Chapter 28 - Awakening

2.2K 87 1
                                    

Mira POV

"Wala na kaming takas" hinawakan ko uli ang aking kwintas.

Ito nalamang ang natitirang ala ala ng aking Ina.

Ina patnubayan  niyo ako sa mga oras na ito, sa isip ko.

Kung naging mas malakas lamang sana ako sana ay makakaya kong talunin ang mga ito.

Muli  ginamit ko ang aking tungkod.

Nagpalabas ako ng matutulis na bato galing sa lupa. Ngayon ko lamang gagawin ito sapagkat puno at lupa lamang ang aking nakasanayang gamitin.

Hindi ko pa man nagagamit ay unti unti ko ng nararamdaman ang pagkaupos ng aking lakas.

"Stone Arrows!" saad ko saka ko pinakawalan ang mga tipak ng matutulis na bato.

Habang abala sila sa pagsangga sa mga matutulis na batong pinakawalan ko  ay nagawa kong  makalapit sa ibong bayawak.

Nagtagumpay akong makakuha ng balahibo nito ngunit hindi ko nagawang iwasan ang pinakawalang kapangyarihan ng isang purga.

"Soil Shield!" agad ko itong sinalag ngunit sa lakas ng kapangyarihang pinakawalan ko sa paggawa ng matutulis na bato ay agad din itong nasira.

"Ahh----hh" nabitawan ko ang aking tungkod at sinapo ko ang aking kaliwang balikat dahil bahagya itong natamaan ng bolang itim na pinakawalan ng kalaban.

Unti - unti ay nararamdaman ko ang pagkaparalisa ng kaliwa kong balikat. Lumundag ako  upang iwasan ang susunod na atake ng kalaban.

"Apat laban sa isa, ang aking tungkod" sa isip ko, hindi ko na nagawang pulutin ang aking tungkod dahil sa pag iwas sa bolang itim.

"Ano na lamang nilalang? Wala na sayo ang iyong tungkod at maging ang iyong kasamahan ay wala ng silbi" nilingon ko si Eos na unti unti naring nababalot ng lason ang ginawa kong pananggalang.

Hindi ko na alam ang aking gagawin, malapit ng maubos ang aking lakas. Unti unti naring nanlalabo ang aking paningin dahil sa amoy ng hangin na nahahaluan ng lason ng mga Purga.

Muling nagpakawala ng bolang itim ang isang Purga. Isinangga ko ang aking mga braso at dahil sa pwersa ng kalaban ay tumilapon ako at sumalampak sa lupa.

Unti unting kong naramdaman ang paggapi ng aking lakas. Ang paghapdi ng aking kaibuturan. Ang panunuot ng lason sa buo kong katawan.

Nasa wisyo ang aking kaisipan ngunit tila hindi nito kayang pasunurin ang aking sistema.

"Ito na ba ang aking katapusan?" sa isip ko.

At nararamdaman ko na lamang ang pagpikit ng aking mga mata at ang paglalakbay ng aking diwa sa kadiliman.

Tila isang malalim na balon ang aking nakasadlakan.

Nag iisa, nalulungkot, ako ba'y nawawala?

Maya't maya ay nakarinig ako ng tinig. Tinig na nagmumula sa kawalan.

"Orde..... " isang napakalamyos na tinig ng babae ang umagaw sa aking atensyon.

"Orde bumangon ka.... Hindi pa ngayon ang oras...." muli kong narinig sa kawalan.

"Sino ka?"

Ngunit hindi ito nagsalita sa halip nakita ko ang imahe ng aking Ina.

"Ina!" sigaw ko.

"Tulungan mo ako Ina!" naiiyak kong sambit.

Nakita kong rumehistro ang lungkot sa kanyang mukha. Saka ngumiti ng bahagya. Na tila ba may gustong ipahiwatig sa paghawak sa kanyang dibdib.

Naalala ko ang kanyang mga sinabi. Nang mapagtanto ko ang ibig nitong sabihin.

"Ito ang pinakamahalagang pamana ng aking Ina para sa akin, Mira. Ngayon ibibigay ko na sayo ito at pahalagahan mo rin sana, gaya ng pagpapahalaga mo sa akin, anak. Kung nalulungkot ka, hawakan mo lang ito at isipin mo ako anak, nandito lang ako sa tabi mo binabantayan ka at kung nasa panganib ka gamitin mo ito--- kung sapat na ang iyong lakas." Hindi ko man batid ang ibig nitong sabihin ay tinanggap ko parin ito at pinangakong hinding hindi ito mawawala.

Naramdaman ko ang pag angat ng aking katawan. Unti unti ang pagdaloy ng hindi maipaliwanag na init mula sa aking dibdib na tila sinusunog at ginagawang dalisay ang aking dugo mula sa lason.

"Orde bumangon ka... Harapin mo ang iyong mga kalaban..." saad ng malamyos na tinig ng isang nilalang.

Unti unting kong naramdaman ang pagpitik ng aking puso at ang muling pagdaloy ng aking dugo.

Iminulat ko ang aking mga mata. At nabungaran ko ang Purga sa aking harapan.

"Hindi!!!" sigaw ko.

Sapagkat kinuha nito ang kaisa isang bagay na nagbibigay ala ala sa aking mga magulang.

Binigyan ko sya ng malakas na suntok na siyang dahilan upang makawala ako.

"Ibalik mo sa akin ang aking kwintas!" galit kong saad.

"Ito ba?hahaha" sabay pakita ng kwintas.

"Ibalik mo yan sabi eh!" sigaw ko.

"Eto oh!" pang iinis niya saka mas lalo pinagputol putol.

Pakiramdam ko'y nag init  ang buo kong katawan. Pinipigilan ko ang aking emosyon dahil mukhang may gustong kumawala sa aking kaibuturan.

Habang nakikita ko ang unti unting pagkasira ng kwintas ni Ina. Ay ang tila pag sidhi ng aking galit.

"Magbabayad kayo!" galit kong sambit.

Ngayon ko lamang naramdaman ang galit na ito. Tila naipon ito sa aking dibdib at gustong kumawala.

"Oh? Paano? Hahaha Hindi mo na nga kayang lumaban!" saad ng isang purga.

"Huwag mo ng paglaruan ang ating pagkain. Putulin mo na ang ulo at ibigay sa ating Master!" sigaw ng isa pa.

Nagumpisang manginig ang aking katawan. Tila nawawala ako sa tamang pagiisip. Unti unti ring bumibigat ang aking likuran.

"Anong nangyayayari sa akin?" tanong ko.

"Ahhhhhhhhhhh--hhhhhhhhhh" isang sigaw ang aking huling nabigkas at mula sa oras na iyon ay ang tila pagbangon ng panibagong Mira.

iammrlee

TitaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon