Third Person's POV
Agad na nilapitan ni Shila si Ayva, at ginamit nito ang kakayahan niyang manggamot upang tulungan ang huli.
Pinagmasdan lamang ni Brando ang ginagawa ni Shila. Ngunit ng makarinig ito ng malalakas na pagsabog mula sa kastilyo ay nagpagpasyahan nitong magtungo dito.
Kailangan kong magtungo agad sa kastilyo marahil naroon na ang aking mga kasama, sa isip ni Brando.
Tinignan nito sina Shila at Ayva at saka pinakiramdaman ang paligid. Nang matiyak niyang wala na ang babaeng may kakayahang magpalabas ng nakakalasong hangin ay agad itong umalis at iniwan sina Shila.
***
Sa kastilyo ni Partisan...
"Katapusan mo na!" sigaw ni Serdon kasabay ng bolang itim na kanyang pinakawalan patungo sa kinatatayuan ni Partisan, ngunit agad tinanggal ni Partisan ang kanyang maskara at dahil sa hindi ito inaasahan ni Sedon ay hindi nito naiwasan ang titigan ang mga mata ni Partisan.
"Tuso ka!" galit na sigaw ni Serdon ngunit wala na itong magawa dahil unti-unti ng nagiging bato ang kanyang katawan.
"Anong--! Anong ginawa mo sa kanya?" tumatakbong sigaw ni Brando.
"Brando-- huwag kang tumingin sa mga mata niya!" naisigaw pa ng matanda bago ito tuluyang maging bato.
Agad namang pinagapang ni Brando ang kanyang anino ngunit biglang ibinaling ni Partisan ang kanyang paningin sa dito kaya umiwas ito ng tingin, dahil dito hindi nito namalayan na wala na pala si Partisan sa kanyang kinatatayuan.
Nanatiling nakapikit ito sapagkat maaring makagawa ng paraan ang kalaban upang titigan siya sa kanyng mga mata at siguradong malalagay ito sa panganib kung mangyari man iyon.
Pinakiramdaman nito ang buong paligid ngunit hindi niya maramdaman ang presensya ng kalaban,
"Nasaan ka!?" sigaw nito, at unti-unting nitong pinagapang ang kanyang kanyang anino na siyang bumalot sa sahig.
"Hindi ko magagamit ang aking paningin ngunit gagamitin ko ang aking anino upang malaman kung nasaan siya", bulong ni Brando.
Ang buong sahig sa kanilang kinaroroonan ay nababalutan na ng anino ni Brando at kung sinuman ang tatapak dito, maging ang anino ng sinuman ay hindi makakalampas sa pandama nito at mapapasailalim sa kapangyarihan ni Brando.
"Nasaan ka?" nakapikit na saad ni Brando sapagkat hindi nito maramdaman kung saan pumuwesto ang kanyang kalaban dahil dito ay lalo pa nitong ikinalat ang kanyang anino.
Agad na nagtago si Partisan dahil sa pinsalang natamo sa naging laban nila ni Serdon.
"Kagaya ng isa sa mga alagad ni Agres may kakayahan rin ang isang itong manipulahin ang kanyang anino," mahinang saad ni Partisan
Nangunot ang kanyang noo ng makita ang itim na piguro sa sahig.
"Lintik na bandido, may itinatago rin pala itong---" saad ni Partisan.
"Ako ng bahala sa isang ito" saad ng isang nilalang.
"Agres!" saad ni Partisan.
Ngumisi ang babae saka nagpakawala ng malaking bola ng apoy.
***
"Huwag kang mag alala, natanggal ko na ang lason sa iyong katawan ilang sandali pa'y babalik na ang iyong lakas" saad ni Shila sa kaharap nito.
"Salamat" tugon ni Ayva.
Matapos gamutin ni Shila si Ayva ay agad itong tumayo at ginawang ting-ting ang kanyang patpat saka dali-daling lumipad patungo sa pamilyar na kapangyarihang nanggagaling sa kakahuyan.
BINABASA MO ANG
Titania
FantasyLong ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...