Chapter 22 - Itchy Revenge

2.3K 91 3
                                    

Reen POV

"Tanda! Dito ka lamang pala nagtatago kinailangan ko pang magpasabog upang lumabas ka!" saad ng isang lalaking may kapa.

"Sino ka? Anong kailangan mo sakin?" tanong ni Lola Eleo.

"Hindi mo na ba ako naaalala tanda?" saad nito.

"Zacheos..." bulong ni Lola Eleo ngunit sapat na upang marinig ko.

Biglang nagbago ang ekspresyon nito. Palihim ko itong pinagmasdan. Matagal na mula ng makakita ako ng taga labas. Naalala ko sina Zeid, kamusta na kaya sila. Siguro nasa Titania na siya ngayon at marahil isa na itong Titan.

Tumaas ng bahagya ang isang kilay ng lalaki ng mahuli nitong nakatingin ako sa kanya.

"Akala ko ba'y mapanganib sa lugar na ito para magkaroon ka uli ng kasama" saad ng lalaki.

Bahagyang lumingon si Lola Eleo sakin.

"Anong kailangan mo at naparito ka?" pambabalewala nito sa tanong ng lalaki.

"Hmmmm...." Nagsimulang maglakad ito na tila may iniisip.

"May sakit ang aking ama at nautosan akong hanapin ka upang kunin ang lunas" saad nito saka huminto.

"Nahihiwagaan lamang ako kung bakit sinabi mo sa akin noon na mapanganib ang lugar na ito subalit kumuha ka parin ng iyo---"

"Zacheos, ang nakaraan ay nakaraan. May ibang oras para sa bagay na iyan." putol ng matanda saka tumalikod.

Sa hindi ko inaasahan agad na may mga nagliparang matutulis na tipak ng yelo papunta sa akin. Agad akong kumilos, pinagana ko ang aking tungkod saka iniangat ang lupa sa paligid ko. Sa lakas ng pwersa ay kinailangan ko pang doblehin ang tibay nito upang pigilan.

Agad nawasak ang aking pananggalang. Napaluhod ako habang hinahabol ang aking hininga. "Ang lakas niya."

"Zacheos!" sigaw ni Lola Eleo at tumilapon ang lalaki sa di kalayuan.

Napaangat ang ulo ko. Sa haba ng panahon na pamamalagi ko sa Hellux hindi ko akalaing may ganun kalakas na kapangyarihan si Lola Eleo. Sa isang kumpas lamang nito ay nagawa nitong itaboy palayo ang lalaki.

Agad niya akong inalalayaan para makatayo.

"Hindi na masama para sa isan--" naputol ito ng muling magsalita si Lola Eleo, nagtaka naman ako sa bilis nitong nakalapit sa amin.

"Zacheos, naparito ka upang kunin ang lunas para sa iyong ama at hindi upang makipaglaban" banta ni Lola Eleo.

"Hahaha, masyado atang mainit ang ulo mo tanda! Sinusubukan ko lang naman ang kanyang kakayahan. Isa pa wala naman akong balak na seryosohin." nakangisi nitong saad.

"Masyado atang misteryoso ang iyong kasama tanda?" baling nito sa akin saka tumawa ng malakas.

Sa inis ko ay naisip kong gumanti. Naalala ko ang mga buto ng Chati, isa sa mga sangkap na pinakuha sa akin ni Lola Eleo. Dumukot ako ng isa mula sa aking sisidlan saka inihulog sa lupa. Sa tulong ng tungkod ay nagawa kong ipwesto sa likod nito malapit sa isang puno.

Agad namang tumubo ang Chati habang abala sa pag-uusap ang dalawa. Sinadya kong lagyan ng galos upang lumabas ang katas nito. Pinagapang ko ito sa puno na sakto sa tapat niya.

Napangisi ako. " Ngayon na."

Hindi nito pinapansin ang patak nito na dumadantay sa kanyang balat.

Ng matiyak kong dumikit na ito sa kanyang balat ay naghintay ako sa kanyang reaksyon.

"Sumunod ka sa amin" narinig kong saad ni Lola Eleo at walang lingon likod itong naglakad.

"Teka lang tanda!" saad ng lalaki habang nangagalaiti sa kati.

Tumigil naman kami sa paglakad.

Natatawa ako sa lagay niya dahil sa pagkamot nito sa iba't ibang parte ng kanyang katawan. Halos di ko na mapigilan ang aking tawa. Sa loob loob ko ay nagdidiwang dahil sa nakakatawang itsura nito.

"Makati ang katawan ko!" sigaw nito. Napakunot si Lola Eleo at tumingin sa taas kung saan ko pinagapang ang halaman ng Chati.

Agad may inilabas na puting abo si Lola Eleo saka inihipan. Nang tignan ko ay huminto na ito sa pagkakamut subalit nabalutan ito ng kulay puting abo habang mata lamang nito ang itim. Hindi ko mapigilan ang tawa ko ng makita ang kanyang itsura, bahagya akong natawa ng pagak.

Napatingin si Lola Eleo sa akin, marahil nagtataka ito, dahil sa mga taon na lumipas ay ngayon lamang nito narinig ang aking tawa. Ngunit hindi naman tawa iyon, kundi pang-iinis.

"Ikaw! Humanda ka sa akin!" galit na sigaw ng lalaki.

Tumigil ako sa pagak kong pagtawa at napalitan ulit ng pangamba dahil biglang lumamig ang paligid.

"Zacheos! Tama na yan" saad ni Lola Eleo at sa puntong ito ay iba na ang tono ng matanda.

Agad nawala ang kakaibang lamig ng paligid. Nauna ng naglakad si Lola Eleo at sumunod na kami.

"Kaiba ito sa ugali ng batang si Zeid" wala sa isip kong usal habang iniisip ang lalaki na tinawag ni Lola Eleo sa pangalang Zacheos.

TitaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon