Agad naman itinaas ni Shila ang kanan nitong kamay at gumawa ng hindi nakikitang pananggalang. Habang si Ayva ay sinugod naman nito si Aira.
Ngunit nagpakawala ng malakas na kapangyarihan si Aira na siyang tumama kay Ayva.
"Isa kang traydor!" sigaw ni Aira kay Shila.
"Huwag kanang mag maang maangan Aira dahil alam kong maging ikaw ay gusto mo naring lumaya sa pang aalipin ng iyong ina o mas mabuting sabihing kinalakhang ina ngunit itinuring kaba niyang anak?!" ganting sigaw ni Shila.
"Paanong alam mong hindi ko siya tunay na ina?" Nagitlang saad ng babae.
"Kay Troy bago pa man ito paslangin ng iyong ina." sagot ni Shila.
FLASHBACK
"Huwag kang maingay" bulong ni Troy at nagkubli kami habang nakikinig sa usapan nina Agres at Partisan.
"Nangangamba kaba sa mas lalong paglakas ng kapangyarihan ng iyong anak?" tanong ni Partisan.
"Hindi ko siya anak" saad ni Agres
"Bakit hindi mo na lang paslangin ang babaeng iyon hindi mo naman kadugo? O dikaya ipasailalim sa iyong kapangyarihan" suhestiyon nito.
"Hindi ko siya maaring paslangin dahil sa dyamanteng taglay nito! At mas lalong hindi ko ito pwedeng ipasailalim sa aking orasyon dahil hindi rin ito tatalab dahil sa hawak nitong dyamante!" sagot ni Agres.
Hinapuhap ni Shila ang marka sa kanyang leeg. Tanda ng kasunduang naganap sa pagitan nila ng babaeng iyon na magiging alipin siya nito panghabang buhay.
"Makakalaya rin tayo sa pang aalipin nila" bulong ni Troy.
"Kung gayon bakit hindi mo nalang hingin sa kanya ang dyamante bago mo ito paslangin" saad uli ni Partisan
"Hindi maari dahil may orasyon ito---" napatigil si Agres.
"Lumabas ka sa iyong pinagtataguan!" sigaw ni Agres.
Hindi namalayan ni Shila ang ginawa ni Troy. Pinagapang nito ang kanyang anino ngunit napansin ito ni Agres.
"Ahhhhhh!" sigaw ni Troy at namimilipit itong lumuhod sa sahig.
Lumapit si Agres sa pinagtataguan ng dalawa.
"At balak mo pa akong traydorin!" galit na sigaw ni Agres.
"Tama na po maawa kayo sa kanya" pagmamakaawa ni Shila.
"Tumigil ka!" saad ni Agres at dahil sa bisa ng sumpa ni Agres ay naparalisa ang buong katawan ni Shila.
Pinilit parin ni Troy na makalapit ang anino nito sa babae ngunit hindi rin nito nagawa.
"Anong nangyayari dito? Ina?" bungad ni Aira dahil narin siguro sa sigawang naganap kaya nito naulinigan.
Hindi sumagot si Agres bagkus ay ipinasailalim pa nito ang lalaki sa matinding delusyon.
"Paslangin mo ang iyong sarili" bulong ni Agres.
Nagdilim ang mga mata ni Troy binunot nito ang kanyang espada at hindi ito nagdalawang isip na isinaksak sa kanyang dibdib.
"Troy! Hindi! Bat mo ginawa yan sa iyong sarili! " umiiyak na saad ni Aira saka pumunta sa kinalalagyan ni Troy. Hindi batid ni Aira ang sumpa ni Agres sa mga ito kayat ang alam niya ay pinaslang ni Troy ang kanyang sarili.
"Troy!" umiiyak na saad ni Aira maging si Shila ay napaluha rin ngunit nanatiling paralisado ang kanyang katawan.
Napalapit na ang kalooban ni Aira kay Troy at maging kay Shila kayat sobra itong nalulungkot sa pagkawala ng kanyang kaibigan.
"Anong nangyayari? Kagagawan mo parin ba ito Agres?" saad ni Partisan.
"Hindi ko rin alam" saad ng babae dahil sa kakaibang lamig ang lumilibot sa silid.
Walang emosyon tumayo si Aira at hinarap ang bangkay ni Troy. Tila nalunod ito sa malalim na kalungkutan kayat tila nawala ito sa kanyang sarili.
Sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay nagkaroon ng espada ang kanang kamay ni Aira.
"Hindi!" sa isip isip ni Shila ngunit hindi nito magawang bigkasin upang pigilan sana ang gagawang pananaksak muli ni Aira sa kaibigan nito. Napangisi sina Partisan at Agres.
"Hindi-hindi!" naawang sigaw ng isipan ni Shila dahil wala man lang itong nagawa upang iligtas ang kaibigan nito.
***
"Kay Troy bago pa man ito paslangin ng iyong ina." sagot ni Shila.
Napatigil si Aira dahil sa sinabi ni Shila. Lumuluha itong sumalampak sa lupa. Hindi naman nagaksaya ng panahon si Brando at agad pinagapang ang kanyang anino.
"Ahhhhhhhh!" sigaw ni Aira ng makalapit ang anino ni Brando sa anino nito.
"Anong ginagawa mo? Nakikita mong hindi na siya lumalaban ngunit inatake mo parin siya!" saad ni Shila.
"Mga traydor sila! Huwag kang maniwala sa pagbabago ng kanyang mga kilos! At isa pa siya ang pumatay sa aking kaibigan kaya't nararapat ring mamatay siya!" at mas lalo pa nitong pinagibayo ang kanyang kapangyarihan.
Hindi inaasahan ngunit isang malakas na suntok ang dumampi sa pisngi ng lalaki.
"Labanan mo siya ng patas!" sabat ni Ayva.
"Patas? At may nalalaman ka pang patas na labanan. Maging ikaw ay hindi mo maharap ng sarilinan ang babaeng iyan!" sigaw naman ni Brando.
Lumapit si Shila kay Aira ngunit umiwas ang huli. Tumayo ito saka pinigilan ang babae.
"Huwag kang lumapit! Lumayo ka sa akin!" sigaw nito, hindi nga lumapit si Shila ngunit nanatili parin itong nakatayo sa harapan ng babae.
Agad nagpakawala ng malakas na hangin si Aira. Nagawa namang salagin ni Shila ito ngunit paraan lamang pala iyon ng babae upang makalayo sa mga ito.
"Nakatakas na siya!" galit na saad ni Brando, habang tila nauubos ang hininga ni Ayva na umupo.
"Anong nangyayari sa iyo? Nangingitim ang iyong balat" saad ni Brando.
"Marahil ay nilagyan ni Aira ng lason ang hangin nito. At dahil narin siguro sa tindi ng tinamo nitong pinsala" Agad namang dumulog si Shila at ginamot ang babae.
Naalala ni Brando ang kanyang bandana. "Mabuti nalang at hindi ko tinanggal ito" saad ni Brando sa isip nito.
***Nagtungo naman sina Serdon at Diokno sa imperyo habang naiwan sina Emilia at iba nilang kasamahan habang ginagamot ang mga sugatan nilang kasama.
Sa bakuna palang ng imperyo ay nakaabang na ang mga kawal ni Partisan.
Liningon ni Serdon si Diokno at tila naintindihan naman ng Heneral ang ibig sabihin ng titig ng matanda.
"Kami ng bahala sa mga kawal" saad nito saka inutusan nito ang kanyang mga kasamahan.
Sumugod na sina Diokno at si Serdon naman ang haharap sa panginoon nila.
Sa huli nilang paghaharap ay hindi naiwasang gamitin ni Serdon ang kanyang itinatagong kapangyarihan kaya nagawa nitong makipagsabayan sa mga ito.
Sa hindi alam ni Serdon ay nakuha nito ang atensyon ng kalaban at mas lalong nabuhay ang loob ng mga ito na muling buhayin ang kanilang diyos na naikulong ng napakahabang panahon.
iammrlee

BINABASA MO ANG
Titania
ФэнтезиLong ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...