Reen POV
"Ano ito, bakit ko ito nakikita, sino sila?"
Hindi ko na makita ang nilalang na may hawak ng sanggol. Tanging ang babae na lamang ang naririto.
Sinundan ko ang babae palabas ng palasyo.
Nakita kong may sumalubong na lalaki ngunit diko maaninag ang kaniyang mukha. Maging ang kanilang pinag uusapan ay hindi ko marinig.
Someone's POV
Sa kabilang banda....
Kasalukuyang binabantayan nina Shila ang katawan ni Reen. Habang nakalutang ito.
"Alerto kayo, hindi natin alam kung anong misteryo ang nababalot sa lugar na ito. Ang mahalaga sa ngayon ay protektahan natin si Reen dahil ito ang susi upang makatakas tayo sa lugar na ito. Maliwanag ba iyon, Bena?", mahabang saad ni Luz.
"Ha?, Bakit ako," si Bena.
"Nakasalalay sa kanya kung paano niya gagapiin ang sinumang may gawa ng kanyang pagkakaidlip. Hindi ko sigurado kung isa ba sa diyos sa lugar na ito ang nananahan sa kanya ngayon. " ulit na saad ni Luz.
"Siguro mas maganda kung palibutan natin ang katawan nito." suhestyon ni Troy.
"Sige", magkakasabay na tugon nina Luz, Shila at Zeid.
"Zeid sa ulonan ka, ako sa paanan si Luz sa kaliwa, at ikaw Bena sa kanan. Shila sa himpapawid ka dahil kaya mong lumipad gamit ang iyong patpat." utos ni Troy.
Pagkatapos nilang pumwesto mahabang katahimikan ang namutawi sa isla.
"At isa pa pala, wag kayong matutulog", biglaang saad ni Luz.
Nagtinginan silang lahat, maliban kay Bena na himbing na himbing.
"Nalintikan na, Troy kaya mo bang gamitin ang iyong kapangyarihan upang maagapan natin ang mga posibleng mangyari", saad ni Luz.
"Anong ibig mong sabihin", tanong ni Zeid.
"Ang islang ito ay pugad ng iba't ibang nilalang. Ang ilan ay naghahanap ng katawan na matitirahan. At....", tumingin ang lahat kay Bena dahil bigla itong tumayo.
"May mga panauhin pala kami", saad ni Bena sabay ngisi.
"Luz, Shila!, bantayan niyo si Reen. Kami na ang bahala ni Troy na labanan ang isang ito." saad ni Zeid.
"Hindi kaya magahol tayo sa oras sa mga nangyayari ngayon?," tanong ni Shila.
"Nasa isla tayo ng misteryo kung saan ang oras ay kontrolado. Maaring ang isang minuto ay katumbas ng isang oras dito at isa pa hindi tayo makakalabas rito hangga't hindi magigising si Reen" tugon ni Luz.
"Shila! Umiwas ka! May mga bwitre sa likuran mo!," sigaw ni Luz.
Sa halip na umiwas nagpakawala si Shila ng kapangyarihan upang itaboy ang mga ibon.
"Luz gumagalaw ang mga ugat sa likod mo!", sigaw naman ni Shila.
Huli na para umiwas ito sapagkat napuluputan na ang mga paa ni Luz ng ugat.
"Lintik!", agad nagpalit anyo si Luz bilang ibon kaya nakatakas din ito dahil lumiit ang paa nito.
"Gumagalaw pala ang kahoy na iyan!" saad ni Shila sa nag iisang kahoy sa isla.
Nasa burol sila at may isang malaking puno malapit sa kanila.
"Hayan na naman ang mga buwitre," inis na saad ni Shila.
Agad syang nagpakawala ng kanyang kapangyarihan upang itaboy ang mga ito.
Ngunit kasabay ng pag atake ng mga buwitre ay ang pag atake rin ng mga ugat. At mukhang ang katawan ni Reen ang pinupuntirya nila.
BINABASA MO ANG
Titania
FantasyLong ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...
