Eleo's Narration
Noon ang Titania ay isang tahimik at mapayapang lugar. Malayang nakakapunta ang mga Navino sa Ore at maging ang mga Oreo.
Pinamumunuan ito ng isang diyosa na tinawag sa pangalang Titania. Doon hango ang pangalan ng isla ng Titania maging ang tatlong mundo na tinawag na mundo ng dakilang si Titania.
Ngunit isang pangyayari ang naganap. Naging sakim at masama ang karamihan sa kanyang nasasakupan. Naging ganid sa kapangyarihan at atensyon.
Nagkaroon ng iba't ibang pangkat na siyang kumalaban sa apat na magigiting na tagapamuno ng mga mundo.
Ang apat na celestial warrios na syang namumuno sa iba't ibang sulok ng mundo. Ang iba sa mga kalaban ay ninais pang pasukin ang tinatawag ngayong ikatlong mundo na ipinagbabawal ng diyosang si Titania.
Upang ilayo ito sa mga pangahas at matapos na ang bangayan ng iba't ibang pangkat. Pinaghiwalay nito ang mundo at gumawa ng isla na nagsisilbing hangganan ng mga ito.
Dahil sa hindi matigil na labanan sapagkat ang bawat isa ay may sari-sariling kapangyarihan. Muli itong gumawa ng hakbang upang walang sinuman ang pwedeng gumamit ng kapangyarihan.
Pinulong niya ang apat na celestial warrios upang bantayan ang isla.
Sa kanya nagmula ang kapangyarihan kaya kung siya ay mawawala, mawawala rin ang kapangyarihang taglay ng mga nilalang sa kanyang nanasakupan.
Pansamantalang natigil ang kaguluhan, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari nakalaya si Prometrios, ang diyos ng kasamaan. Isang nilalang mula sa Navin ang nagpakawala sa nakakulong na si Prometrios at muling nabuhay ang pangamba sa tatlong mundo.
Sa kanyang paglaya ang sya ring pagkakuha nito ng kapangyarihan ng kadiliman at immortalidad.
Dahil sa pagkawala ng diyosang si Titania walang sinuman ang may kayang kumalaban dito. Upang labanan ang diyos ng kasamaan, labag man sa loob ng apat na celestial warrios ay muli nilang binuhay ang Titania sa katauhan ng ibang nilalang. Ngunit ang katumbas nito ay ang muling pagkakaroon ng kapangyarihan ng mga nilalang sa kanilang nasasakupan.
Ang naging unang Titania na siyang napili ng hiyas ay walang iba kung hindi ang Reyna ng Navin. Dalawang salin lahi na ang naganap mula ng muling makalaya si Prometrios.
Agad itong hinadlangan ng apat na magigiting na celestial warriors bago pa man manumbalik ang lakas nito. Kaya pansamantala nila itong ikinulong katumbas ng mga buhay nila.
Nagawa nilang ikulong si Prometrios sa tulong narin ng bagong Titania ngunit pansamantala lamang ito. Napanumbalik ang katahimikan at naalis ang pangamba ng mga Navino at Oreo.
Sa pagsasalin ng kapangyarihan ng Titania ay mas lalong tumibay ang pagpapanatili ng kapayapaan sa tatlong mundo.
Ngunit nakagawa muli ng paraan ang kalaban upang buhayin ang kanyang sarili gamit ang ibang katawan. At iyon ang simula ng unang digmaan na siyang nagtakda ng kahihinatnan ng buong Titania.
Nagapi ng kasalukuyang Titania ang impostor at ikinulong ito ngunit dahil sa panganganak ng Titania sa kanyang unang supling ay hindi naging patas ang laban.
Ibinuwis ng Reyna ang kanyang sariling kalayaan upang panatilihin ang katahimikan ng tatlong mundo.
Third Person POV
Sa kabilang banda...
Naisip ng unang Titania na tularan ang ginawa ng diyosa na ikulong ang kapangyarihan nito upang mawala rin ang mga mahika sa Titania ngunit nabigo ito dahil tanging diyos lamang ang kayang gumawa niyon.
Kaya naman ginawa ang Hellux upang iligtas sa mga masasama ang mga Navino at Oreo, dahil alam ng diyosa na darating ang panahon at manunumbalik ang kanilang mga kapangyarihan.
Sa Hellux itinatapon ang lahat ng nagkasala at banta sa Titania. Pinapalibutan ito ng makakapal na hamog na siyang nagtatanggal ng kapangyarihan ng sinumang dumaraan dito. Ang tanging lagusan mula rito ay ang Vanishing Island na nagpapakita lamang tuwing kabilugan ng buwan. Upang hadlangan ang sinumang tatakas mula rito ay hinarangan ng apat na konseho ang daanan. Gamit ang kapangyarihan mula sa apat na hiyas at ang kapangyarihan ng Titania, walang sinuman ang pwedeng makalabas dito liban nalamang kung mas malakas ang mga ito kesa sa pinagsanib na pwersa ng apat na tagabantay.
Ngunit sa pagkakataong ito dalawang elemento nalamang ang natitirang nakaharang sa lagusan. Pero sapat parin naman ito upang pigilan ang mga masasamang nilalang na ang hangarin ay maghasik ng lagim sa Titania.
Sa pagdaan ng panahon...
Dito sa Hellux nagkaroon rin ng iba't ibang dibisyon. Ang pangkat ng Purga, ang Hedo, ang mga Demo at ang Eterno. Apat na pangkat, magkakatunggali, at nag aasam na siyang kilalanin na hari ng Hellux.
"Marami kapang dapat malaman Mira, bukas pupunta tayo sa gubat upang magsanay ka" , saad ni Lola Eleo
***
iammrlee
SA MGA NAGUGULUHAN.
Celestial warriors- human form ng mga naging guardians. Sila rin ang tinatawag na god of time, life, death, and will/feeling. Gods ang tawag noong nasa vanishing island palang sila. At naging guardians na noong sumanib sila sa ibang nilalang.
Titania- ang tawag sa diyosa na kung saan hango ang pangalan ng tatlong mundo. At tinawag rin isla ng titania ang isla kung saan naglaho ang diyosa na syang nagkokonekta sa tatlong mundo. At dahil sa kapangyarihan nito na naisalin sa isang hiyas, tatawagin rin titania ang sinumang gagamit nito.

BINABASA MO ANG
Titania
FantasíaLong ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...