Chapter 26 - Night Monster

2.4K 85 0
                                    

Mira POV

"E--eos!" sigaw ko

Kasabay ng pag angat ng katawan ni Eos ay ang panunumbalik ng aking pang amoy. Naamoy ko ang pamilyar na amoy na ito.

Hindi nga ako nagkamali mga Demo ang kalaban namin. Agad kong inilabas ang puting bato.

"Litus salba de in!" sigaw ko sapat na upang makita ang mga kalaban at sa tantiya ko'y nasa lima sila.

Agad kong inihanda ang aking tungkod. Nakita ko ang isa na palapit sa puting bato na inihagis ko. Balak niya siguro itong sirain ngunit inunahan ko ito.

Ginamit ko ang aking tungkod at nagpalabas ng soil golemn. Inatasan ko itong tapusin ang Demo na lumapit dito hindi naman ito nabigo dahil bukod sa soil golemn na pinalabas ko ay pinagalaw ko rin ang mga ugat ng puno na malapit sa akin saka pinuluputan ang mga paa ng kalaban.

Liningon ko si Eos at tagumpay rin nitong nalupig ang dalawa sa mga kalaban.

Sa hindi ko inaasahan ay agad nagpakawala ng isang malaki at matulis na yelo papunta sa akin. Haharangan ko sana ngunit naamoy ko ang amoy ng Demo kaya naman hindi ako umilag.

Lumapit ako sakanya.

"Salamat" atas ko.

"Apat lang ang napatay natin tiyak na nakatakas ang isa kaya kung mamalagi pa tayo dito ay baka hindi lang limang Demo ang kakalabanin natin" saad niya.

Napatango ako.

"Ngunit kung itutuloy natin ang paglalakbay ay baka mas lalo tayong malagay sa panganib"saad ko.

"Kumapit ka sa akin" saad niya.

"Pansamantala ay gagamitin ko ang aking kapangyarihan"

Hinahawakan ko ang kanyang balikat, at unti-unti ay hindi ko na maaninag ang pang ibabang parte ng katawan namin.

"Magtatago muna tayo sa dilim hanggat hindi sumisikat ang liwanag"atas nito.

***

Hindi ko namalayang nakatulog kami sa ganong ayos. Nakahawak ang isa kong kamay sa kanyang balikat. Hindi ko ito makita ngunit nararamdaman ko ang init ng kanyang katawan.

"Eos!" niyugyug ko siya upang gisingin. Tinanggal ko ang aking pagkakahawak sa kanya at naglabas ako ng makakain namin.

"Saan na tayo patungo? Ngayon na ang huling araw at dapat mahanap natin ang iba pa." panimulang saad nito.

"Ang mga halaman ng dangha ay kalimitang nakikita sa pagitan, at kadalasan doon namamalagi ang mga Zephir. Doon tayo tutungo at pagkatapos ay papasukin natin ang teritoryo ng mga Purga upang kunin ang mga huling sangkap." sagot ko.

Pagkatapos naming kumain ay agad naming ipinagpatuloy ang paglalakad.

"Kumapit ka muna sa aking balikat upang hindi tayo agad makita ng mga Demo" saad niya.

"Mukhang natauhan na ang isang ito" sa isip ko.

"Ikaw na lamang ang humawak sa aking balikat upang ako ang mauna, dahil sa tingin ko'y mas alam ko ang pasikot sikot dito sa Hellux" suhestyon ko, tumalima naman ito at hinawakan ang aking balikat.

Sa aming paglalakbay ay walang ni isang nagbalak basagin ang katahimkan kaya naman itinuon ko na lamang ang aking pansin sa daanan.

"Mabuti naman kung gayon upang hindi kami magkainisan" sa isip isip ko.

Makalipas ang ilang oras.

"Nandito na tayo sa pagitan" saad ko ngunit wala akong narinig na tugon.

"Pwede mo na akong bitawan" dugtong ko. Binitawan naman niya ako, kaya agad kong inilabas ang sisidlan. Kumuha ako ng katas ng dangha, ang katas nito ay unti unting nagiging solido paglipas ng araw at mawawalan na ito ng bisa kapag tuluyan na itong tumigas. Inilibot ko ang aking paningin. Saktong may Zephir sa isang puno, tinignan ko ang ibabang bahagi at hindi naman ako nabigo.

Ang Zephir ay isang maliit na uri ng ibon, kulay asul ang balahibo at ganun rin ang kanyang tae. Agad kong pumulot at inilagay sa aking sisidlan.

Ngayon para sa huling mga sangkap ay dapat naming pasukin ang teritoryo ng mga Purga.

Damong may kulay ng bahaghari, kapag tuluyang nalanta ito ay nawawala ang malabahaghari nitong kulay kaya naman dapat na makompleto namin ang mga sangkap pag katapos ng ilang araw. Tubig mula sa bukal ng Hagus, balahibo ng ibong bayawak, at hibla ng buhok ng isang Purga.

"Makakaya naman siguro naming kumuha ng buhok ng Purga gamit ang kapangyarihan ng lalaking ito"sa isip ko.

Agad kaming nakakuha ng damong may kulay ng bahaghari, mahabang lakaran uli at nakarating rin kami sa bukal. Namahinga saglit at pinagisipan kung saan makakakita ng ibong bayawak, batay sa kwento ni Lola Eleo ay kalimitan namamalagi ito malapit sa pagitan ng Hedo at Purga. Ngunit nangangamba akong mapunta roon.

Wala paring imik ang kasama ko, kaya naman ipinagpatuloy na namin ang paglalakad.

***

"Alam mo ba ang pupuntahan natin o hindi? Kanina pa tayo paikot ikot dito ah." si Eos.

Pagod narin ako kaya naman kumikitid rin ang pasensya ko.

"Hindi tayo pumunta rito upang manghuli ng maamong tupa, kaya kung sana'y maghanap ka edi sana'y mas mapapadali ang ating paghahanap" kunot noo kong saad.

"Ganun? E ano sa tingin mo ang ginagawa ko?"

"Reklamo ng reklamo!" saad ko sana sa magiting na lalaki ngunit iniba ko nalamang.

"Sa halip na mag away tayo, ituon mo nalang ang pansin mo sa paligid." saad ko.

Dahil sa ingay namin ay tila may nakaulinig na iba.

"Ilag" magkasabay naming sambit at gumawa ng sariling panangga upang hindi tamaan ng mga nagliliparang mga palaso.

"Nalintikan na, mga Purga!" bulong ko.

"Kasalanan mo ito e, kung hindi mo sana ako inaaway at hindi ka maingay---"

"Hindi oras ng sisihan ngayon, ang problemahin mo ay kung paano tayo makakatakas sa mga ito" saad ko.

Minsan na akong nakipaglaban sa mga Purga ngunit ang isang iyon ay tila baguhan lamang kaya madali kong nagapi, subalit ang lider nila ay sadyang malakas.

Nang makita namin ang pinanggagalingan ng mga palaso ay nasindak ako sapagkat may mga batang Purga roon at maging mga malalaki na. Habang linalantakan ang sariwang karne ng bayawak.

"Mukhang nagawi tayo sa kumpulan ng mga Purga!" si Eos.

"May bago tayong pagkain mga kasama! Amoy ng mga taga labas!" malakas na saad ng isa.

"Ilag" muli ay nagpakawala sila ng nga palaso.

"Kumapit ka sa akin" saad nito, at sa tantiya ko'y tatakas kami.

"Hindi, pagkakataon na natin upang makakuha ng balahibo ng ibong bayawak at buhok ng Purga" kontra ko.

"Kaya't pilitin nating makakuha bago tayo tumakas" saad ko.

Kaya naman napalaban kami sa mga kampo ng Purga.

iammrlee

TitaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon