Shana POV
Nagtataka parin ako kung sino ang may kagagawan ng mga gumagalaw na ugat at maging ang mga halamang ugat na tumulong sa amin laban sa mga kawal ni Partisan.
Posibleng si Reen ang may gawa niyon. Hindi nga ito pangkaraniwang Orde sapagkat nagtataglay ito ng kapangyarihan katulad ng mga Navino at Oreo.
"Hanggang dito na lamang tayo kinakailangan na nating bumaba, dahil baka hindi pa tayo nakakarating sa imperyo ay maulinigan agad ni Partisan ang agad nating pagsugod" saad ni Brando, agad ko namang iniba ang direksyon ng aking tingting.
Sumunod naman si Reen sa amin at bumaba kami sa kagubatan malapit sa imperyo ni Partisan.
Nang makababa kami'y agad kong nilapitan si Reen habang ang dalawang lalaki ay nasa unahan.
"Hintayin natin magdilim bago sumugod" saad ni Brando habang nakatingala sa kalangitan.
"Reen" saad ko.
"Ano iyon" seryoso nitong tugon.
"Ikaw ba ang siyang may gawa ng mga ugat na sumangga sa palakol ng dambuhalang halimaw, maging ang mga halamang ugat na tumubo sa talon?" paninigurado ko sa akong naging konklusyon.
Tinitigan niya ako at bahagyang tumango. Ngumiti ako.
"Salamat at salamat sa pagsagot" saad ko.
"Siguro'y mananatili muna tayo dito hanggang sumapit ang dilim. Magpahinga muna tayo." ulit kong saad.
***
"Papasukin natin ang imperyo upang pakawalan ang mga nabihag nating kasamahan at kung may pagkakataon ay ---" saad ni Brando ngunit pinigil ko siya.
"Huwag kang maingay may mga kawal na nagpapatrolya sa paligid ng imperyo" saad ko.
"Ang kastilyo ay pinapaligiran ng nakakalasong harang, gamitin ninyo ang inyong mga bandana upang hindi kayo makalanghap nito" saad ko dahil batid kong napapalibutan ito ng nakakalasong hangin upang pigilang ang sinumang pumasok sa kastilyo. Dahilan kung bakit gumawa kami ng bandana upang hindi malanghap ang nakakalasong hangin.
Inilabas naman nila ang kanilang mga bandana at sinuot. Mahigpit ang bantay sa labasan.
"Brando gumawa ka ng paraan upang makapasok tayo sa loob ng walang nakakaalam" bulong ko.
Agad naman nitong pinagapang ang kanyang anino palapit sa mga bantay. Nahuli nito ang isa at agad pinigilan ang paghinga. Samantalang ang isa ay saktong naglalakad patungo sa madilim na parte kayat hindi na abot ng kanyang anino. Ang akala ni Dilan ay nahuli ang isa kaya't agad itong lumabas sa pinagkukublian nito.
"Dilan" marahan kong saad ngunit huli na.
"Pinasok tayo ng mga bandido! Pinasok---" sigaw nito ngunit agad ding natigil dahil sa palasong pinakawalan ni Reen.
Naalerto ang ibang kawal kaya't agad silang kumalat upang hanapin kami. Agad din kaming nagkubli ngunit tila alam nila kung saan kami nagtatago dahil sa pag-asinta nila sa aming kinaroroonan.
"Mauna na kayo sa loob, ako ng bahala sa mga ito. Sa likod kayo dumaan" saad ko, agad namang tumalima si Reen maging si Dilan habang nagpaiwan naman si Brando.
***
Third Person POV
"Panginoong Partisan may mga bandidong nagbabalak pumasok sa kastilyo" bungad na saad ng isa sa mga kawal ni Partisan.
"Kung gayon agad sumugod ang matandang iyon. Tila hinahanap niya talaga si kamatayan. Utusan mo ang iyong hukbo upang pigilan sila kayo nang bahala sa mga mahihinang nilalang na iyon" saad nito.
Pumasok ito sa isang silid.
"Kung alam kong ganun lang pala kadali mapapalabas sa kuta ang matandang iyon. Sana'y noon ko pa ginawa ang pagbihag ng kanyang mga kasamahan" tumatawa nitong saad.
"Bakit anong nangyayari mahal na panginoon?" tanong ng isang babaeng nakabalabal ng itim.
"Lumusob ang mga bandido." nakangisi nitong saad.
"Kung gayon anong ipag uutos mong gawin ko?" tanong ng babae.
"Hindi! Dito ka lang dahil tiyak na hindi rin sila makakapasok sa kastilyo. Tawagin mo ang iyong mga alagad " aniya.
"Masusunod kamahalan" saad nito at ilang sandali pa'y pumasok ang apat na nilalang.
"Naririto na sila mahal na panginoon" saad ng babae.
"Sige. Kayong apat ang bahalang humarap sa mga pangahas na sumalakay, humayo kayo't ipagtanggol ang kastilyo laban sa mga bandido!" utos nito sa apat na alagad.
"Masusunod panginoon" magkakapanabay na saad ng mga ito.
***
Shana POV
"Halika na" saad ko kay Brando ng matalo namin ang kumpol ng mga alagad ni Partisan.
Ngunit tila naestatwa ito sa kanyang kinatatayuan.
"Anong nangyayari sayo" nagaalala kong tanong.
"U-ma-lis kan-a" nahihirapang saad nito.
"Hindi" naging alerto ako dahil tiyak kong may ibang may gawa nito.
"Sino ka! Magpakita ka! Huwag kang duwag!" sigaw ko ng biglang may pumulupot at humatak sa aking leeg.
"Sha-!" si Brando.
"Ahhhhh! Bitawan mo ako duwag!" sigaw ko habang pilit binubuwal ang pagkakapulupot nito sa akin.
"Diba't hinahanap mo ako" saad ng isang babae.
"Bitawan mo ako at lumaban ka ng patas!" saad ko habang nararamdaman ang paghigpit ng pagkakapulupot nito sa akin.
"At sino ka para utusan ako" aniya.
"Ahhhh" sigaw ko ng maramdaman ko ang tila pagsipsip nito ng aking dugo.
"Bitawan mo siya!" sigaw ni Brando na sa tingin ko'y nakawala na ito sa kung sinuman ang may kagagawan ng kanyang pagkakaestatwa.
"Ahhhh! Lapastangan!" sigaw ng babae agad naman akong nakawala sa pagkakapulupot ng buhok nito.
Pinaggapang naman pabalik ni Brando ang kanyang anino.
"Ako ang harapin mo!" sigaw ng isa pang nilalang na nakapagpalingon sa amin ni Brando.
"Sino ka naman!" marahang sigaw ni Brando.
"Kami lang naman ang papatay sa inyo!" sigaw ulit ng babaeng may kakayahang magpahaba ng buhok.
"Kung kaya niyo!" sigaw ko naman.
"Tignan lang natin!" aniya saka muling pinahaba ang kanyang buhok.
Liningon ko si Brando na tila naestatwa nanaman sa kinatatayuan nito.
Maaring ang lalaking iyon ang may kagagawan ng pagkakaestatwa ni Brando dahil maging ito'y hindi gumagalaw.
"Ako ang tignan mo babae dahil ako ang iyong kalaban!" sigaw ng babae na nakapagpalingon ulit sa akin.
Agad akong lumundag upang iwasan ang kanyang buhok.
Inilabas ko ang aking patpat at pinagalaw ang mga blokeng nagkumpol kumpol malapit sa pader ng kastilyo.
Sa halip na ipukol sa babae ang mga nagsilutangang bloke ay sa lalaki ko ito ipinukol. Agad namang umiwas ang lalaki at nakita ko na lamang ang pagdaloy ng kanyang anino palapit sa aking anino.
Hinarangan naman ito ng isa pang anino kayat hindi ito nakalapit sa akin.
"Ako ng bahala sa isang ito! Pagtuonan mo ng pansin ang babaeng nakakapagpahaba ng buhok" ani Brando.
Sinunod ko naman ito at ipinukol ang aking atensyon sa babae. Muli itong nagpahaba ng kanyang buhok ngunit lumundag ako paatras at habang umiiwas ako ay patuloy rin ito sa pag-atake sa akin.
iammrlee
BINABASA MO ANG
Titania
FantasíaLong ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...