Mira POV
Kasalukuyang naguusap sina Lola Eleo at Zacheos. Habang nasa silid ako, tinanggal ko ang aking maskara at nahiga sa aking kama.
Naalala ko ang nangyari kanina. Sa tingin ko si Zacheos ang may gawa sa mga nagliparang matutulis na yelo na muntikan ng dumurog sa akin.
"Sino ba ang lalaking iyon. Ang lakas niya. Isa kaya siyang Titan, ganun pala katindi ang kapangyarihan ng isang Titan. Isang Titan..." naalala ko ang isang nilalang na naghangad na maging Titan, iyon ay upang mapalaya ang kanyang Lolo at Ina sa isang makapangyarihang nilalang.
"Ang maging Titan at palayain ang kanyang Lolo at Ina ang rason nito upang maging mas malakas, ngunit ako..."
"Mira" narinig kong tawag ni Lola Eleo, liningon ko siya upang tanungin kung ano ang kailangan nito.
"Nasaan ang iyong maskara?"
"Tinanggal ko po"
"Suotin mo." utas ni Lola Eleo.
Naguguluhan man ako ngunit sa huli'y sinunod ko parin ito. Sa tingin ko'y sasamahan ko si Zacheos sa paghahanap ng mga sangkap na kakailanganin para sa lunas na gagawin para sa kanyang Ama.
"Halika na" saad nito.
Nabungaran ko ang lalaki na prenteng nakahiga sa mahabang upuan.
"Zacheos siya si Mira" panimula ni Lola Eleo, umayos naman ito at nakinig sa sinasabi ni Lola Eleo.
"Siya ang tutulong sayo upang kunin ang mga sangkap na gagamitin upang makagawa ng lunas para sa iyong ama"
"Hindi ko kailangan ng makakasama tanda, kaya kong kunin ang mga sangkap basta isulat mo na lamang ang mga kakailanganin" naiirita nitong sagot.
Hindi sumagot si Lola Eleo bagkus kinuha nito ang kanyang libro kung saan nakasulat ang iba"t ibang klase ng orasyon at sangkap.
"Comprendi aliba didos" usal ni Lola Eleo. Agad nagkaroon ng maliit na papel at ibinigay nito kay Zacheos.
"Ito lang naman pala ang kukunin" nakangisi nitong saad.
Ngunit sa loob ko'y hindi gagamit si Lola Eleo ng orasyon kung ganun lamang kadaling kunin ang mga sangkap, dahil madalas akong sinasama ni Lola, madalang lamang akong mag isa iyon ay kung nabibilang lamang sa isang kamay at madali lamang mahanap ang mga pinapakuha nito.
"Sige humayo kana ang iba sa mga iyan ay mawawalan ng bisa pag katapos ng ikatlong araw, upang masigurado ang lahat ay dapat makabalik ka pagkatapos ng dalawang araw." utas ni Lola Eleo.
"Madali lang yan tanda" mayabang nitong saad at tinungo ang pintuan.
"Isuot mo ito." sabi ni Lola Eleo.
Hindi na nagtanong pa si Zacheos kung para saan ang ibinigay ni Lola Eleo.
Ngunit hindi pa ito nakakalabas ay bumalik agad ito.
"Nagbago ang isip ko tanda, tutal ikaw naman ang nagpresenta, kailangan ko ng makakasama upang mapadali ang aking paghahanap" agad tumaas ang isa kong kilay, nasa harap na ako ng aking silid ng marinig ko ang anunsyo ni Zacheos.
"Mira" si Lola Eleo.
"Opo" tugon ko, batid ko kung ano ang ibig nitong sabihin.
Tuluyan akong pumasok sa aking silid upang kunin ang aking kagamitan.
Tinignan ko si Hiko ngunit mahimbing pa itong natutulog dala siguro ng huli namin laban sa lider ng Purga.
Lumabas na ako ng aking silid. Hindi ko naiwasan ang mga titig ni Zacheos.
"Pwede mo namang tanggalin ang iyong maskara, wala naman Demo sa paligid." bungad nito.
"Halika na" saad ko pambabalewala sa kanyang sinabi.
"Alis na kami tanda!" paalam nito.
"Mag iingat kayo"
***
Tanging huni ng mga ligaw na hayop ang naririnig.
Panaka-naka'y nagsasalita mag-isa ang kasama ko ngunit sarili lang din nito ang kinakausap.
"Bakit hindi mo isuot ang maskara na ibinigay ni Lola Eleo" basag ko sa katahimikan.
"Pwede mo namang tanggalin ang iyong maskara, kung gusto mo." saad nito sa halip na sagutin ang tanong ko.
"Maraming Demo sa paligid---"
"Natatakot kaba na makita nila?"
"Kaya ko silang labanan" saad ko.
"Kaya mo ba silang talunin?"
"Ano bang pinupunto mo?"tanong ko.
"Malay, ikaw itong unang nagtanong, sinagot ko lang" nang iinis nitong saad.
Alam kong minamaliit nito ang aking kakayahan, sabagay kumpara sa taglay nitong kapangyarihan ay di hamak na mas malakas ito sa akin.
"Isa ka bang Titan?" wala sa loob kong tanong.
"Interesado ka ata sa buhay ko"
"Hindi, natanong ko lang. Kung hindi pwedeng malaman hindi naman kita pinipilit" sagot ko.
"Paano ka napunta kay tanda?"tanong nito.
"Interesado ka ba sa buhay ko?"
"Hindi, natanong ko lang. At pwede ba huwag mong gamitin--".
"Asan ba ang listahan" putol ko sa sasabihin nito.
"At bakit ko ibibigay sayo?" nang iinis nitong sagot.
"Aba kung ayaw mong ibigay edi ikaw maghanap mag isa mo." sagot ko.
"Yan!"
"Bat mo ko sinisigawan!"
"Baka kako dimo ako marinig"
Napabuntong hininga ako.
Mauubusan ata ako ng pasensya sa isang ito.
iammrlee
BINABASA MO ANG
Titania
FantasíaLong ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...
