Chapter 41 - Unforseen Attack II

1.8K 70 0
                                        

Brando POV

Kasalukuyan kaming naguusap nina Serdon ng may sumulpot na piraso ng tela sa aming harapan.

"Ano iyan?" tanong ni Heneral Diokno at agad humugot ng espada.

"Pamilyar ang piraso ng telang ito. Galing ito sa aking apo, marahil may mensahe siyang nais ipagbigay alam" si Serdon saka hinawakan ang tela.

Nanahimik ang lahat. Ilan sandali pa'y nakarinig kami ng mga sigawan.

"Sinasalakay tayo! Maghanda ang lahat!" sigaw ni Serdon at agad tumayo.

"Diokno, Brando, Dilan pamunuan niyo ang ating kasamahan. Emilia alam mo na ang iyong gagawin." agad na utos ni Serdon.

Agad kaming tumayo. Sinilip ko ang maliit na giwang ng harang sa aming kuta dahil tila may nagpupumilit na sirain ito.

Paanong nalaman ni Partisan maging ang kuta namin sa likod ng talon. Wala pang ilang sandali ay nasira ang pader ng aming kuta. Agad kong pinagalaw ang aking anino palapit sa nilalang saka walang pagaatubiling tinanggalan ng hininga.

Habang ang iba'y lumabas upang labanan ang mga pangahas na sumalakay.

"Mga kasama huwag silang hayaang makapasok dito!" saad ko saka tumakbo palabas kasunod sina Heneral Diokno at Dilan.

Kasalukuyang nakikipaglaban ang mga naatasang magbantay sa labas habang ang iba'y sugatan. Nakasakay ang mga kalaban sa mga malalaki at kulay itim na ibon.

"Patamaan ang mga ibon!" utos ko at bumunot ng palaso saka iniumang ang aking pana sabay pakawala.

"Tulungan niyo ang mga nasa baba! Magiingat kayo!" sigaw ko.

Agad namang tumalima  ang ilan at ang ilan ay nanatili sa kanilang pwesto.

"Ipagpatuloy niyo lang ang pagasinta!" saad ko.

Nasa himpapawid ang mga kalaban kaya't ang iba sa aking mga kasama ay nahihirapang makipaglaban.

"Emilia! Sa taas mo!" sigaw ko habang ginagamot nito ang ilan sa aming mga kasamang sugatan.

Nagpalabas naman si Serdon ng kapangyarihan dahilan ng pagkatilapon ng ibon.

"Dinadagit nila ang ilan sa ating mga kasamahan! Huwag niyo silang hayaan makatakas!" sigaw ni Serdon saka pumailanglang sa ere. Habang ang ilan sa mga ibon na may nadagit na ay umaalis at tumatakas.

Pinahaba naman ni Dilan ang mga kamay nito upang iligtas ang dalawa naming kasamahan.

Iilan lamang ang may kakayahang lumipad sa amin kaya't iilan din lang ang nakikipaglaban sa himpapawid kabilang na doon si Serdon. At unti unti silang nalalagas.

Habang sa malayo ay nakikita ko ang dalawang nilalang na magkapanabay na lumilipad patungo sa aming kinaroroonan. Nakakatiyak akong sina Shana iyon dahil sa kulay ng kanilang kasuotan.

***
Shana's POV

"Masama ito, mukhang sinugod narin nila ang kuta!" galit kong saad.

"Si Lolo!" saad ko ng makita ko itong nakikipaglaban sa himpapawid habang unti unting nalalagasan ito ng kasamahan.

Hindi lahat sa amin ay may kakayahang lumipad kaya't hati ang aming pwersa. Agad kaming nagtungo sa taas kung saan nakikipaglaban ang ilan sa aming mga kasamahan.

"Bakit?" tanong ko ng agad tumigil si Reen. May inilabas ito sa kanyang bulsa at saka inihagis sa lupa.

Sa halip na bigyang pansin ay agad akong lumipad palapit sa aking Lolo.

"Lolo kamusta ang iba?" agad kong tanong.

