Chapter 18 - Given Power

2.5K 99 3
                                    

Mabigat ang aking pakiramdam habang nakahiga. Iminulat ko ang aking mata at tumambad sa akin  si Hiko.

"Kamusta" bati ko rito. Umalis  naman agad ito sa aking harapan at nahiga sa aking tabi.

Inapuhap ko ang aking mukha dahil kanina ko pa napapansin na may kung anong mga nakatapal rito.

"Huwag mo munang alisin ang mga yan dahil hindi  ka pa masyadong magaling" bungad ni Lola Eleo na may hawak na mga pagkain.

Magaling? Sa ala ala ko hindi naman ako nagkasakit maliban nalang kung, " Ang mata ko!" biglaang saad ko at nanlumo dahil sa ala ala ng pagkawala ng aking mata.

"Huwag kang mag alala, bukas pwede mo ng tanggalin ang mga inilagay ko at makakakita ka nang muli"

"Po?"

"Pinalitan ko ang iyong mata, matagal ko ng gustong gawin iyon kaya lang hinintay ko ang paghina ng katawan mo upang hindi mo gaanong maramdaman ang sakit at tanggapin ng sistema mo ang matang ipapalit ko. Halos isang linggo na ang nakakaraan at mukhang mabilis ang iyong paggaling. Kumain ka muna upang madaling manumbalik ang iyong lakas."mahabang saad ni Lola Eleo.

Isang linggo na pala akong walang malay.

"Ka-kaninong mata po ang ipinalit niyo?" wala sa isip kong natanong.

"Isa iyang artipisyal na mata ngunit ang ginamit ko ay ang totoo mong mata upang paganahin ito. Kaiba ito sa dati mong mata sapagkat hindi na ito konektado sa iyong emosyon. At hindi mo  mararamdaman ang sakit nito dahil ang kakayahan lamang nito ay bigyan ka ng paningin." saad nito.

"Ganoon po ba"

"Oo"maikling tugon ni Lola Eleo saka inilapag ang mga pagkain hawak nito.

"Sa-salamat po" tangi ko na lamang nasambit.

Nagagalak ako dahil kahit nawalan ako ng pamilya ay may mga nilalang na nariyan upang tulungan ako at iparamdam na hindi ako nag iisa.

***

Kakaiba ang pakiramdam ko sa batang ito at maging ang hayop na kasama nito. Siya na ba ang hinahanap ko.

Malapit na, nararamdaman ko na ang unti unting pagsingaw ng kanyang kapangyarihan. Unti unti ng napuputol ang selyo. Nalalapit na ang muling pagtutuos.

***

Wala si Lola Eleo, napagdesisyonan kong umalis at magpunta sa kakahuyan tutal kaya ko ng isara at buksan ang pintuan ng punong nagsisilbing tirahan namin ni Lola Eleo sa pamamagitan narin ng tungkod na bigay nito.

Isinukbit ko ang kalawit ng tungkod sa aking balikat sapagkat hindi naman ito kahabaan.

"Hiko", nauna na itong lumabas pagkatapos kong buksan ang pintuan.

Nagtungo kami sa kakahuyan kung saan ako nagsasanay noon. Hindi ako nagpaalam kay Lola Eleo kanina ngunit sa tingin ko naman ay papayag siya.

Mukhang nagbago ang anyo ng kakahuyan. Ngunit isinawalang bahala ko na lamang iyon.

Sa huli kong subok na paganahin ang kapangyarihan ng tungkod ay inubos nito ang aking lakas.

Muli ay susubukan ko at sasanayin ang sarili upang gamayin  pa ang kakayahan nito.

Napagtuunan ko ng pansin ang mga nalaglag na dahon sa lupa, dati naman ay malinis rito.

Kinuha ko ang tungkod  at idinantay ito sa lupang kinatatayuan ko. Pinag ibayu ko ang kagustuhan kong matuto.

Muli, naramdaman ko ang pagdaloy ng aking dugo. Ang pagkahigop ng lakas ko ngunit nanunumbalik rin habang dumadaloy pabalik ang enerhiyang nararamdaman ko.

Pumikit ako, Mira kaya mo to. Nakaramdam ako ng munting pagangat mula sa lupa. Minulat ko ang aking mata.

"Nagawa ko!" sa isip ko.

Unti unting umaangat ang mga nagkalat na dahon sa aking paligid at nagporma itong bilog at pinalibutan ako. Iginaw galaw ko ang tungkod at sumunod ang mga dahon. Itinaas ko ito at tumaas rin sila.

Napangiti ako. Pinagkumpol kumpol ko ang mga ito at nakagawa ako ng isang bola na gawa sa mga dahon sa paligid ko.

"Hiko pagmasdan mo, nagawa kong kontrolin ang mga dahon" saad ko.

Ibinato ko ito sa punongkahoy malapit sa akin.

"Ngayon naman susubukan ko sa isang ito" at itinuon ko ang aking pansin sa mga baging na nakapulupot sa mga puno.

Nagawa ko namang pahabain ang baging at ipulupot sa isang kahoy. Napangiti ako.

"Siguro iyan muna sa ngayon, bukas ulit. Hiko halika na," sambit ko ngunit sa paglingon ko ay unti unting nagbabago ang mga mata nito. Mula sa pagiging asul, nagiging pula ito at mukhang may pinapakiramdaman.

"Anong nangyayari Hiko?" tanong ko, kinabahan ako dahil sa kakaibang ayos ni Hiko.

Maya't maya ay may mga yabag akong naririnig at ang konting ingay mula sa pagkakaapak nito sa mga dahon sa paligid. Agad agad kong binuhat si Hiko at nagtago sa isang puno.

Wala pang isang minuto ay tumambad sa akin ang isang nilalang. Nakakatakot ang anyo nito na mukhang kumakain ng mga kagaya ko. Nagrigidon ang aking puso at hinawakan ko ng mahigpit ang aking tungkod. Pumikit ako at nanalangin na sana hindi ako mahagip ng kanyang paningin.

Ilang minuto akong nanatili sa kinalalagyan ko ng diko na matanaw ang kakaibang nilalang na iyon. Napagpasyahan kong manatili muna sa pinagtataguan ko sapagkat baka nariyan lamang siya sa paligid.

Napabalikwas si Hiko at humarap ito sa likod ko. Lumingon rin ako.

Naestatwa ako dahil nasa likod na pala namin ito.

Itinaas nito ang kanyang  sandata at handa na nito akong paslangin.

"Ahhhhhhhh" sigaw ko at iniharang ang aking tungkod.

Ilan pang sandali ang nakalilipas ngunit walang anumang nangyayari sa akin.

Ibinababa ko ang aking tungkod at unti unti kong iminulat ang aking mga mata.

Sa kabila ng aking takot at pangamba, nakita ko ang nilalang na natusok ito dahil sa mga ugat ng punong kahoy na nagsilbing taguan ko. Humaba ang mga ito at tumulis na siyang pumatay sa kakaibang nilalang.

Dali dali akong umalis sa kakahuyan, ito ba ang sinasabi ni Lola Eleo na hindi dapat ako umalis ng basta basta ng hindi nagpapaalam sa kanya.

Sa pagtayo ko ay agad akong naghanda dahil may isa pang nilalang sa likod ng puno.

"Magaling, nakaya mo ng gapiin ang kalaban at paganahin ang kapangyarihan ng tungkod"

"Lola Eleo!"

"Isa iyang Demo, hindi ko alam na nagpunta ka pala rito kaya naman hindi ako gumawa ng harang. Sa susunod ay huwag kang basta bastang umalis ng walang paalam. Mapanganib ang gubat at maging ang tirahan natin ay hindi ko masasabing ligtas" mahaba nitong saad.

"Pasensya po" mahina kong saad.

"Huwag kang humingi ng tawad, dahil kahit paano ay may mabuting naidulot, tignan mo at nagawa mo ng gamitin ang kapangyarihan ng tungkod."

"Halika na, bago pa man may ibang pumunta rito" pagtatapos nito.

iammrlee

TitaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon