Mira POV
Apat na purga agad ang humarap sa amin at sa tantiya ko'y hindi sila basta basta. Habang ang iba'y nanonood lamang.
Dalawa laban sa isa
"Magingat ka bihasa ang mga purga sa paggawa ng lason at sa tingin ko'y pati ang mga palasong nagliparan kanina ay may lason" banta ko, ngunit tila hindi niya ito narinig.
Sumugod na ang mga Purga kaya't napilitan narin kaming umatake.
Agad kong inilabas ang aking tungkod at humanda sa paparating na kalaban. Mukhang mas malakas ang mga ito kumpara sa purgang ibinaon ko sa lupa.
Napakunot ako, hindi patas ang laban dahil isa laban sa dalawa.
Nagpalabas ako ng soil golemn upang katulong ko. Kumpara sa mga Demo ay mas maliksing kumilos ang mga Purga kaya naman mapapalaban talaga kami.
Naglabas ng espada ang dalawa kong katunggali.
Wala akong espada kaya naman hindi ko magawang makipagmano mano sa dalawa.
Pinakiramdaman ko ang lupa at inatasan ang mga ugat ng puno upang sila ang aking maging kasangga.
"Siya ang babaeng tinutukoy ni pinuno, kailangan siyang paslangin at ialay ang ulo sa ating
Master!"sigaw ng isa."Kung kaya niyo!" maangas ko ring sambit. Liningon ko si Eos at kasalukuyan rin itong nakikipaglaban.
Umatake agad ang mga kalaban kaya naman inatasan ko ang aking soil golemn na ginawa ko upang harangan ang isa.
"Ngayon na!" saka ko pinahaba ang mga ugat ng puno. Ngunit nagpalabas ang purga ng lason na siyang dahilan upang hindi ko mapalaki ang mga ugat.
Naghanap ako ng pwedeng gamitin ngunit tila naglantaan ang lahat ng puno sa lugar dahilan upang hindi ko sila magamit.
Nagpalutang ako ng mga tipak ng lupa saka ko pinakawalan sa mga kalaban ngunit tila hindi nila ito ininda. Maging ang soil golemn ko ay nabalutan na ng likodong may lason.
Masama ito.
Samantala....
Third Person POV
"Ice Sword!" saad ni Zacheos at may lumabas na espadang nag yeyelo.
Habang ang mga purga ay naglabas rin ng kani kanilang armas.
Nakipagespadahan si Zacheos sa mga ito. Nagpakawala naman ng bolang itim ang isa patungo sa lalaki. Ngunit pinatigas lamang ito ng binata at nahinto sa ere.
Habang ang isa ay abala sa pagatake kay Zacheos. Lumayo ng bahagya ang dalawang purga at magkasabay na nagpakawala ng bolang itim. Ngunit gaya kanina ay pinatigas lamang ni Zacheos.
Muling sumugod ang isa sa kanyang harapan habang ang isa ay sa gawing likuran.
Kaya naman sumugod na magkasabay ang dalawa.
"Ice Spear!" saad ni Zacheos saka ibinato sa isang purga sa gawing harapan, sinangga naman nito.
Habang ang isa ay sa likod umatake at gumawa ulit ng spear si Zacheos saka inihagis sa kalaban. Ngunit naiwasan nito.
Tila nainis ang isa, kayat nagpakawala ng itim na likido. Napakunot noo si Zacheos dahil hindi niya mawari kung ano ang gagawin ng isa. Ngunit hindi niya muna ito binigyan pansin saka dumepensa sa isa nitong kalaban.
Tila sana'y na sana'y ang mga purgang ito sa pakikipaglaban.
Nilingon nito ang babaeng kasama at gaya niya ay abala rin ito sa pakikipaglaban.
Agad nagisip ng paraan ang lalaki upang matapos na ang laban. Dahil tiyak na kung tatagal pa ito'y malalagay sila sa alanganin.
Ginamit nito ang kanyang kapa at agad naglaho. Naalerto naman ang mga kalaban sa biglaan nitong pagkawala.
"Maging alerto kayo!" sigaw ng isa.
At sa ilang sandali'y lumitaw ito sa likod ng isang purga.
"Sa likod mo" utas ng isa.
Tila nakahanda naman ito at binugahan ang lalaki. Hindi ito nagawang harangan ng binata kaya naman nalanghap nito ang hininga ng purga.
Nagtagumpay na makakuha si Zacheos ng buhok ngunit tila naparalisa ang buo nitong katawan.
"Eos!" sigaw ni Mira saka iminuwestra ang kanyang tungkod.
Agad umiwas ang purga na may kagagawan ng pagkaparalisa ng lalaki.
"Eos!" muli nitong saad at agad lumapit dito.
"Hindi ko magalaw ang buo kong katawan" nahihirapang sambit ni Eos.
Tila alam na ni Mira na mangyayari ito, may inilabas ito at ipinaamoy sa lalaki.
"Buti na lang at nadala ko ang gamot na ginawa ni Lola Eleo pangontra sa lason na dulot ng mga purga. Sapagkat minsan ko nang nakasagupa ito at muntikang mapahamak"
Agad nitong pinalanghap sa lalaki at pinakiramdaman ang paligid.
"Soil Shield" atas nito dahil sa mga nagliliparang mga palaso. Ngunit si Zacheos lamang ang napunta sa loob habang hinarap ni Mira ang mga Purga.
"Kailangan kong makakuha ng balahibo ng ibong bayawak." saad nito.
"At kung kinakailangan kong gamitin ang lahat ng lakas ko ay gagawin ko" saad nito at sinapo ang kanyang dibdib.
Salamat sa pagbasa :) Till the next chapter. Sana po iboto niyo ang work ko na ito.
iammrlee
BINABASA MO ANG
Titania
FantasiaLong ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...