Reen POV"Otsenta'y tres!, sigaw ng kawal at isang matangkad na lalaki ang umusad, sunod ang isang babae, isa ito sa mga kasamahan ko sa silid.
"Bago natin umpisahan ang laban. Babaguhin ang patakaran ng palaro", nakangisi nitong saad.
"Mula ngayon ipinagbabawal ang paggamit ng ano mang uri ng kapangyarihan. At sinumang lalabag ay paparusahan ng ating panginoon", mahaba nitong saad.
"May mga sandata na inihanda upang inyong gamitin, pumili lamang kayo ng isa", saad ng kawal.
Nagawi ang aking paningin kay Ate May, mukhang hindi nito nagustuhan ang pagbabago ng patakaran.
"Umpisahan na!, sigaw ng kawal.
Kumuha si Ate May ng isang espada. Ganun rin ang lalaki.
Unang umatake si Ate May, naiwasan naman ito ng lalaki, sumunod ang lalaki at iwinasiwas nito ang kanyang espada bahagyang nadaplisan si Ate May.
Sumugod ulit ang lalaki ngunit sinalag ni Ate May ang atake nito. Dahil sa talim ng espada at lakas ng ginawang pag atake ng lalake ay naputol ang espada ni Ate May. Napaatras ang babae bilang depensa ngunit nadaplisan ulit ang kanyang hita.
Mukhang sanay na sanay ang lalaki sa pisikal na labanan hindi tulad ni Ate May. Dehado ito sa laban.
Aatake sana ulit ang lalaki ngunit gumamit na si Ate May ng kapangyarihan. Nagpalabas ito ng bolang apoy at tumama sa dibdib ng lalaki.
"Pangahas!!!, malakas na sigaw ng panginoon nila. Lumingon si Ate May ngunit huli na ng iiwas nito ang kanyang tingin. Naging bato na ang buo nitong katawan.
"Paano nangyari iyon?", tanong nang aking isipan.
"Gaya nang sinabi ko, ang sinumang lalabag sa patakaran ay paparusahan ng ating panginoon", sigaw ng tagapagsalita
"Kung gayon iyon pala ang kapangyarihan ng panginoon nila. Ang gawing bato ang sinuman", sa isip ko. Sa maikling sandali natalo si Ate May.
***
Natapos ang limang pares, kasunod sa utos ng panginoon nila, dumanak ang dugo sa gitna ng labanan.
"Siyamnapo't anim!",sigaw ng tagapagsalita.
Ako na ang susunod, napahawak ako sa kwintas na bigay ng aking ina. Kinakabahan ako habang hinuhugot ang gagamitin kong armas.
Pinili ko ang isang sibat, iyon nalang kasi ang natitirang armas na kaya kong buhatin. Maari rin namang gamitin ang iba pang armas na ginamit sa laban dahil naroon rin lang ito sa gitna.
Espada naman ang napili ng kalaban ko. Sa hinuha ko'y magkasingtangkad lamang kami at hindi nalalayo ang hubog ng aming katawan. Ang kaibahan lamang isa akong Orde.
"Umpisahan na!", sigaw ng kawal.
Nagawi muli ang tingin ko sa taas. Ganito ang gustong labanan ng panginoon nila. Ang pagdanak ng dugo, nasisiyahan ito sa bawat agos ng dugo ng mga bata.
Napansin ko ang batang katabi nito. "Bakit kaya hindi nalang ang batang yan ang ipadala niya sa Titania", naiinis kong usal.
"Walang puso," saad ko!
Dahil hindi ako nakatuon sa aking kalaban hindi ko napansin nakalapit na ito at sasaksakin na ako ng hawak nitong espada.
Sinalag ko ito gamit ng sibat na hawak ko.
Muli niya akong inatake pero gaya kanina sinalag ko lamang ang pag-atake nito.
Tinadyakan niya ako sa aking tiyan kaya naman napaatras ako at itinukod ang sibat sa lupa upang manatiling nakatayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/56486722-288-k656256.jpg)
BINABASA MO ANG
Titania
FantasíaLong ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...