Makalipas ang ilang araw na pamamalagi ko sa kuta nina Serdon. Batid kong ang iba ay hindi tanggap ang naging hatol ng kanilang pinuno sa akin dahil mangilan ngilan lamang ang tila tanggap ako, ang iba'y iwas parin na makisalamuha sa akin.
"Serdon tila mas lalong lumalala ang sitwasyon ng iba nating kasamahan. Tila may kakaibang salamangka na siyang nagpapanumbalik at nagkakalat ng sakit" dinig ko ang paguusap ni Serdon at isa sa kanyang mga kasama.
"Magandang umaga po" bati ko ng mahagip ako ng paningin ng dalawa.
"Siya! Sa tingin ko'y siya ang nagdala ng sakit dito! Dahil ng nandito na siya ay nagumpisa naring magkasakit ang iba nating mga kasamahan!" turo nito sa akin.
"Ano pong nangyayari?" gulat kong tanong.
"Huwag ka ng magkaila babae. Dahil isa kang espiya ni Partisan kaya nagkakasakit ngayon ang iba sa aking mga kasama" galit nitong saad, naningkit ang aking mga mata.
"Huwag sana kayong mambintang ng walang sapat na batayan. Ano ba kayo dito?" saad ko.
"Ha! Hindi mo ako kilala? Isa ako sa mga nakatatanda na kaisa sa nagtayo ng gropung ito at naatasang maging punong heneral!" mapagmataas nitong saad.
"Gayon ba? Sana'y patunayan mo ang iyong naging ranggo. Dahil inaasahan ng nakakarami na ang kanilang pinuno ay may sapat na kakayahan sa pagpataw ng anu mang desisyon" saad ko saka tinungo ang mga nagkasakit na kasama nito.
"Nasaan ang mga maysakit" tanong ko sa nakasalubong ko.
"Dinadala na sila sa iisang silid upang maobserbahan" tugon niya.
Nasa labas ang mga ito dahil liban sa kuta nila sa likod ng talon ay meron din sa iba pang bahagi malapit lamang dito na nagsisilbing bantay tuwing gabi. At ngayon ay inililipat nila sa isang silid. Sumunod ako upang alamin ang mga kaganapan.
"Ano pong nangyayari?" tanong ko sa isang babae na siyang gumagamot sa mga ito.
"Pagkatapos ko silang gamotin kahapon ay gumaling sila ngunit pagsapit ng umaga'y nagbalik ulit ang kanilang sakit. Hindi ko matukoy kung anong salamangka ito pero hindi naman ito malala dahil tumatalab pa naman ang aking kapangyarihan. Ngunit kung magpapatuloy ito ay posibleng makaapekto ito sa atin dahil hindi tayo magiging handa sa ano mang pag atakeng magaganap at posible ring manghina ang mga kapangyarihan ng mga tulad kong may kakayahang magpagaling." mahaba nitong tugon.
Pinagmasdan ko ang mga naapektuhan ng sakit.
"Sinuri niyo na ba ang posibleng dahilan ng kanilang pagkakasakit" tanong ko.
"Halos lahat ng mga nagkakasakit ay galing sa kuta sa labas. Sa hukbo ni Heneral Diokno." saad nito na ang tinutukoy ay ang matandang nakausap ko kanina.
"Sige maiwan muna kita." paalam ko. Nagpunta ako sa labas at tinungo ang lungga ng matandang Heneral.
"Anong ginagawa mo dito" bungad sa akin ni Brando. Nakabandana ito ngunit naulinigan ko ang kanyang boses at pigura.
"Pwede bang makita ang kuta ng mga nagkasakit na kasamahan niyo" paghingi ko ng pahintulot.
Ngunit hindi ito sumagot sa halip ay iba ang sumagot sa akin.
"Pasok ka" saad ng babaeng kasamahan nito.
"Shana! Hindi natin alam kung---" si Brando.
"Hindi ko na kailangang patunayan ang aking katapatan dahil wala akong balak makisapi sa inyo" putol ko sa kanyang sasabihin.
"Halika" si Shana. Naglakad ako papasok habang ramdam kong nakasunod ang matatalim na titig ni Brando.
Madilim ang loob ngunit wala naman akong naramdamang kakaiba.
"Wala bang ilaw dito" tanong ko.
"Wala. Dahil nagsisilbing bantay ito tuwing gabi at maaring maaninag ng kalaban. Ang tanging nalalagyan ng liwanag ay ang silid na iyan na nagsisilbing tulugan at pinupuntahan ng mga nilalamig." turo nito sa isang silid.
"Pwede bang pumasok" paghingi ko ng pahintulot.
"Sige" saad niya saka ko tinungo ang silid.
***
Lumabas na ako sa silid at tinungo ang daanan patungo sa talon.
"May nakita ka bang kakaiba" sarkastikong saad ni Brando ng tuluyan na akong nakalabas ng kuta. Linagpasan ko ito at hindi sinagot.
"Hoy babae! Kinakausap kita." sigaw nito at bigla akong napatigil na tila naparalisa ang aking mga paa.
"Ngayon magsalita ka, Orde." saad nito habang nararamdaman ko ang presensya niya palapit sa aking kinatatayuan.
"Anong ginawa mo sa akin?" tanong ko.
"Sabihin na nating isa ito sa aking kapangyarihan" sarkastiko nitong tugon
"Humarap ka" utos nito at kusang sumunod ang aking mga paa.
"Nagtataka kaba?" nakangisi nitong saad.
"Ano-ng gi-nagawa mo sa-a aki-n" nahihirapan kong sambit dahil tila may humaharang sa hangin na siyang dahilan upang hindi ako makahinga.
"Kontrolado ko ngayon ang iyong katawan babae. Kaya't magagawa ko lahat ng gustuhin ko sa iyo" nakangisi niyang saad.
Pinagmasdan ko ito at bahagyang napansin ang ibang porma ng kanyang anino na siyang dumikit sa aking anino.
"Kaya kong manipulahin ang lahat ng parte ng iyong katawan ngayong napasailalim ka sa aking kapangyarihan." saad niya.
Kung gayon ay parte lamang ng aking katawan ang kaya nitong manipulahin. Ang aking kanang mata ay hindi parte nang aking sistema kaya't malaya ko itong magagamit laban sa kanya.
Kinontrol ko ang mga alikabok sa lupa at isinaboy sa kanyang mga mata ng wala itong kaalam alam.
Bahagya itong napapikit at kinusot ang mga mata. Gumawa ako ng matigas na lupa saka kinontrol at ipinukpok sa kanyang leeg. Nawalan ito ng malay kayat nakawala ako sa kanyang pagkakabihag.
"Huwag mong maliitin ang iyon kalaban at huwag na huwag alisin ang atensyon sa gitna ng labanan" bulong ko saka nilisan ang lugar.
***
"Serdon papatagalin pa ba natin ito. Maliwanag naman na pagdating ng babaeng iyon dito ay nagumpisa ng magkasakit ang iba nating kasamahan" saad ni Heneral Diokno.
"Magtigil ka Diokno. Huwag mong pairalin ang iyong walang batayang husga." sagot ni Serdon.
"Mawalang galang na po ngunit may gusto lamang sana akong sabihin" saad ko sa gitna ng pagpupulong ng mga nakakatanda.
"Hindi mo ba nakitang may pinaguusapan kaming mahalagang bagay. Hindi ba pwedeng ipagpaliban ito, isang kabastusan" pasaring nito sa akin.
"Tayo ay naririto sa kabilang dimensyon dahil sa mga nagawa nating kasalanan. Iyon ba ang nilalang na alam ang kahulugan ng kabastusan" sagot ko, na siyang nakapagpatahimik sa kanila.
"Kung itunuturing mo akong espiya at kalaban sana'y kayo na ang una kong pinatumba" dugtong ko.
"Ano ang iyong sasabihin Reen?" pukaw ni Serdon.
"Napag-alaman kong marahil ang ginagamit na kahoy ng inyong mga kasama ang nagdudulot ng pagkakasakit ng mga ito dahil sa kakaibang usok na dala nito. Ito ang aking naobserba kaninang pumunta ako sa labasan sa silid ng mga bantay. At nagdala ako ng kahoy na katulad ng mga ginagamit nila tuwing gabi, upang patunayan ninyo kung totoo ba ito o hindi" saad ko.
"Kaya't suhestyon kong maging mapanuri kayo sa mga kinukuha niyong kagamitan dahil maraming buhay ang nakasalalay." tinignan ito ng mga nakakatanda.
"Galing ito sa isang nakakalasong puno" saad ng isa.
"Ito ba ang inyong ginagamit Heneral Diokno? Hindi mo ba batid na ang kahoy na itoy nakakalason?" dugtong nito. Hindi nakapagsalita si Heneral Diokno.
"Paumanhin sa nagawa kong abala. Maari niyo nang ituloy ang inyong pagpupulong" sabat ko saka umalis.
***
iammrlee
BINABASA MO ANG
Titania
FantasyLong ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...