Chapter 39 - Plan

1.9K 64 0
                                        

Reen POV

Nagsagawa ng pagpupulong si Serdon dahil sa lumalaganap na kasamaan ni Partisan sa kabilang dimensyon.

"Nakatanggap ako ng mensahe na lalong lumalala ang sitwasyon sa imperyo. Nagiging alipin na ang ating mga kababaihan at pinapahirapan ang mga kalalakihan maging ang mga bata'y ginagawang parang hayop na nagpapatayan. Hindi lingid sa kanila presensya ang ating grupo. Ngayon ay nagsasagawa sila ng hukbo upang tugusin tayo." mahabang pahayag ng matanda.

"Simula ng mawala si Reyna Faria ay naging ganito na ang sitwasyon dito sa kabilang dimensyon. Tila walang pakialam ang kasalukuyang Reyna sa mga nagaganap. O maging siya'y takot sa kapangyarihan ni Partisan. Kinakailangan nating maipaalam sa Reyna ang mga ito ngunit mautak si Partisan at nababaliktad nito ang mga pangyayari. Matagal na tayong nagtitiis mga kasama. Siguro'y panahon na upang tulungan natin ang ating mga kauri. Susugod tayo sa imperyo! At tatapusin natin ang paghari harian ni Partisan!" anunsyo ni Serdon.

Marami ang natuwa dahil ito ang pinakahihintay ng lahat, ang paglusob nila sa imperyo.

"Sa pagsapit ng bilog na buwan ay susugod tayo, ilang gabi na lamang ang nalalabi." pagtatapos ni Serdon.

***

Naiwan ang tatlong matatanda at ang tatlong  heneral upang pagusapan ang mga magiging plano. At isinama ako ni Serdon sa kanilang usapan.

"Bakit naririto ang babaeng iyan Serdon? Isa lamang siyang Orde, walang alam sa labanan." bulong ni Heneral Diokno kay Serdon ngunit sapat na upang marinig ko. Hindi ito sinagot ni Serdon. Habang si Brando ay prente lamang na nakaupo sa tabi ni Shana.

"Gagawa tayo ng dalawang hukbo upang hindi maulinigan ni Partisan ang ating pagsalakay. Ang isa ay mauuna sa imperyo at ang isa ay mahuhuli sa pagsalakay" si Serdon.

"Sino ang bubuo sa bawat hukbo?" tanong ng isang matandang babae. Siya si Emilia ang punong mangagamot ng grupo.

"Bawat hukbo ay bubuo ng pangkat.  Ang una ay bubuoin  ni Brando, Shana at ako. Ang mahuhuli ay pamumunuan nina Dilan, Diokno at Emilia.

Ang aking pangkat at ni Shana ang siyang susugod sa harap ng imperyo at ang pangkat ni Brando kasama ni Reen ay sa likod. Ang iba ay magsisilbing huling alas. Hintayin natin humina ang pwersa ng kalaban bago lumusob ang panghuling hukbo."mahabang saad  ni Serdon.

"Kasama ko ang Ordeng iyan, baka naman makadagdag lang siya sa aking---" si Brando.

"Hindi ordinaryong Orde si Reen. May kakayahan ito hindi katulad ng iba" putol ni Serdon.

"Isang Ordeng may itinatagong kakayahan? Kung gayon pwede mo bang ipakita sa amin ang sinasabi ni Serdon." saad ni Heneral Diokno. Tumingin silang lahat sa akin.

Hindi ako gumalaw.

"Linoloko mo lamang yata kami Serdon upang pagtakpan ang babaeng ito." nakangising saad ni Diokno.

"Hindi nagsasabi ng kasinungalingan ang aking Lolo, Heneral Diokno. Bago ka magpahayag ng iyong saloobin ay dapat may sapat kang ebidensya" tila inis na saad ni Shana.

"Hindi pa ba sapat na ebidensya ang hindi nito pagpapakita ng kakayahan nito" sarkastikong saad ni Diokno.

"Sa palagay ko'y hindi naman malaking balakid kung wala itong kakayahan. Dahil kung hindi niya kayang ipagtanggol ang kanyang sarili'y mamatay siya. Higit sa lahat  lulusob tayo at hindi natin nagagarantiya ang ating pagkapanalo. Kung gusto ng babaeng ito ang sumali sa labanan, bakit hindi? Kung ayaw natin tulungan dahil baka siya pang dagdag pasanin di wag nating tulungan." sabat ni Emilia.

"Sa tingin ko'y may punto ang sinabi ng pinunong manggagamot." pagsang-ayon ni Dilan isa sa mga heneral.

"Oh siya. Ituloy na lamang natin ang naudlot na usapan" saad ni Heneral Diokno.

Ngunit tumayo ako sa aking kinauupuan saka tumalikod sa kanila. Sinira ko ang aking kwintas upang ipakita sa kanila ang aking mga pakpak.

Nang tumubo ang mga ito'y saka ako umikot paharap. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ng dalawang matanda, lalo na si Heneral Diokno.

"Ang---" si Emilia.

"Ano namang magagawa ng  mga pakpak sa labanan?" tanong ni Brando.

"Iyan ba ang mga pakpak ng dakilang titania?" tuloy ni Emilia sa kanyang sinabi.

"Pakpak ng titania? Kung gayon ay isa kang Titan?" gulat na tanong ni Shana.

"Pakpak ng titania? Tsk ano namang magagawa nito laban sa hukbo ni Partisan." saad ni Brando.

"Sa pagkakaalam ko'y ang titania ang pinakamalakas na nilalang dito at ang kabilang dimensyon ay kabilang lamang sa mundo ng Oreo. At ang Oreo ay isa lamang sa mga mundo na binubuo ng titania. Ang isla titania ay hindi lamang isang pangalan ng isla kundi pangalan ito ng nilalang na gumawa ng ating mundo" mahabang saad ni Shana.

"Tama iyon Shana, hindi ito alam ng karamihan dito sa kabilang dimensyon dahil iilan lamang ang nakakatuntung sa lugar sanayan upang malaman ang mga kaganapan at kasaysayan ng ating mundo" si Serdon.

Hindi nakapagsalita si Brando maging si Heneral Diokno ay tikom ang mga bibig.

"At higit sa lahat hindi lamang siya pangkaraniwang Orde na walang alam sa labanan. Isa siya sa mga batang nabuhay sa unang paligsahang isinagawa ni Partisan." pakwentong saad ni Serdon.

Napalingon silang lahat sa sinabi ni Serdon.

"Isa ka sa mga iyon? Kung gayon maaring nakilala mo ang aking kapatid?" sabat ni Shana.

"Shana ang kapatid mo--- isa siya sa mga batang nabuhay sa labanan. Ngunit sa tagal na ng panahon ay hindi ko alam kung nanatili pa itong buhay. Ngunit malakas ang pakiwari kong buhay siya, buhay ang iyong kapatid." sagot ni Serdon.

"Nakakamangha ngunit matagal ng nangyari iyon--kung gayon saan ka namalagi pagkatapos ang labanan. Pagpasensyahan mo kung aking uungkatin, kung isa ka nga sa mga nanalo sa paligsahan pwedeng isa ka ngang espiya dahil sa palagay ko'y naging tagasunod ang mga batang natira sa paligsahan?" marahang saad ni Emilia habang ang iba'y nakikinig lamang.

"Hindi po ako nanalo sa paligsahan, nasa ikatlong isla na kami sa islang kung tawagin ay vanishing islands---" saad ko.

"Vanishing islands? Hindi ba doon naitapon ang mga naisumpang nilalang ang lugar ng misteryo at kamatayan?" biglang sabat ni Dilan.

"Paumanhin, sige ituloy mo ang iyong kwento"agad rin dugtong nito.

"Nahulog ako sa Hellux at swerteng nakaligtas." saad ko na mas lalong nakapagpabigla sa lahat.

"Hindi na kapani-paniwala ang iyong salaysay Orde!" galit na saad ni Diokno.

"Diokno! Kung hindi ka naniniwala ay wala naman sigurong negatibong magagawa ang mga sinabi nito. Mananatili parin tayong bandido at nasa atin na kung paniniwalaan natin o hindi" si Emilia.

"Oh siya, mga kasama tila hindi maganda ang timpla ng ating pagpupulong. Ituloy nalang natin ang paguusap bukas, sana'y sa paglipas ng dilim ay makapagisip tayo ng magandang estrahiya sa ating paglusob" pagtatapos ni Serdon.

"Sige maiwan ko na kayo" si Diokno, tumango naman ang dalawang matanda.

"Reen, maari bang makitulog sa iyong silid ngayong gabi?" pukaw ni Shana.

"Kung makikitulog ka sa babaeng iyan ay sasama rin ako." pahayag ni Brando.

"Ano? Bakit ka namam sasama." natatawang saad ni Shana na mukhang umiiral na naman ang kapilyahan.

Hindi nakapagsalita si Brando, maaring naisip rin nito ang kanyang sinabi.

"Gusto ko lamang siguraduhing ligtas ka sa babaeng iyan. Gaya ng sabi niya galing siya sa Hellux kaya---" paliwanag ni Brando.

"Iyon ba ang rason Brando? Sa tingin ko'y hindi naman ganun kabalasik si Reen" saad ni Shana na may kasamang hagikgik.

"Oh sya! Bahala kayo!" pagsuko ni Brando dahil tila nawalan ito ng rason.

Ngumiti si Shana saka nagpaalam.

"Matutulog na po kami" saad ni Shana. Saka namin tinungo ang aking silid.

***

iammrlee

TitaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon