Matinding labanan ang kasalukuyang nagaganap sa kaharian ng Ore.Habang isang batang babae ang nag-aalala para sa kalagayan ng kanyang mga magulang na kasalukuyan nasa kaharian. Nagdesisyon ang bata na magtungo sa kaharian matapos ang malalakas na pagsabog. Sa isip nito ay marahil tapos na ang labanan at nasupil na ang mga pangahas na kumalaban sa reyna.
Malayo palang ito sa kaharian ngunit tanaw na nito ang pinsalang dulot ng labanan.
"Ina?!, impit na sigaw nito.
"Ina ko! asan kayo?!", umiiyak na ito dahil sa pag-aakalang napahamak na ang kanyang mga magulang.Malayo palang ito ay kita na niya ang mga nagkalat na bangkay.
Ilang sandali pa ay may biglang bumagsak malapit sa kanyang kinatatayuan.
Isang napakagandang nilalang ang naglalakad patungo sa kanya, na mukhang kagagaling lang sa matinding labanan dahil sa mga galos na tinamo nito.
"Isa kabang Orde, bata?" tanong ng nilalang ng makalapit sa batang babae.
"O-opo, anak po ako ng isa sa mga tagasilbi sa kaharian", nag-aalanganing sagot nito sa pagitan ng kanyang paghikbi.
Bahagyang nalungkot ang mukha ng nilalang. "Patawarin mo ako, hindi ko nagawang protektahan ang iyong mga magulang," usal nito sapagkat alam nito na halos walang natirang buhay matapos ang mga matitinding pagsabog.
Biglang hinawakan ng babae ang kamay ng bata.
"Bata... Ipagkakatiwala ko sayo ang buong kaharian. Sa paglaki mo, sanay maging mabuti kang Orde at gamitin ang hiyas na ito sa kabutihan", biglang umilaw ang kamay ng nilalang at may kung anong pumasok sa kamay ng bata at kumalat ang hindi maipaliwanag na pakiramdam sa buo nitong katawan.
"Ahhhh ahhhhhhhhhhh", sigaw ng bata.
Matapos mawala ang liwanag napaluhod ang bata na tila nawalan ng lakas.
"Maipapangako mo ba sa akin iyon, Orde?", tanong ng babae.
Hindi agad nakapagsalita ang bata dahil narin sa bilis ng mga pangyayari. Naguguluhan parin ito.
"Maari bang malaman ang iyong pangalan?", sunod na tanong ng babae.
Hindi pa nito naibubuka ang kanyang mga bibig ng may malakas na pagsabog na naganap malapit sa kanilang kinaroroon. Biglang napaupo ang bata, natakot ito akala niya tapos na ang labanan.
"Nasaan ka?!! hahaha!!! kahit anong gawin mong pagtatago makikita at makikita parin kita!", sigaw ng isa pang nilalang.
Napalingon ang babae at biglang gumuhit ang lungkot sa kanyang mukha.
"Tumakbo kana! Takbo!" utos ng babae.
Parang de-makinang sumunod ang mga paa ng bata sa sinabi ng babae.
Nang makalayo ito'y narinig na lamang niya ang muling pagsabog mula sa kinatatayuan ng babae at naulinigan nalang nito ang malakas na sigaw ng babae.
***
"Ahhhh....!!!!, sigaw ng reyna, tumilapon ito sa di kalayuan. Pinilit niyang tumayo sa kabila ng kanyang panghihina.Upang iligtas ang bata nagpakawala ito ng isang orasyon na naglayo sa bata sa kapahamakan.
"Wala ka nang takas mahal na reyna!" nang uuyam na saad ng nilalang.
Ngumiti ang reyna at nagpakawala ng malakas na enerhiya patungo sa kalaban, ngunit hindi maikakailang humina ang kapangyarihan ng reyna.
"Iyan na lamang ba ang kayang gawin ng isang tagabantay? Hahaha,!!! mahina!",sabay nagpakawala ng itim na usok na pumulupot sa reyna.

BINABASA MO ANG
Titania
FantasyLong ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...