Miraflor POV
"Tumakbo kana! Takbo!" sigaw ng babae sa akin at parang de-makinang sumunod ang aking mga paa.
Narinig ko na lamang ang pagsabog na gawa ng nilalang na nasa himpapawid.
"Ahhhhhhh!", sigaw ng babae, napalingon ako at nakita kong pilit na tumatayo ang babae. Nagpatuloy ako sa pagtakbo habang puno ng takot ang aking isipan.
Napatigil ako ng biglang nagbago ang anyo ng kapaligiran.
Nasaan ako? Inilibot ko ang aking paningin, wala na ang babae, wala na ako sa kaharian. Nasaan ako?
Tuluyan akong huminto sa pagtakbo at nagtago sa isang puno, sa pag aakalang baka nasundan ako ng nilalang mula sa himpapawid.
Naalala ko ang aking mga magulang at ang sinabi ng babae.
Wala na, wala na ang aking mga magulang. Nag-iisa na lamang ako, paano nalamang ako.
"Ina? Ama?" umiiyak kong sambit.
Napahawak ako sa aking dibdib, hindi ko mawari kung ano ang ibinigay ng babae sa akin, ngunit wala naman pagbabago sa aking katauhan.
Nabaon ako sa matinding kalungkutan. Galit ako ngunit hindi ko alam kung kanino.
Hindi ko mapigilan ang aking pag-iyak dahil sa tuwing naiisip ko ang aking ina't ama ay tila nawawalan ako ng pag-asang mabuhay.
Madilim na at ramdam ko ang pagkalam ng aking sikmura.
Nasa malalim akong pag-iisip habang hawak hawak ang kwintas na bigay ng aking Ina.
Naalala ko pa ang kanyang sinabi bago niya ibigay ito.
"Ito ang pinakamahalagang pamana ng aking Ina para sa akin, Mira. Ngayon ibibigay ko na sayo ito at pahalagahan mo rin sana, gaya ng pagpapahalaga mo sa akin, anak. Kung nalulungkot ka, hawakan mo lang ito at isipin mo ako anak, nandito lang ako sa tabi mo binabantayan ka at kung nasa panganib ka gamitin mo ito--- kung sapat na ang iyong lakas." mahabang saad ng aking ina.
Hindi ko man batid ang ibig nitong sabihin ay tinanggap ko parin ito at pinangakong hinding hindi mawawala sa aking pangangalaga.
Patuloy ang aking pag-iyak ng may marinig akong ingay na nagmumula sa di kalayuan.
"Hik, hik, hikhikhik" natakot ako baka may halimaw sa lugar na ito.
Sa kabila ng aking takot at pangamba ay tinuntun ko parin ang pinanggagalingan ng ingay habang nanginginig ang buo kong kalamnan.
Natuntun ko ang pinangagalingan ng ingay, hindi ko agad makita kung ano ito sapagkat natatakpan ng mga dahon.
"Hik hik hikhikhik," hinawi ko ang mga dahon at nakita ko ang isang maliit na kulay puting nilalang. Para itong aso, na kuneho, na leon. Hindi ko alam kung anong uri ng hayop ito. Mabuhok na parang kay sarap hawakan habang nagliliwanag ang kanyang balahibo kapag nasisinagan ng ilaw galing sa buwan.
"Nag-iisa ka rin ba?", saad ko rito at may pilit na ngiti na sumingaw sa aking mga labi.
Napalingon ito, kay gandang pagmasdan ang kulay ng kanyang mga mata. Mula pula, naging berde ito at ngayo'y naging kulay asul na.
Iginalaw nito ang kanyang ulo na parang iniintindi ang aking sinabi.
Lumapit ako at umupo sa kanyang tabi. Hindi naman ito tumakbo sa halip tinignan lamang ako, at pinagpatuloy niya ang kanyang ginagawang paghuhukay."Kumusta?", sunod kong sambit kahit alam kong hindi niya ako naiintindihan.
"Ako si Miraflor, ikaw?', hinawakan ko ang kanyang ulo at hinaplos-haplos, napapikit naman ito na parang gustong-gusto ang aking ginagawa.
"Mula ngayon ikaw na si Hiko, Hiko na ang iyong pangalan", sambit ko.
Iniunat ko ang aking paa at may nasagi akong bagay. Tinignan ko ito, para itong balat ng itlog na kulay ginto, kaiba ito sa isang ordinaryong itlog sapagkat may kalakihan ito. Balat na lamang ito kaya naman hindi ko nalamang binigyang pansin.
"Aray! Bakit mo ako kinagat!?", galit kong saad habang sapo-sapo ang daliri kong kinagat ni Hiko.
Tumalikod ito at humiga, sinipsip ko ang dugong dumaloy sa aking daliri, masakit eh.
Maya't maya'y nakaramdam ako ng pagkahilo at naramdaman ko ang pagbigat ng isa sa aking braso, siguro dala ito ng pagod, takot, at pati narin gutom. Kaya nahihilo ako at di ko na namalayang napaidlip ako katabi ng bago kong kaibigan.
****
"Hmmm" nagising ako dahil sa sinag ng araw na dumadampi sa aking pisngi.
Nakaramdam ako ng gutom kaya napagdesisyonan kong tumayo, napansin ko ang balat ng itlog sa harapan ko, kulay ginto ito. Naalala ko si Hiko. Tinignan ko ang aking paligid. Wala na si Hiko marahil iniwan niya na ako.
Tuluyan na akong tumayo ngunit naramdam ko ang pagsakit ng isa kong braso, sinipat ko ito at may nakita akong marka. Napaisip ako, marahil nakuha ko ito kahapon habang pilit na lumalayo sa kaharian.
Napagdesisyonan kong maghanap ng makakain, hindi naman ako nabigo. Nakita ko ang isang puno na may hitik na mga bunga, hindi ko mawari kung anong puno ito.
"Bahala na!" gutom na talaga ako.
Nasa kalagitnaan ako ng aking pagkain ng may mga yabag akong narinig, mukhang mga yabag ng kabayo.
Nagrigidon agad ang aking puso, hindi ko alam ang aking gagawin. Baka masasamang loob ang mga ito, tumayo ako at akmang magtatago subalit nakita ako ng isa sa kanila.
"May bata roon!," sigaw ng isa sa kanila.
Napalingon ako, natatakot sa maaring mangyari sa akin sa kamay ng mga kabalyerong ito.
Takbo! sigaw ng aking isip ngunit tila naparalisa ang aking katawan. Nang makita ko ang paglapit ng mga kabalyero ay agad ding sumunod ang aking paa sa kagustuhan ng aking isipan.
Hindi ko alam kung mabuti o masama ba sila. Basta ang alam ko ay kailangan kong makalayo sa lugar na ito at makatakas sa mga iyon.
Dali-dali kong pinasok ang masukal na parte ng gubat ngunit tila namali ako ng daanan.
Liningon ko ang mga kabalyero kung naiwala ko ba sila.
Ngunit tila nasundan nila ako dahil sa mga yabag at sigawan ng mga ito.
"Ina, Ama tulungan niyo ako. Natatakot po ako," taimtim kong panalangin sa gitna ng aking pag-iyak.
"Hayun siya mga kasama!," sigaw ng isa sa mga ito.
Natuliro ako at nanginginig sa takot.
Anong gagawin ko?
***
Please vote and leave a comment.
Thanks for reading!!!
iammrlee
BINABASA MO ANG
Titania
FantasiaLong ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...