Chapter 25 - Traveling with Her

2.5K 79 5
                                    


Mira POV

Kalat na ang dilim sa paligid. Tanging mga kaluskos at huni ng ibon ang naririnig.

"Eos--- nasaan ka?" mahina kong saad. Nag-aalangan akong gamitin ang puting bato sapagkat baka mapansin kami ng mga Demo.

Pinakiramdaman ko ang lupa kung may kakaiba ba sa paligid ngunit wala akong maramdaman. Sinamyo ko ang amoy nang hangin ngunit tila wala akong maamoy dulot ng lumot ng itim na bato.

"Eos" ulit kong sambit, nang biglang may humapit sa akin at tinakpan banda sa aking bibig.

"Anong ginagawa mo?" nagawa kong itanong sapagkat maskara ko ang kanyang nahawakan.

"Huwag kang maingay may kakaiba sa paligid, kumapit ka sa akin." saad nito.

"Bakit?" tanong ko sapagkat ano nga bang magagawa ng pagkapit ko sa kanya upang mailigtas sa ano mang kakaibang nasa paligid na saad nito.

"Kaya kong maglaho" sagot naman nito.

Kasabay ng paghawak ko ay ang padyak ng kung anong nilalang papunta sa aming kinatatayuan.

Sa tantiya ko'y nakikita kami ng mga kalaban. "Nalintikan na mga Demo!" sigaw ng isip ko.

"E--eos!"

***

Eos POV

"May malubhang sakit ang iyong ama" saad ng aking ina.

"Ano pong nangyari kay Ama" tanong ko.

"Hindi ko alam, ngunit ang sabi ng pantas ay dulot ito ng sobra nitong paggamit ng kanyang kapanyarihan at hindi na ito kinaya ng kanyang katawan  nakadagdag narin dito ang pinsalang natamo niya laban sa mga pangahas na sumalakay at nagbalak tumawid sa lagusan." mahabang saad ni ina.

"Kinakailangan ng mahusay na mangagamot upang malunasan ang iyong ama---. Pinatawag kuna lahat ng mga mahuhusay na mangagamot ngunit nabigo sila." dugtong ni ina, saka pumasok sa kanilang silid.

"Ina!" pukaw ko sa kanyang atensyon.

"Pupunta ako sa Hellux" mariin kong sambit, nagitla naman ito sa aking sinabi.

"Ngunit mapanganib sa lugar na iyon" pagtanggi ni ina.

"Kung iyon lamang ang paraan upang sa ikagagaling ni ama, sana'y ibigay niyo ang basbas  sa aking pagtungo roon." tugon ko.

"Labag man sa aking kagustuhan ngunit sa tingin ko'y iyon lamang ang paraan. Sa tulong ng kapa ng dakilang Titania ibinibigay ko ang aking patnubay sa iyong ligtas na paglalakbay" malungkot na saad ni ina.

"Magiingat ka, Zacheos"

Alam kong batid ni ina ang tungkulin ni ama. Kung magpapatuloy ito ay tiyak na darami pa ang mga magbabalak tumawid sa lagusan. Sapagkat wala si ama na siyang pipigil sa kanila.

***

Matagal na panahon narin ang nakalipas ng huli akong nagawi sa lugar na ito.

Nagkubli ako sa isang punong kahoy sapagkat nakakita  ako ng pamilyar na anyo. Kagaya ito ng halimaw na humabol sa akin noon. Kaya ako naatasang bumalik sa aking ama.

"Demo" mariin kong inanalisa ang paligid kung may kasama pa ang isang ito. Ngunit wala akong napansin.

Agad kong ginamit ang aking kapangyarihan at nagpalabas ng isang malaki at matulis na tipak ng yelo.

Akmang ihahagis ko na ito ng mapansin niya ang aking presensya. Nagpakawala rin ito ng kanyang kapangyarihan upang salagin ang aking kapangyarihan na sanhi ng malakas na pagsabog.

TitaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon