Chapter 34 - Way out

2K 78 0
                                        

Mira Pov

"Mira umalis kana dito habang abala ang mga halimaw sa paglaban sa ginawa kong higante" sigaw ni Lola Eleo.

"Ngunit paano po kayo?" tanong ko.

"Kaya ko ang sarili ko, magtungo ka sa pagitan ng Purga at Hedo. Doon tayo magkikita" saad ni Lola Eleo.

Hinintay ko ang sinyales ni Lola Eleo, itinaas ni Lola Eleo ang kanyang tungkod at pinasunod ang higante. Hinawi nito ang mga halimaw sa aking daraanan.

"Sige na!" sigaw nito.

"Opo" agad akong tumakbo ng matulin. Ngunit hindi pa ako nakakalayo ay may mga Demo na humarang sa aking harapan.

Wala sa akin ang aking tungkod at hindi ko pa gamay ang paggamit ng panibago kong kapangyarihan na bigay ni Lola Eleo.

Kumuha ako ng palaso saka inisinta ang isa sa mga Demo. Pinakawalan ko ito direkta sa halimaw. Ngunit hindi man lang tinablan ang kanyang balat.

Hindi uubra ang aking palaso sa makunat na balat ng mga ito. Maging ang talim ng aking espada.

Inisip kong bumalik ngunit napapaligiran na pala ako ng mga halimaw.

Wala na akong magagawa kundi gamitin ang bigay ni Lola Eleo. Pinagmasdan ko ang mga natirang puno sa paligid, sa pamamagitan ng kapangyarihang ipinagkaloob ni Lola Eleo ay sinubukan kong pagalawin ang mga ito.

Natuwa ako ng maramdaman ko ang paggalaw ng mga ugat sa aking paligid.

Agad ko silang pinakilos upang atakehin ang mga Demo. Hindi ako nabigo, lumaki ang mga ito at hinambalos ang mga papalapit na halimaw.

Ilan pang sandali ay naramdaman ko ang pag iba ng mga ugat. Nahihirapan akong kontrolin ang mga ito. Kaya naman naisipan kong gumawa ng mga matutulis na lupa. Ngunit hindi ko magawang patigasin sapagkat agad din itong nasisira.

"Anong nangyayari?" tila may ibang nilalang ang may kagagawan nito.

"Ikaw pala ang pangahas na naninirahan sa aking teritoryo" tinig ng isang babae.

"Sino ka! Magpakita ka!" mula sa mga kumpol ng mga Demo ay lumitaw ang isang babae. Mababanaag na ang katandaan nito. Ngunit anong ginagawa nito sa kumpol ng mga Demo at ni hindi man lang siya inaatake ng mga ito.

Ito kaya ang kanilang pinuno. Manaka naka'y biglang kumilos ang mga halimaw.

"Masama ito" dahil kaya niyang harangan ang kapangyarihan ko. Ngunit sinubukan ko pa rin, gaya ng dati ay hindi sumunod ang mga ugat ng puno.

Napapansin ko ang kakaibang indap ng aking kwintas ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang. Mas importante kung paano ko iisipin ang pagtakas sa mga ito.

Binunot ko ang aking espada. Tumawa naman ng malakas ang nilalang.

"Anong magagawa ng isang ordinaryong espada sa mga alagad ko!" sigaw nito.

"Napakahina mo para utosan ko ang aking mga alagad. Isang pag aaksaya ng panahon ang pagtugis sa iyo." saad niya.

Naghanda ako dahil papalapit na ang mga halimaw. Hindi ako mamatay ng hindi lumalaban kaya tumindig ako.

Ngunit wala pang ilang sandali ay dumating si Lola Eleo at hinawi ang mga halimaw.

"At sino kang pangahas? Kasamahan ka ba ng nilalang na ito?" tanong ng lider ng mga halimaw kay Lola Eleo.

Nang mahawi ang alikabok na dulot ng pag atake ni Lola Eleo ay muling nagsalita ang babae.

"Eleo!" gulat nitong sambit ngunit agad din itong nanunbalik sa kanyang pagkakangisi.

TitaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon