Mira POV
Kinuha ko ang listahan ng mga sangkap. Sa unang limang nakasalulat ay alam kong makukuha lang ito hindi kalayuhan sa punong-bahay ni Lola Eleo. Ngunit kung hindi ka pamilyar sa itsura ng mga ito malamang ay hindi mo aakalain na iyon ang hinahanap mo.
"Buto ng Chati, lumot na galing sa batong itim, katas ng dangha, puting kabute, at tae ng Zhephir."
"Meron na tayong isa. Buto ng Chati." saad ko.
"Paano mo nakuha iyan"
"Pinakuha ako ni Lola Eleo noon ng buto ng Chati upang gamitin bilang sangkap" sagot ko.
"Kung sinuswerte nga naman"sa isip ko.
"Kunin mo yun" turo ko sa puting kabute na tumubo sa sanga ng isang punong kahoy.
Napakurap ako.
"Ito ba?" lahad nito hawak hawak ang puting kabute.
"Pa-panong nakuha mo ng ganun kabilis?" nagtataka kong saad.
"Iyon ang tinatawag na kapangyarihan ng isang alagad ng Titania" seryoso nitong saad.
"Titania" gumuhit sa isip ko ang isla kung saan ilang taon na ang nakaraan ng huli kong marinig.
"Kung gayon galing ka sa isla ng Titania? Isa ka bang Titan?" sunod kong tanong, nagbabakasakaling may makuha akong impormasyon kung anong nangyari sa mga kaibigan ko.
"Oo at hindi ako isang Titan, ngunit darating din ako sa puntong iyan" mabilis nitong saad.
"Ikaw ba'y sundalo mula sa Titania?"
"Hindi rin" maikli nitong saad.
"Ngunit paano ka makakalabas dito sa Hellux?" bigla kong naisip na itanong.
"Dahil sa pagkakaalam koy napapalibutan ito ng makapangyarihang hamog." dugtong ko, nagbabakasakaling may alam ito kung paano makakalabas.
"Bilang isang alagad ng Titania ay nagawaran ako ng kapangyarihan na hindi kayang alisin ng anu mang salamangka" nakangisi nitong saad.
Magtatanong pa sana ako ngunit nauna na ito sa paglakad kaya naman wala akong nagawa kundi sumunod na lamang.
"Magpahinga muna tayo" saad ko matapos ang mahabang lakaran.
"Malayo pa ba?" mahinahon nitong tanong.
"Dalawa palang ang nakukuha natin, at ang iba sa mga ito'y hindi dito matatagpuan." sapagkat nasa teritoryo ng mga Purga ang ibang nakasulat sa listahan.
"Ganun ba" mahinahon parin nitong saad. Saka ito umupo sa harap ko at ipinikit ang kanyang mga mata.
Sa pagkakataong ito ay malaya kong napagmasdan ang itsura nito.
"Bakit mo ako pinagmamasdan?" Bigla nitong saad.
"Anong pinagmamasdan?" kunwari kong tugon saka pasimpleng ibinaling ang aking ulo.
"Nagkataon lang na nasa harap ko ang pwesto mo at bakit kita pagmamasdan" tanggi ko.
"Malay ko kung may gusto ko sa akin" pabulong nitong saad ngunit sapat na upang marinig ko.
"Talaga? Hindi ka naman kaakit-akit sa paningin ko" pabulong ko ring tugon.
"Te--teka--- a---anong ginagawa mo-o" nauutal kong saad.
Bigla itong tumayo saka inilapit nito ang kanyang mukha sa aking maskara.
"Kahit nakamaskara ka nararamdaman ko na sa akin nakasentro ang iyong mga mata." bulong nito.
BINABASA MO ANG
Titania
FantasíaLong ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...