Mira POV
Naaalala ko ang tanawing ito, ang burol kung saan namin hinintay ang paglitaw ng isla kung saan namatay ang mga kasamahan namin sa paligsahan.
Sinamyo ko ang preskong hangin. Mula sa taas ng hamog ay tinungo ko ang burol. Nang dumantay ang aking mga paa sa lupa ay naglaho narin ang aking mga pakpak saka nanumbalik ang aking kwintas.
Ito ay pamana ng aking mga ninuno, isa pala itong kagamitan ng titania at may kakayahang magkaroon ng pakpak ang sino mang may suot nito. Dapat lamang sirain upang magpakita ang pakpak nito.
Naalala ko si Lola Eleo. "Babalikan kita Lola Eleo, pangako yan. Magsasanay ako upang maging mas malakas at makayang tapatan maging ang mga halimaw sa Hellux"
Naglakad lakad ako at inaalala ang daan palabas sa burol. Ngunit napagtanto kong lulan pala kami ng ibon na tinatawag na Peruca ng pumunta kami rito. Hinawakan ko ang aking kwintas saka hinatak, agad namang tumubo ang mga pakpak ko.
Maputi ito, kay gandang pagmasdan. Ibinuka ko saka ikinampay kampay. Napangiti ako, sa pamamagitan nito ay makakaya ko ng lumipad at maglakbay. Lumipad ako ngunit diko alam kung saan ako patungo.
Pinagmasdan ko ang kalupaan, ang ganda ng tanawin hindi katulad sa Hellux na madilim at maalinsangan ang paligid.
Mahaba haba rin ang ginawa kong paglipad ngunit wala parin akong makitang senyales na may nakatirang ibang nilalang. Kaya't naisipan kong bumaba at tumingin ng mga ligaw na prutas na makakain.
Bumaba ako sa magubat na lugar at naghanap ng pwedeng makain. Hindi naman ako nabigo at nakakita agad ako ng punong may hitik na mga bunga. Nananabik akong malasahan ito dahil sa haba ng panahon na hindi ako nakatikim ng ganito. Nakakita rin ako ng talon at naisipang maligo.
Ibinabad ko ang aking katawan sa tubig at pinagmasdan ang kalangitan. Napakaaliwalas nito hindi gaya sa Hellux na palaging makulimlim.
Makalipas ang ilang oras ay naisipan kong ipagpatuloy ang paglalakbay ko. Isinuot ko na ang aking mga saplot at saka kumain ulit ng prutas bago ko mapagdesisyonan na lisanin ang lugar.
Ngunit biglang may nagsalitang boses lalaki sa aking likuran.
"Itaas mo ang iyong mga kamay at dahan dahang humarap. Sino ka at anong ginagawa mo dito? Isa kabang espiya!" sunod sunod nitong saad
Nabitawan ko ang hawak kong prutas dahil sa gulat at agad itinaas ang aking mga kamay saka dahan dahang humarap alinsunod sa utos ng lalaki.
Nang makaharap na ako'y nakita ko ang isang lalaki na may hawak na pana at palaso na naka tutok sa akin. May takip ang kanyang mukha na tila isang bandido.
"Reen, isang Orde" tugon ko ngunit wala itong naging sagot na tila napako na ito sa kanyang kinatatayuan.
Nanatili ako sa ganoong posisyon at maging siya.
"Brando!" sigaw ng isang babae na may hawak ding pana na nakahambalang sa akin. Nagsidatingan pa ang iba pa nilang kasamahan na puros nakatakip ang mga mukha.
"Sino kayo?" tanong ko sa lalaki.
"Hindi ako naniniwala sayo nilalang, walang nakakaalam sa lugar na ito kaya tiyak na kami ang pakay mo!" atas nito malayo sa naging tanong ko.
"Nagsasabi ako ng totoo, isa akong Orde at wala akong balak na masama" ako.
"Igapos ang babaeng ito at dalhin sa kuta. Magiingat kayo dahil hindi pa natin alam ang kaya nitong gawin" saad niya bago ako igapos ng kanyang mga kasamahan.
***
Pumasok kami sa likod ng tubig na umaagos mula sa talon. Isa pala iyong kweba. Malawak ito ngunit sa labasan ay mukha lamang itong ordinaryong pader na gawa sa lupa. Ngunit nang idantay ng babae ang kanyang kamay ay unti unti umuwang ang pader. Iniharap nila ako sa kanilang mga nakatatanda. At doon ako inusig.
"Kung isa kang Orde ay paano ka nakarating dito sa kabilang dimensyon?" tanong ng isa sa matatanda sa kanilang kuta.
Wala akong maisagot dahil kung sasabihin kong nanggaling ako sa Hellux ay baka mas lalong hindi sila maniwala.
"Nagpunta ako sa Gubat Firo sa kadahilanang may humabol sa akin at doon naisipang magtago. Ngunit natyempong nakita ako ng mga kabalyero ni Partisan kayat dinakip ako. Makalipas ang ilang araw ay pinakawalan din ngunit isinakay nila ako sa isang Peruca at dinala rito dahil batid nilang wala akong kakayahan o ano mang kapangyarihan kaya't ipinaubaya na lamang nila ang aking buhay mula sa mga mababangis na hayop sa lugar na ito. Ngunit swerteng hindi hayop ang natuntun ko" mahabang tugon ko.
"Mukhang nagsasabi naman siya ng totoo" saad ng isa.
"Ngunit hindi sapat na basehan ang kanyang salita" sabat naman ng isa.
"At wala itong kakayahan. Isa lamang pabigat kung atin siyang kukupkupin" saad naman ng isa.
"Hindi ako naniniwala sa kanyang istorya" saad naman ng lalaking nanutok ng pana sa akin.
"Sa tingin koy makabubuti kung itapon na lamang natin ito sa mga alaga nating mababangis na hayop. Kung nagsasabi man siya ng totoo na isa siyang Orde ay hindi nito magagawang labanan ang mga ito gamit ang anumang salamangka, at kung mahina naman ito ay mamatay siya at wala na tayong problema." suhwestyon ng boses babae.
"Hindi--- kung hahayaan nating mamatay ito sa ating mga kamay ng walang sapat na basehan ay kapareho narin natin si Partisan." saad naman ng isa.
"Kung gayon ano ang ating gagawin?" tanong ng isa.
"Ang pasya ay nasa inyo pinuno. Kung ano ang dapat gawin sa nilalang na ito." saad ng isa.
"Bigyan siya ng pagsubok, itapon siya sa lungga ng mga mababangis na hayop at bigyan ng sandata. Doon natin malalaman kung isa nga ba siyang Orde" saad ng isang matanda.
"Masusunod pinuno" saad ng nakararami.
"Buksan ang tarangkahan! At maghanda ng isang espada, pana't mga palaso!" sigaw ng lalaking tinawag sa pangalang Brando.
"Mawalang galang na po. Ngunit bakit labis kayong nababahala sa mga estranghero. May kalaban ba ang inyong tribo?" tanong ko.
"Masasagot ang iyong mga katanungan nilalang, pagkatapos mong makaligtas sa pagsubok na iyong gagawin." sagot ng kanilang pinuno.
"Nakahanda na po ang mga sandata at nabuksan na ang tarangkahan" sigaw ng isa sa kanilang mga kasamahan.
"Sumunod ka sa akin! " saad ni Brando na nanatiling may takip ang mukha.
"Kunin mo iyan" turo nito sa isang espada at pana't mga palaso.
Kinuha ko naman ito at sumunod sa kanya.
Sa bawat yungib na aming daraanan ay may mga apoy na nagsisilbing liwanag sa aming daanan. At habang palayo kami ng palayo ay nahihirapan akong huminga.
Ang akala ko'y isang silid ang aming pupuntahan ngunit hindi. Katulad iyon ng isang balon may takip itong bakal na rehas. Sa tantiya ko'y hindi lang iisa ang mga butas na naroon na nagsisilbing lungga ng mababangis na hayop.
"Tanggalin ang takip" utos ni Brando sa kaniyang mga kasama.
"Paano binibini. Mukhang hanggang dito ka nalamang. Magsisilbing pagkain ka na lamang para sa mga mababangis na hayop. Sayang naman ang iyong ganda" saad nito saka hinawakan ang aking baba.
Tinapik ko ito saka ngumisi.
"Isa nga akong Orde ngunit hindi ibig sabihin na walang kakayahang makipaglaban. Na kailangan pa ng ibang kasama upang ihatid lamang ang isang babae!" sarkastiko kong saad.
"Siguro'y natatakot ka sa akin kaya't--"
"Tumigil ka!" at bahagyang naningkit ang kanyang mga mata. Tinanggal nito ang kanyang takip.
"Hindi ako natatakot! At hindi ako mahina!" galit nitong saad.
"Patunayan mo" saad ko saka inagaw ang hawak nitong sulo.
Hindi ko na hinintay ang kaniyang magiging hudyat. Tumalon na ako sa lungga ng mga mababangis na hayop at inihanda ang aking sarili sa kung ano mang panganib na naroon.
***
iammrlee
BINABASA MO ANG
Titania
FantasyLong ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...
