Third Person POV
"Nagbalik na ang kawal na inyong inutusan na pumunta sa kabilang dimensyon mahal na Prinsipe" saad ng isa sa mga bantay.
"Salamat. Papasukin mo siya dito." sagot ng Prinsipe at agad namang tumalima ang bantay.
"Magandang araw mahal na Prinsipe" bungad ng kawal, tumango naman ang Prinsipe bilang tugon.
"Anong nangyari at natagalan ka sa iyong pagbalik" mahinahong saad ng prinsipe.
"Hindi ko inaasahang mapapalaban ako sa isang malakas na nilalang mula sa kabilang dimensyon at napinsala ako ng lubusan ngunit may mga tumulong sa akin ngunit maging sila ay napahamak kayat hindi ko nagawang makabalik agad mahal na prinsipe." paghingi ng pasensya ng kawal.
"Sige. Meron ka bang impormasyong nakalap?" tanong ng Prinsipe.
"Isang babae na nagtataglay ng pambihirang lakas ang aking nakasagupa at sa tingin ko'y pwedeng siya ang nawawalang prinsesa dahil sa abilidad nito kagaya ng Reyna" saad ng kawal.
"Ganoon ba. Saan ito matatagpuan?" tanong ng prinsipe. Dahil kahit ang pinakamaliit na posibleng daan upang mahanap ang prinsesa ay dapat hindi pinapalampas. Lalo't lumalakas ang pwersa ng kalaban.
"Hindi ko alam kung saan ang kanyang tirahan ngunit tiyak kong isa ito sa mga kawal ni Partisan" saad ng kawal.
Bahagyang napatigil ang prinsipe.
"Kawal ni Partisan? Kami nang bahalang maghanap sa kanya. Maraming salamat sa impormasyon. Makakaalis kana" sagot ng prinsipe.
***
"May bagong impormasyong nakalap kung saan naroroon ang prinsesa mahal na Hari" saad ni Prinsipe Dustin anak ni Haring Ode.
"Saan ito matatagpuan" sagot ng Haring si Earno.
"Isa sa aking kasamahan ang nakapagsabi na isang babae mula sa kabilang dimensyon ang posibleng anak ni Reyna Ariani. Batay sa kanyang salaysay ay may pagkakatulad sila ng Reyna" tugon nito.
Bahagyang kumunot ang noo ng Hari. Tila hindi kumbinsido sa naging pahayag ng binata.
"Kung gayon magtungo kayo sa lugar kung saan niyo nakita ang babae at dahil dito sa isla titania" sa halip ito ang naging sagot ng hari sa kabila ng hindi pagiging sigurado ng impormasyong nakalap nila.
"Isama mo na rin si Zeid, Ayva at Zacheos upang iyong katulong. Ito ang inyong unang misyon sanay magtagumpay kayo. " saad ng Hari. Hindi man ito kumbinsido sa pahayag ng binata ay nagbigay parin ito ng utos upang pumunta sa kabilang dimensyon. Ito'y upang hindi lamang hanapin ang prinsesa kundi upang alamin ang mga kaganapan sa imperyo ni Partisan at kung kinakailangan ay pabagsakin ito.
Si Haring Earno ngayon ang nagsisilbing taga pangasiwa sa isla titania mula ng maging yelo ang katawan ng Reyna. Bilang anak ng sinaunang titania sa kanya napunta ang responsibilidad na bantayan ang tatlong mundo.
Batid ng kaharian ang pinanggalingan ni Zeid. Isa itong batang ulila mula sa Oreo. Ipinadala ng kasalukuyang reyna ng Ore upang magsanay na maging titan at maging mahusay na mandirigma.
Bawat kaharian ay nagpapadala ng kanilang mga mahuhusay na estudyante upang magsanay sa isla titania upang maging ganap na titan.
Si Dustin anak ni Haring Ode. Si Liam panganay na anak ni Haring Earno. Si Ayva mula sa kaharian sa silangan ng Navin. Si Zeid na nagmula sa Oreo. At si Zacheos ang pangalawang anak ni Haring Earno.
Silang lima ang bagong hirang na titan na magsisilbing kapanalig ng isla upang labanan ang mga nilalang na nais kumalaban dito.
Agad namang ipinatawag ang atensyon nina Zeid, Ayva at Zacheos upang maging katulong ni Dustin sa paghahanap sa prinsesa ang susunod na Titania ng tatlong mundo.

BINABASA MO ANG
Titania
FantasyLong ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...