng mga bolang apoy patungo kay Serdon.

Hindi naman nagpabaya si Serdon at ginamit rin nito ang kanyang tungkod na syang nagtaboy sa kapangyarihang pinakawalan ni Partisan.

Matapos hawiin ni Serdon ang mga bolang apoy ay agad itong sumugod at nang makalapit ito sa kalaban ay agad nagbago ang anyo ng kanyang tungkod at naging espada.

Inundayan nya ng malakas na sipa si Partisan ngunit naiwasan nito. Kaya naman iwinasiwas nito ang hawak niyang espada ngunit nasalag ito ni Partisan gamit ang Xentro ng apat na elemento.

Nagtagal ang kanilang labanan na halos walang kapaguran. Si Serdon ang siyang sumusugod habang sinasalag lamang ni Partisan ang mga pinapakawalang lakas at kapangyarihan ni Serdon.

Nang muling sumugod si Serdon ay agad iwinasiwas ni Partisan ang Xentro.

"Xentrong tahanan ng apat na elemento inuutusan kitang ipamalas ang iyong taglay na kapangyararihan ngayon din" sigaw ni Partisan at saka nagpakawala ito ng apat na magkakaibang klase ng kapangyarihan.

Bilang tahanan ng apat na elemento ay taglay nito ang pinagsamasamang kapangyarihan ng mga elemeto ngunit ibayong kapangyarihan parin ang taglay ng bawat hiyas kumpara sa taglay na kapangyarihan ng Xentro.

Ngumisi si Serdon at gaya ng dati nitong ginagawa ay inililihis lamang nito ang direksyon ng mga kapangyarihang pinapakawalan ni Partisan.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay muling bumalik ang apat na bola na kapangayarihan na pinakawalan ni Partisan.

At huli na upang ilihis ang direksyon nito dahil nanggaling ito sa ibat ibang direksyon na syang pumalibot kay Serdon.

Biglang humangin ng malakas sa kinaroroon ni Serdon na syang nanghawi sa mga bola ng kapangyarihan.

Itinuktok ni Serdon ang kanyang espada sa lupa at wala pang ilang sandali ay nakapagpalit anyo ito at mabilis na nakaalis sa kanyang kinaroroonan.

"Hahahaha! Ganyan nga Serdon gamitin mo ang kapangyarihan pinakakasam-asam ko! At patunayan mong ikaw ay isang anghel, isang puting demonyo! Na ipinagkanulo dahil sa taglay mong panganib sa mundo ng Titania! Hahaha!" sigaw ni Partisan na siyang nagpakunot sa noo ng matanda.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Serdon.

"Sasagutin ko ang iyong katanungan kung ipapangako mong makikipagtulungan ka sa akin at hindi lang yun, makukuha mo rin ang pinaka aasam mong kalayaan!" saad ni Partisan.

"Sinong niloloko mo?" saad ng matanda at wala pang ilang segundo ay nakarating na ito sa harap ni Partisan.

Walang pakundangan na inundayan niya ng suntok at sipa si Partisan. At dahil sa taglay na bilis ni Serdon ay halos hindi na masalag ni Partisan ang bawat atake ng matanda.

"Katapusan mo na!" sigaw ni Serdon ng bumuo ito ng bolang itim sa kanyang kanang kamay at nakahanda na niya itong pakawalan patungo sa kinalalagyan ni Partisan ngunit agad na tinanggal ni Partisan ang kanyang maskara at dahil sa hindi ito inaasahan ng matanda ay hindi nito naiwasan ang titigan ang mga mata ni Partisan.

"Tuso ka!" galit na sigaw ni Serdon ngunit wala na itong magagawa dahil unti-unti ng nagiging bato ang kanyang buong katawan.

iammrlee

TitaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon