Reen POV"Ito ang isla ng mga patay, ang gubat kung saan muling nabubuhay ang mga patay," saad ni Luz.
Iginala ko ang aking paningin, may mga krus na nagkalat. Mga patay na punong kahoy. Mausok ang buong paligid. Nakakasulasok ang amoy nito, at maalinsangang ang hangin.
"Mukhang nagawi tayo sa dulong bahagi ng gubat, "saad ni Luz.
"Maraming gustong pumunta sa islang ito sapagkat dito naibaon ang ilan sa mga mahahalagang rellics ng mga sinaunang nilalang. Ngunit wala pang nagtangkang pumasok, kung meron man, hindi na ito nakalabas",saad muli ni Luz.
"Paano mo naman nalaman ang mga iyan?, tanong ko kay Luz.
"Ang aking ama ay isang Navino, isang treasure hunter. Nagpunta siya dito sa kabilang dimensyon upang pasukin ang islang ito. Ngunit nakilala nito ang aking ina, dahil doon hindi na niya ipinagpatuloy ang naunang plano na paghahanap ng rellics" mahabang sagot ni Luz.
"Kung gayon may nalalaman ka sa kung ano ang nasa isla?"
"Ang sabi ng aking ama, maswerte tayo kung malalampasan natin ang unang bahagi, kailangan nating makapunta agad sa pinakapusod ng gubat." saad ni Luz.
"Bakit?"
"Doon nakabaon lahat ng rellics, at ang espadang papatay muli sa mga patay na. Ngunit dapat tayong mag ingat sapagkat doon din nakahimlay ang halimaw na si Diverio." saad ni Luz.
"Kung gayon dapat nating makuha ang espada?"tanong ko.
" Ang espadang iyon ay isang guardian sword. Hindi ko alam kung gagana sa katulad mong Orde, o maski sa akin." mahina nitong sagot.
"May sumisigaw", saad ko, mukhang isa sa mga bata na kasamahan namin.
"Nasaan kayo!!!!, sigaw nito.
Tutugon sana ako ngunit pinigilan ako ni Luz.
"Huwag kang sumigaw, maririnig ka nila," bulong nito.
Pinakinggan ko naman kung may sumisigaw pa ngunit hindi na ito naulit pa.
Hinila ako ni Luz at umaktong aakyat sa isang puno, wala na itong mga dahon puro sanga na lamang at mukhang marupok.
Umakyat rin ako.
"Bakit tayo umakyat?, tanong ko, ngunit wala itong tugon.
"Hindi ba pwedeng lumipad tayo patungo sa pinakapusod ng gubat," muli kong tanong. Umiling naman ito bilang di pagsang-ayon.
"Mas malalagay tayo sa alanganin kapag lumipad pa tayo", tinignan ko ang bandang taas ko. Nagiging mahamog na ito.
Nakita ko ang isa sa aming kasamahan na lumilipad patungo sa amin subalit sa tingin ko'y di niya kami nakita. Mahamog na sa taas at hindi ko na maaninag ang sinag ng buwan.
"Mas malalagay tayo sa alanganin kung lilipad tayo sapagkat hindi natin makikita ang kalaban", mahinang saad ni Luz.
"Pansamantala hintayin nating tumahimik ang kapaligiran bago tayo magpatuloy." muli nitong saad.
May kung anong ingay sa taas ngunit dahil sa kapal ng hamog hindi ko ito makita.
Nagulantang ako ng may mahulog na braso sa aking harapan. Dahilan upang mahulog ako at nakagawa ng ingay.
"Arrayy!", ungol ko dahil sa sakit ng likod gawa ng pagbagsak ko.
Masakit ang pagkakabagsak ko, buti nalang hindi ako tumama sa krus kundi siguradong nasugatan ako.
"Umalis ka sa puntod!", impit na sigaw ni Luz.
Hindi agad ako nakatayo dahil iniinda ko parin ang aking likod.
BINABASA MO ANG
Titania
FantasíaLong ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...