Chapter 5 - Ring of Zeid

3.8K 127 0
                                    


Zeid POV

Ako si Zeid mula sa angkan ng mga Afillo. Isang angkan na syang  tagapag-ingat ng isang napakahalagang bagay na lingid sa kaalaman ng lahat.

Mahabang panahon na ng mapasakamay sa aming mga ninuno ang isang singsing na nagtataglay ng malakas na kapangyarihan. Bago sila mamatay ipinagkatiwala nila sa amin ang pag-iingat dito.

Naipatapon ang pamilya Afillo sa kabilang dimensyon dahil sa paggamit ng kapangyarihan ng singsing.

Ayon sa kwento ng aking Ina, tinangka ng aking Lolo na pabagsakin ang kaharian ng ama ng Haring si Odes, na si Hode, ngunit nabigo ito. Si Hode at ang aking Lolo ay matalik na magkaibigan, ngunit dahil sa kapangyarihang taglay ng singsing at paghahangad nito ng mas malakas na kapangyarihan ipinatapon sila dito sa kabilang dimensyon. Sumama ang aking Ina dahil narin sa kagustuhang makasama nito ang kanyang Ama, habang ako'y nasa kanyang sinapupunan. Naipanganak at lumaki na ako dito sa kabilang dimensyon. Namulat sa iba't ibang klase ng nilalang. Kadalasan nakikipaglaban pa ako sa ibang nilalang na gustong umangkin ng taglay kong kapangyarihan.

Kaya mas lalo ko itong iningatan upang hindi malaman ninuman ang pinanggagalingan ng aking lakas at kapangyarihan. Sa kabila nito, angkan kami nang nagtataglay ng kapangyarihan ng tubig, ngunit isinumpa upang hindi na muli itong magamit. Dahil na rin sa kasalanang dulot ng aking Lolo.

Ang aking Ina at Lolo ay kasalukuyang naging bato dahil nalaman ng isa sa mga kawal ng palasyo na nasa aming pag iingat ang isang Amulet mula sa diyos ng kalangitan. Ngunit hindi sila nagtagumpay na kunin ito. Walang nakakaalam kung ano ang taglay nitong kapangyarihan at hindi nila alam kung ano ang Amulet na nasa aming pag-iingat.

Nakabuti rin na hindi ako nakilala ng mga kawal, dahil baka ngayon ay patuloy nilang kukunin ang Amulet.

Kaya ko gustong pumunta sa Titania, upang magsanay at muling ibalik ang aking Ina at Lolo sa kanilang tunay na anyo.

"Pababagsakin ko ang Imperyong ito, at ibabalik sa dati ang lahat.

***

"Ikaw!, pumaharap!, sigaw ng kawal sa akin

" Pagkakataon nga naman ako pa talaga ang na-una", sa isip ko.

Naisip ko ang batang Orde na kasama namin. Paano kaya siya makakaligtas sa larong ito. Sa pagkakaalam ko pa naman mahina ito at walang taglay ni kahit katiting na kapangyarihan. Iwinaksi ko siya sa aking isipan at itinuon ang aking pansin sa palapit na bata. 

"Ito marahil ang aking makakalaban", napangisi ako.

"Umpisahan na ang palaro", sigaw ng kawal.

Sumugod agad ang bata at binigyan ako ng malakas na suntok sa aking panga. Tumilapon ako dahil hindi ko inaasahan ang biglaang  pag atake nito.

Palapit na naman ito. Tumayo ako at akmang iiwas ngunit hindi ko nagawang umiwas kaya sinalag ko na lamang ang suntok nito.

Tumilapon ulit ako, at napaluhod dahil sa sakit na dulot ng kanyang suntok. Para itong napakatigas na bato. Marahil nagagawa niyang patigasin na sintigas ng bato ang kanyang kamao at iyon ang kanyang kapangyarihan.

Wala akong balak gamitin ang aking kapangyarihan. Ngunit kung susumahin dehado ako kung pisikal na lakas lamang ang aking gagamitin.

Iingatan ko nalang na hindi nila malaman na sa singsing ko nang gagaling ang aking kapangyarihan, sa isip ko.

Akmang susugod ulit ito, iniamba ko na ang aking kanang kamay na may suot ng singsing. Iindahin ko muna ang suntok niya upang isagawa ang aking plano.

TitaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon