Brando POV
Hindi ko alam kung ano ang mga nangyari sa mga panahong wala ako sa tabi niya. Kung bakit ngayon ay hindi niya ako maalala.
Bumunot ito ng dalawang punyal mula sa likod niya at nagumpisang umatake.
Pinigilan ko ang mga kamay nito saka pinilipit upang mabitawan ang hawak nitong sandata. Ngunit nagitla ako sa lamig ng kanyang mga kamay.
"Troy!"saad ko ngunit sinipa niya ako dahilan upang makawala ito sa aking mga kamay.
Pinagapang ko ang aking anino papunta sa kanya ngunit ganun din ang ginawa nito. Ilang sandali ang nakalipas at nanatili kami sa ganoong posisyon ngunit bigla itong natumba dahil sa palasong tumama sa kanyang likuran.
"Troy!" saad ko.
Hinanap ko kung saan nagmula ang palaso at nakita ko si Dilan habang hawak hawak ang isang pana.
"Dilan!" galit kong saad ngunit bumunot uli ito ng pana at inasinta ang aking kinaroroonan.
"Dilan anong ginagawa mo!" sigaw ko ngunit tila wala itong naririnig at walang pangingiming pinakawalan ang kanyang palaso, agad ko namang pinagapang ang aking anino ngunit dali dali itong tumakbo.
Naiwasan ko ang palaso at tinignan ko kung saan ito tumama. Ngunit isang babae ang nabungaran ko na may hawak ng palaso.
Kung gayon hindi ako ang inasinta ni Dilan kundi ang babaeng ito. Isa ito sa mga alagad ni Partisan base na lamang sa anyo ng kanyang kasuotan
"Umalis kana bandido" sa halip ito ang naging bungad nito. Pinapaalis niya ako, ngunit hindi ko ito binigyan pansin.
"Troy! Andito na ako" napaiyak na ako ng tuluyan.
"Andito na si kuya, Troy, diba nangako si kuya na ililigtas kita pero huli na ako. Hindi man lang tayo nagkasama ng matagal. Hindi ko natupad ang pangako ko. Patawad" naiiyak kong sambit habang hawak hawak ang katawan ng aking kapatid.
"Tr-ooy---- Kapatid mo ba ang lalaking iyan" narinig ko pang tanong nang babae ng makita ang katawan ng aking kapatid, hindi ako tumugon.
"Umalis kana at dalhin mo ang katawan ng iyong kapatid." saad nito.
Isa isa nang nawawala ang mga nilalang na pinapahalagahan. Kaya ano pa't nabubuhay ako ni hindi ko man lang kayang protektahan ang mga ito.
"Mas mabuting patayin mo na lang ako" nakapangalumbabang saad ko sa babae.
"Duwag!" galit na sigaw nito.
"Matagal ng patay ang iyong kapatid sapagkat nagtangka itong tumakas sa pang aalipin ni Partisan." saad nito saka lumapit sa katawan ni Troy at may ibinulong.
"Sa pamamagitan nito ay hindi maagnas ang kanyang katawan" saad niya.
"Umalis na kayo habang may pagkakataon pa kayong tumakas. Iligtas mo ang iyong kapatid" ulit nitong saad saka pumito.
Maya't maya ay dumating ang isang itim na ibon.
"Sige na" saad nito, hindi ko alam ngunit sumunod ako sa utos nito.
Binuhat ko ang katawan ng aking kapatid at sumakay kami sa ibon.
"Teka lang! Maari bang malaman ang iyong pangalan" tanong ko ng akmang tatalikod na ito.
"Hindi na mahalaga kung ano ang pangalan ko. Ang importante ay madala mo sa ligtas na lugar ang katawan ng iyong kapatid" saad nito at tuluyang umalis sa lugar.
Nahihiwagaan ako sa kanyang pagkatao at naguguluhan sa mga pangyayari. Sinabi nitong matagal ng patay ang aking kapatid ngunit bakit buhay pa ito kanina at nakipaglaban sa akin.
Hindi na iyon mahalaga pa sa ngayon. Kailangan ko munang maghanap ng ligtas na lugar upang itago ang katawan nito, naalala ko sina Shana. Kung tatakas ako ay maiiwan sila.
Hindi, kailangan ko silang tulungan. Bumaba ako sa ibon at naglakad palayo.
"Patawad" napagdesisyonan kong iwan ang katawan ng aking kapatid ngunit inakay ko ito sa tagong parte bago sinundan ang babae.
"Anong ginagawa mo! Hindi ba't sinabi kong iligtas mo ang iyong kapatid!" galit na bungad ng babae, hindi pa pala ito nakakalayo.
"Hindi ko pwedeng iwan ang aking mga kasama" tugon ko.
Lalong kumunot ang noo nito.
"Hindi mo ba ako naiintindihan bandido! Iligtas mo ang katawan ng iyong kapatid dahil iyon nalamang ang magagawa mo para sa kanya" saad nito.
"Patay na siya! At kahit iligtas ko ang katawan niya hindi iyon mababago na wala na siya!" sigaw ko.
Galit itong tumitig sa akin. Saka may inilabas na maliit na kahoy. Napakabilis ng mga pangyayari pinalutang nito ang kahoy at may sinambit na salita.
"I-isa kang---" gulat kong saad.
Reen POV
Ang lakas niya. Nasisira na ang pananggalang na ginawa ko. At tuluyan na nga itong nasira at naisama ako sa lakas ng hangin na pinakawalan nito.
Hindi pa ako nakakatayo ay nagpalabas muli ito ng kanyang kapangyarihan.
"Ahhhhhhh!" muli kong sigaw ng matamaan ako ng kanyang kapangyarihan.
Hindi ko magawang magpakawala ng kapangyarihan dahil sa sunod sunod nitong pag atake. Kaya puro pag iwas na lamang ang ginagawa ko.
Kung hindi ko kaya umatake sa kanya dahil sa kapangyarihang taglay nito, susubukan kong umatake sa ilalim ng lupa dahil batid kong hindi niya iyon agad na masasalag.
Nag ipon ako ng sapat na lakas upang isagawa ang aking plano. Habang patuloy akong umiiwas sy unti unti akong nag iipon ng lakas.
At ng minsang umapak ang aking mga paa sa lupa saka ko isinagawa ang aking pinababalak.
"Seven Gates! Land Tornado!" saad ko saka may tumubong pitong naglalakihang poste ng lupa sa paligid ng babae upang harangan ang pinapakawalan nitong hangin.
"Kamangha-mangha! Isang nilalang na may kakayahang gumamit ng kapangyarihan ng lupa!" sigaw ng isang babae, iba ito sa nauna.
***
Third Person POV
"Ina" saad ng dalaga.
"Kahit kailan ay napakahina mo!" tugon ng isang babae.
Napangalumbaba ito. Batid nitong hindi niya tunay na ina ang kanyang kaharap ngunit nagkukunwari parin itong tila walang alam. Upang mapaniwalang sumusunod parin ito sa kanya at upang hindi nito bawiin ang hiyas na ipinagkaloob nito sa kanya.
"Tapusin mo na siya!" sigaw ng babae.
"Opo" saad nito saka itinaas ang kanyang kamay. Iniipon nito ang hangin sa paligid sa pamamagitan ng isa nitong kamay.
Napabaling ang babae ng may malakas na pagsabog na naganap mula sa hindi kalayuan.
"Mukhang dumating na ang pinakahihintay ko" saad ng nilalang.
Liningon nito ang dalaga.
"Dalian mo!" sigaw nito saka tinungo ang pinagmulan ng malakas na pagsabog.
"Patawad" bulong nito saka pinakawalan ang inipon nitong kapangyarihan.
iammrlee
No Edit.
BINABASA MO ANG
Titania
FantasiaLong ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...