Chapter 11 - The Guardian's Sword II

2.7K 94 0
                                        


Third Person POV

"Ahhhhhhh", sigaw ni Reen dahil sa ginawang atake ni Zeid nabitawan ito ng higante.

Tumingin ang higante sa pinanggalingan ng kapangyarihan.

"Isang nakakamanghang kapangyarihan, " saad ng higante.

"Mukhang dinalaw ako ng isang malakas na nilalang," sunod na saad nito.

Habang nagsasalita ang higante muling umatake ang isa sa kanila.

"Ahhhhhhh," muling sigaw ni Reen. Dahil nahampas siya ng buhok ni Bena.

"Bena anong ginagawa mo?," si Shila.

"Bitawan mo na si Reen!," sigaw ni Shila at akmang gagamitan na nito ng kanyang kapangyarihan.

"Bena bitawan mo na si Reen, hindi siya ang kalaban natin." saad naman ni Zeid.

"Tsssskkkk," tinanggal naman niya ang pagkakapulupot nito dito dahil naisama ito sa pagpulupot niya sa higante.

Hindi pa nito natatangal ang kanyang buhok nang muling umatake ang higante.

Hinawakan nito ang buhok ni Bena saka inihagis.

"Bena! Okay ka lang?, " si Zeid.

Mukhang malala ang pagkakahagis nito at nawalan ito ng malay.

Agad namang lumapit si Shila at ginamot si Bena.

"Humanda ka!", sigaw ni Zeid.

Hindi pa ito umaatake, tumilapon naman si Troy sapagkat tinangka nito muling lumapit sa kalaban.

"Troy!", sigaw ni Luz, sumugod naman ito sa anyong higanteng unggoy ngunit kagaya ni Troy at Bena tumilapon lamang ito.

"Lightning", muling nagpakawala ng kapangyarihan si Zeid, ngunit tila hindi man lang naramdaman ng higante ang pinakawalan nitong kapangyarihan.

"Hindi uubra sa akin ang mumunti mong kidlat," saka nito ginamit ang kanyang pamalo at doon lumabas ang kidlat ni Zeid.

Iniwasan ni Zeid ang kidlat na pinakawalan ng higante na nanggaling din sa kanya.

"May kakayahan palang humigop ng kapangyarihan ang isang ito", sa isip ni Zeid.

"Ngunit bakit naapektuhan siya kanina, sadyang may lihim itong kahinaan at iyon ang aalamin ko." muli nitong saad sa kanyang sarili.

Samantala si Reen ay nasa likod ng higante at pinapanumbalik ang lakas nito dulot ng dugong nawala sa kanya dahil sa pagpulupot ni Bena dito.

Nakahawak ito sa may bukol sa likod ng higante. At mukhang walang kaalam-alam ang higante.

Muling nagpalabas si Zeid ng kidlat at isinetro nito sa ulo ng kalaban.

Ginawang panangga ng higante ang isa nitong braso. At muli, hinigop lamang nito ang kidlat
ni Zeid at ito ang ginamit sa muli nitong pag-atake.

"Mukhang tama ang hinala ko", sa isip ni Zeid.

Habang si Shila ay abala sa panggagamot sa tatlo nilang kasamahan.

"Shila hanapin mo ang espada," si Luz.

"Anong espada?,"

"Ang espada ng kamatayan." si Luz.

"Hindi ba isa iyong Guardian's Sword? Wala din silbi kung makikita natin ang espada dahil hindi rin natin magagamit", si Shila.

"Ngunit iyon lang ang paraan upang matalo ang higante", si Luz.

TitaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon