Chapter 38 - Unended Fight

1.9K 69 0
                                    

Reen POV

"Anong ginawa mo sa akin kahapon?" si Brando.

"Hindi ba't ako ang dapat magtanong niyan?" balik kong tanong.

"Sagutin mo na lamang ako" siya.

"Malay ko" saad ko sabay talikod.

"Babae! Kinakausap kita!" sigaw nito.

Huminto ako dahil may naisip ako at napangisi dahil sa naglalaro sa aking utak.

"Sasabihin ko kung tatalunin mo ako sa isang dwelo" nakangisi kong saad.

"Hinahamon mo ba ako Orde? At saan mo naman nakuha ang lakas ng loob upang kalabanin ako!?" sarkastiko nitong saad.

"Bakit natatakot kang matalo ng isang babae at higit sa lahat, isang orde?" pangiinis ko.

Napangisi ito saka nagsalita.

"Tinatanggap ko ang iyong hamon. Bukas ng tanghali, sa may kakahuyan" pag sang ayon niya.

"Magaling! Isa ka ngang duwag dahil napili mo pang makipaglaban sa akin habang tirik ang araw. Bakit? Upang magamit mo ang iyong kapangyarihan laban sa akin" saad ko. "Maging ganun pa man ay tinatanggap ko ang iyong kondisyon, bukas ng tanghali." pagtatapos ko saka tuluyan ng umalis.

***

Brando POV

"Ang ganda niya diba?" pukaw ni Shana sa akin. Bahagya akong napangisi.

"Oo, pero walang puwang sa akin ang mahihina" tugon ko.

"Wala naman akong sinabing para sa iyo. Sinabi ko lang na maganda siya" makahulagang sagot nito saka umalis.

Pinagmasdan ko ang paglayo nito. Kung sana ako ang pinili mo, sana'y hindi ka nangungulila ngayon. Oo mahal ko siya, ngunit taliwas ang pagtingin nito sa akin. Mula noon ay nawalan na ako ng ganang magmahal pa, dahil mahirap sumugal lalo't hindi mo alam kung mananalo ka ba o hindi.

"Brando, ano pang ginagawa mo rito? Hinihintay kana ni Heneral Diokno" saad ni Serdon sa akin na kagagaling lang sa labas.

"Opo!" saad ko sa matandang kumupkop sa akin mula pagkabata. Nawalan ako ng mga magulang at maging ang kaisa-isa kong kapatid ay nawalay sa akin. Mabuti na lamang at nakita ako ni Serdon kung hindi'y di ko alam kung ano ang magiging kapalaran ko.

Magkakasabay kaming lumaki nina Shana. Inibig ko siya ngunit batid kong hanggang pagiging magkaibigan lang ang turing nito sa akin.

Hindi ko alam ngunit mula noon ay nawalan na ako ng interes sa mga babae. Kaya't ng makita ko ang Ordeng iyon ay hindi ko mapigil ang pagkainis.

Naiinis ka dahil baka masira ang pader na pinundar mo at mahulog sa kanya, saad ng isip ko.

Hindi! Naiinis lang ako sa mga babaeng mahihina!, pagtatama ko sa nauna kong naisip.

Humanda ka dahil kahit babae ka ay hindi ako mangingiming saktan ka.

***

Kinabukasan ay nagtungo ako sa makahoy na lugar hindi ko ito ipinaalam sa iba dahil tanging ako at ang Ordeng iyon lamang ang maghaharap.

"Alam kong sinusundan mo ako, kaya' t lumabas ka na" saad ko saka huminto sa paglalakad.

"Hehe Brando! Anong ginagawa mo rito? Mangangahoy kaba?" Ngiting aso na saad ni Shana.

"May tatapusin lang ako, kaya't pwede kanang umalis" malamig kong tugon.

"Hinay hinay lang yang puso mo kaibigan. Naisipan ko lang sundan ka at magpahangin narin" aniya.

"Oh Reen, nandito ka rin pala" biglang saad ni Shana saka pinaglipat lipat nito ang tingin sa aming dalawa saka ngumiti ng ubod laki.

"Ahhhhh naiintindihan ko na. Hindi naman siguro ako makakaabala diba? Isipin niyo na lang na isa akong hangin para walang problema" ulit ni Shana.

Bahagyang naningkit ang aking mga mata dahil mukhang sinumpong nanaman ng kadaldalan ang isang ito.

"Ang hangin ay hindi nagsasalita" saad ko.

"Edi hindi ako magsasalita" hirit parin nito kaya't tinignan ko ito ng masama.

"Oppss sensya" saad nito saka inakyat ang isang puno. Tila balak nga nitong manmanan kami.

"Nakahanda kana?" si Reen.

"Ako ang dapat magtanong niyan babae" saad ko.

"Reen ang pangalan ko" aniya.

"Tatawagin kita sa kahit anong pangalang gusto ko" saad ko saka binunot ang aking espada.

Bumunot rin ito ng espada, una akong sumugod at nakipagespadahan sa kanya.

"May nalalaman karin pala sa pisikal na labanan babae? Sabagay dapat lang dahil isa ka lang Orde!" saad ko.

"Ang dami mo ng nasabi para kang babae" ganting saad nito.

"Ahhhhhh" saad nito ng mabitawan niya ang kanyang espada kaya't pagkakataon kuna upang sumugod.

Agad ko itong inatake gamit ang aking espada, wala itong sandata kaya't puro pag-iwas lamang ang ginagawa nito.

Pagkakataon ko na, saad ko sa aking isipin ngunit hindi ko namalayan ang sumunod na pangyayari.

Umabante ako at akmang aatake gamit ang aking armas. Ang akala ko'y iiwas ulit ito ngunit umabante rin taliwas sa aking naisip na gagawin nito.

Mabilis nitong nahawakan ang kanang kamay ko na siyang may hawak ng espada saka nito pinilipit. Napadaing ako at nabitawan ang aking sandata.

Binitawan nito ang aking kamay sabay sabing . " Mahina".

Nagdilim ang aking paningin na siyang dahilin ng mas lalo kong pagkainis.

"Iniinis mo ba ako babae" saad ko habang sapo-sapo ang kanang kamay ko.

"Wala ka naman palang binatbat sa labanan lalaki? Kay daling maagaw ng iyong armas." aniya.

"Ginagalit mo talaga ako" galit kong saad saka pinagalaw ang aking anino.

"Brando!" sigaw ni Shana batid nito ang kayang gawin ng aking kapangyarihan. Mula sa sanga ng punong inupuan nito ay bumaba ito ngunit maging siya'y ginamitan ko ng kapangyarihan ko.

Una ko itong pinatulog gamit ng pwersa ng aking anino. Saka ko ibinaling ang aking atensyon sa Ordeng ito. 

"Ngayon tayong dalawa na lamang" nakangisi kong saad. Bahagya rin itong napangisi.

Sa ayos na iyon ay hindi ko magawang di mapansin ang kanyang mukha. Napansin ko rin ang mata nito na tila walang reaksyon sa mga nagaganap.

Hindi na ako nag aksaya ng panahon, agad kong pinagapang ang aking anino palapit sa kanya.

Hindi ko alam kung anong plinaplano nito ngunit tila may itinatago siyang alas. Dapat kong malaman iyon sa pamamagitan ng aking kapangyarihan ay magagawa kong paaminin ito.

"Anong nangyayari dito!" galit na sigaw ni Serdon. Hindi ko namalayan ang kanyang pagdating, agad kong pinanumbalik ang aling anino at humarap sa kanya.

"Brando! Magusap tayo! At dalhin mo si Shana sa talon. Reen maguusap tayo pagkatapos naming magusap ni Brando!" galit nitong utos saka tumalikod.

Hindi ako nakapagsalita. Ginawa ko na lamang ang pinaguutos nito. Tinignan ko ang babae ngunit wala akong maaninag na anumang reaksyon kaya't sa halip na magsalita ay nagpatiuna na lamang ako.

"May araw ka rin" bulong ko ng mapadaan ako sa harap niya.

iammrlee

NOT EDITED

TitaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon