"Hiko mukhang naliligaw tayo." usal ko kay Hiko habang nasa gitna kami ng gubat.
Madalas akong utusan ni Lola Eleo na kumuha ng mga sangkap para kanyang mga eksperemento ngunit sinisigurado niya munang ligtas ang lugar na mapagkukunan non.
Ilang taon na rin ang lumipas mula ng dakpin ako ng mga tauhan ni Partisan at mahulog sa lugar na ito.
Wala na nga atang pag-asa na muli akong makabalik sa Oreo.
Naputol ang pagbabalik tanaw ko ng muli kong madaanan ang puno na linagyan ko ng marka.
"Naliligaw nga ata ako."sa isip ko.
Kanina inutusan ako ni Lola Eleo na kumuha ng sanggap na gagamitin nito ngunit hindi ko na matandaan ang daanan pa labas.
Nangangamba ako baka may sumulpot na Demo o ano mang uri ng halimaw sa gubat.
Malapit ng magdilim at naririto parin kami. Nauna ng naglakad si Hiko na parang sinasabing sundan ko siya. Kaya naman sinundan ko ito. Ngunit bigla itong huminto na tila may pinakikiramdaman.
Mukhang may nilalang malapit sa aming kinaroroonan.
"Humanda ka Hiko mukhang may paparating." bulong ko.
Maya't maya ay may naririnig na akong yabag. Lulan ito ng isang itim na kabayo. Palapit ito sa kinaroroonan namin, agad kong hinanap ang aking maskara na kawangis ng sa mga Purga ngunit hindi ko ito nagawang mahanap kaya naman pumilas ako ng kaunti sa aking kapa upang itago ang aking mukha.
"Sino ka! Anong ginagawa mo sa aming teritoryo?" usal nito.
"Isa akong manlalakbay." saad ko.
"Isa itong purga" sa isip ko sapagkat kawangis ito ng maskarang ibinigay ni Lola Eleo.
"Manlalakbay?" napangisi ito. "Wala akong pakialam kung isa kang manlalakbay" hinugot nito ang kanyang sandata.
Hinawakan ang aking tungkod bilang paghahanda sa kanyang gagawing pag atake.
Nalintikan na, mapapasubo ako sa isang to.
Sinalag ko ang kanyang mga atake. Mukhang ordinaryong Purga lamang ito. Mabilis kong idinantay ang aking tungkod sa lupang aapakan nito at pagkatapos ay kusa itong nilamon ng lupa.
Ang akala ko'y tapos na ngunit may paparating ulit lulan ng limang itim na kabayo at isa rito sa tingin ko ang lider nila. Dahil wala itong baluti gaya ng apat na kasamahan nito. Bumaba ito.
"Anong ginagawa ng isang binibini sa lugar na ito?" nakakaloko nitong saad.
"Paraanin niyo ako, isa lamang akong manlalakbay at walang balak na kahit ano-"
"Iyon ay kung makakadaan ka pa" nakangisi ito saka biglang humangin ng malakas.
"Hmmmm amoy ng isang---! Hahahaha! Isa kang taga labas! Ang lakas ng loob mong pumunta sa aking teritoryo."
"Wala na akong magagawa kung ayaw niyo akong paraanin kundi mapipilitan akong labanan kayo."
"Pananakot ba yan? Aba'y natakot ako! Hahaha!" malakas nitong saad.
Maya't maya ay nagpalabas ito ng itim na kapangyarihan, hindi maganda ito. Inihanda ko ang aking tungkod. Mula sa katawan nito ay may mga lumalabas na likido.
"Lason?!!" malakas kong saad, sapagkat ng dumantay ito sa kanyang paanan ay nalanta ang mga halaman roon.
"Magaling! Ito ang aking kapangyarihan, sa tingin mo may pag asa kapang mabuhay?" tanong nito.
Napalunok ako, nararamdaman ko rin ang lamig dahil sa mga ga butil ng pawis na lumalabas sa aking katawan.
Mukhang nagalit ito sa hindi ko pag sagot.
"Lapastangan!" sabay bato nito ng kanyang kapangyarihan.
Itinuktok ko ang aking tungkod at nagpalabas ng ugat upang maging pananggalang.
"Isang nilalang na may lihim na kapangyarihan? Haha pipitsuging kakayahan!" ulit nitong sigaw"
Muli itong nagpakawala ng kanyang kapangyarihan ngunit sa pagkakataong ito ay sunod sunod ang ginawa nitong pag atake.
Ngayon nama'y agad akong gumuhit ng bilog sa lupa at tumayo ako sa gitna.
"Soil Shield!" sigaw ko.
"Hindi!" , hindi ko magawang lumapit sa kanya o kahit atakehin man lamang sapagkat kapag tinanggal ko ang mga pananggalang ginawa ko ay tyak na katapusan ko na.
"Hindi maari", may nararamdaman akong likidong unti unting humahalo sa lupa na nagsisilbing pananggalang ko at kung hindi pa ako kikilos ay tiyak makukulong ako rito at malalason.
Pakiramdam ko'y nabalot na kami ng lason, naaamoy ko ang alingasaw ng lupa na nagdudulot ng aking pagkahilo.
"Hi-hi-k-ooo hiin-ndi-i a-ko maka-hinga" nahihirapan kong saad kasabay ng panlalabo ng aking paningin.
Nanghihina na ako at ilang sandali nalang ay bibigay na ang panangga na ginawa ko.
"Ahhh---hhh" sigaw ko ng biglang umigting ang kanan kong braso. Isang pamilyar na pakiramdam, ganitong ganito rin ang aking naramdaman ng nahulog ako rito mula sa Vanishing Islands.
Pinagmasdan ko si Hiko, nagliliwanag ang kanyang katawan katulad ng marka sa aking braso. Maya't maya ay natibag na ang lupa na ginawa ko.
Tila bumagal ang oras, epekto narin siguro ng lason na nalalanghap ko.
"Reen!" may kung anong boses na pumapailanglan sa aking utak.
"Reen! Sumakay ka sa aking likuran!" muli saad ng nilalang.
"Sino ka?" sa pamamagitan ng isip ko ay kinausap ko ito.
"Ako ang guardian mo, ako si Hiko." saad nito.
Liningon ko si Hiko, at ilan pang sandali ay nasa likod na niya ako bago pa man gumuho ang lupa. Mula sa nanlalabo kong mga mata nakita ko ang pag iibang anyo ng alaga ko.
"Ahhhh----hhhhh" hiyaw ko ng abutan ako ng lason na ibinato ng purgang iyon.
"Hiko bilisan mo hindi ko na kaya" habang nasa himpapawid namanhid ang isa kong paa gawa ng lason na tumama sa akin.
Ilan pang sandali ay nakarating na kami sa puno na nagsisilbing tirahan namin. Mabilis kumalat ang lason dahil nasakop na nito hanggang sa aking hita. Bumaba ako at agad nagpalit anyo si Hiko. Sa nanghihina kong katawan nagawa ko paring paganahin ang aking tungkod.
"Mira natagalan ka-- anong nangyari sayo. Sinasabi ko na nga bang may ibang nangyari na sa'yo" tinignan ko si Lola at nakagayak ito na tila may pupuntahan.
"M-may nakasagupa po akong may kakayahang magpalabas ng lason at---" sa nanghihina kong katawan nagawa ko pa iyong bigkasin bago gapiin at mawalan ng ulirat.
iammrlee
Guys! This chapter po eh nagdalaga na po si Reen/Mira. Kaya asahan pong may mga pagbabago narin sa kanyang kakayahan.

BINABASA MO ANG
Titania
FantasyLong ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...