"Ang iba'y dinagit ng mga ibon na sa tingin ko'y gagawing bihag ni Partisan" tugon nito. Mas lalong kumunot ang aking noo.

Agad din akong lumayo upang iwasan ang pinakawalang atake ng kalaban.

"Shana! Magtungo ka sa baba upang tulungan si Emilia na gamutin ang mga sugatan ako ng bahala rito" saad ni Lolo.

"Ngunit---" sasagot pa sana ako dahil tatatlo na lamang kaming natitira sa ere at nakikipaglaban.

"Sige na" aniya.

"O-opo!" sagot ko at lumipad pababa.

Tinungo ko ang mga nakahandusay namin kasamahan.

"Shana!" si Brando.

"Tutulong ako sa panggagamot" tugon ko saka tumingala sa kalangitan.

"Anong nangyayari. Kagagawan rin ba ito ng kalaban?" saad ni Brando dahil sa mabilis na pagtubo at paglaki ng mga halamang ugat.

Maging ako'y nagtataka dahil sa pagsulpot ng mga naglalakihang mga halamang ugat.

***
Serdon POV

"Saan nanggaling ang mga halamang ugat na ito"

"Serdon!" saad ni Reen  patungo sa akin.

"Ikaw ba ang may kagagawan sa mga halamang ito?" bungad ko sa dalaga, ngunit tila hindi nito narinig.

Pinagmasdan ko ang himpapawid wala na ang mga ibon, sa tingin ko'y umalis na sila dala ang ilan sa aming kasamahan.

Sinundan ko si Reen pababa.

"Ikaw! Siguradong ikaw ang nagsabi sa mga kalaban kung saan nakatago ang kuta namin" sigaw at pabintang saad ni Diokno.

"Diokno! Hindi ito oras ng pagbibintang!" galit kong saad.

"Ngunit simula ng dumating siya'y nagkagulo at---" saad nito.

"Matatandaan nating hindi siya kundi ikaw ang may pakana ng pagkalason ng iba sa ating kasamahan. Kaya't maari ring ikaw ang pagbintangang traydor sa ating grupo" galit ko ng saad dahilan upang hindi ito nakapagsalita.

"Si Partisan ang ating kalaban. Isa siyang makapangyarihang nilalang. Sa tingin niyo'y hindi siya makagagawa ng paraan upang tuntunin ang kanyang kalaban" seryosong saad ni Reen.

"Susugod ako sa Imperyo. Ngunit kailangan kong malaman ang direksyon, maari niyo bang ipagbigay alam sa akin" dugtong nito.

"At nagtatapang tapangan kang susugod sa kuta ng kalaban. Ano namang magagawa ng isang Orde?" sabat ni Diokno.

"Kung gayon maari ka bang sumama sa akin Heneral Diokno upang ituro ang daan at ipakita sa akin ang tapang ng isang Heneral" sagot ni Reen.

"A---at bakit ko namang gagawin iyon" saad ni Diokno.

"Bakit natatakot ka bang mapaslang ko" direktang saad ni Reen saka ibinuka ang kanyang mga pakpak.

"Ako! Sasama ako!" saad ni Shana.

"Shana! Delikado ang pagsugod ng walang magandang plano!" saad ko.

"Sa tingin mo Lolo ay may magagawa tayong magandang plano kung isa sa atin ay traydor" tugon nito, hindi ako nakasagot.

"Halika na Reen" saad ni Shana.

"Sasama rin ako" si Brando.

"Ako" saad rin ni Dilan.

"Wala na bang ibang gustong sumama" tanong ni Shana.

"Susunod ako" saad ko ito'y upang siguraduhin na may sapat na lakas  ang iba bago ang paglusob.

"Sige Lolo. Aasahan ko ang iyong suporta" saad ni Shana.

Magkasama sina Brando at Shana habang hawak-hawak naman ni Reen si Dilan.

"Magiingat kayo!" saad ko bago sila lumipad patungo sa Imperyo ni Partisan.

iammrlee

TitaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon