Mira POV
"Hindi! Hindi! Ang kwintas ko!" ito ang mga katagang namutawi sa aking bibig ng muling bumalik ang aking kamalayan.
"Kamusta ang pakiramdam mo, Mira?" si Lola Eleo.
"Ano pong nagyari?" naguguluhan kong tanong habang kinakapa ang aking dibdib.
"Ang kwento ni Zacheos ay napalaban kayo sa mga Purga, at napinsala ka ng labis dahil sa pagliligtas mo sa kanya" saad ni Lola Eleo.
Tinignan ko si Lola Eleo, ang huling naalala ko lamang ay ang paghablot ng purga sa aking kwintas. "Paanong--- nakaligtas, kami?"wala sa wisyo kong tanong.
"Hindi ko alam, ngunit ang mahalaga ay nakauwi kayong buhay. Sa tingin ko'y mas dodoblehin nalang natin ang ating pagiingat dahil nasambit rin ni Zacheos na napalaban kayo sa mga Demo. Tiyak na alam na nila ang tungkol sa atin at sa tingin ko'y gagawa at gagawa sila ng paraan upang matuntun ang ating pinagtataguan." mahabang babala ni Lola Eleo.
"Nasaan po si Eos?" tanong ko, habang nagtataka kung paano ko nabawi ang aking kwintas.
"Umuwi na siya, maging tayo'y hindi na ligtas sa lugar na ito. Kaya't sa lalong madaling panahon kapag nanumbalik na ang iyong lakas ay lilipat tayo ng tirahan" saad ni Lola Eleo.
Someones POV
"Agres, magpunta ka sa Hellux. Gaya ng napagusapan natin." saad ng isang nilalang.
"Masusunod Panginoon" tugon nito, at dali daling nagpunta sa Hellux ang nasabing nilalang.
Sa Hellux... Teritoryo ng mga halimaw
"Master Pory meron pong gustong kumausap sa inyo, isa po siyang taga labas" saad ng isa sa mga alagad nito.
"Taga labas?" tanong ng kanilang lider.
"Opo master, at nasa kanyang pangangalaga ang isa sa mga kagamitan ng nawawalang diyos ng titania." agad namang lumabas ang kanilang lider upang mapagsino ang pangahas na umapak sa kanyang teritoryo.
"Sino ka? At anong kailangan mo sa akin?" tanong ng lider ng mga halimaw.
"Ako si Agres, ang may hawak ng makapangyarihang patpat ng titania." sagot ng isang babae na may balabal na itim.
"Kay lakas naman ng loob mong pumanta sa aking teritoryo, alagad ng titania!" galit na saad ng halimaw.
"Narito ako upang makipagkasundo at hindi naparito upang makipaglaban sa iyo. Batid kong matagal na kayong nakakulong sa lugar na ito at nanabik sa mga sariwang dugo ng mga Navino at Oreo." panimula ni Agres.
"Anong ibig mong sabihin?" interesadong tanong ng halimaw.
"Tutulungan kayo ng aking panginoon upang makalabas dito ngunit may mga kondisyon ang tulong na kanyang ipagkakaloob" sagot nito.
"At ano naman iyon" ang halimaw.
" Malalaman niyo sa takdang panahon" sagot nito.
"Huh! Hahahahaha. Ikaw na isang hamak na tagahawak lamang ng patpat? Ano namang magagawa ng iyong panginoon laban sa apat na hiyas ng Xentro ng titania?" natatawa nitong saad.
"Matagal na nga kayong nakakulang at walang ni isang impormasyon kung anong nangyayari sa labas" malaman na sagot ni Agres.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong nito.
"Ang ikalawang titania ay kasalukuyang nakakulong sa isang matigas na yelo, habang ang kinatatakutang si Faria ay naging estatwang bato. At ang iba'y kasalukuyang nilalaro ng aking panginoon." saad niya.
BINABASA MO ANG
Titania
FantasiaLong ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...
