Chapter 14 - Gate to Hellux

2.7K 95 5
                                    

Shila POV

Nagpalit anyo na si Luz bilang tao, at unti-unti na rin nawawala ang bisa ng gamot na ibinigay ko sa kanya.

"Luz ayos ka lang?," tanong ko.

"Oo Shila, manatili lamang tayong mulat habang hinihintay ang pagbalik ng ulirat ni Reen."saad nito.

Tinignan ko ang iba naming kasamahan, si Troy ay kasalukuyang binabantayan si Bena. Habang si Zeid ay nakaupo malapit sa kinaroroonan ni Reen.

"Kailangan ng magising ni Bena upang makapagpahinga na si Troy. May isa pang pagsubok na ating pagdadaanan at iyon ang Gate of Hellux ."saad ni Luz.

"Ano naman kaya ang naroon?"

"Hindi ko alam, sapagkat wala pang nakakaalam kung ano ang naroroon sa islang iyon. Hanggang dito sa Mystery Island lamang ang naikwento sa akin ng aking ama". si Luz.

"Ughhhh- ughhh", ungol iyon na nangagagaling kay Reen.

"Reen anong nangyayari sayo?!"

"Ughhh-ughhhh", mukha itong nakikipaglaban.

"Wala tayong magagawa sa pagkakataong ito, hintayin nalamang natin ang kaniyang paggising." si Luz.

Unti unti na itong kumakalma ngunit paminsan minsan ay napapaungol parin.

"Shila kaya mo pa bang gamotin si Bena", pag iiba ni Zeid sa usapan.

"Susubukan ko"

Lumapit ako kay Bena at nagsambit ng orasyon.

"Liwanag ng buwan ako'y iyong pagbigyan, espirito ng kalikasan ako'y tulungan, nawa'y bigyang lunas na siyang makapagbabalik ng lakas" sabay wasiwas ko ng aking patpat.

"Ahhhh- ou ouchh,"maarteng ungol ni Bena.

Tumingin ng matalim sa akin saka nagsalita.

"Ano ang ginawa niyo sa akin?", tanong nito.

Walang nagsalita sa halip tumalikod na lamang kami ni Troy.

"Zeid! Tulungan mo ako!," matinis na sigaw ni Bena.

"Kakairita talaga!", sambit ko.

"Bakit nagseselos ka?" sabat naman ni Troy na nakasunod pala sa akin.

"Ha! Ako magseselos? Kanino naman? Kay Zeid? Hahahaha", pagak kong tawa.

"Sa akin", sagot nito saka tumalikod.

"Buwang ka talaga! Ikaw pagseselosan ko. Di ka man lang nahiyang sabihin iyon!", galit kong sigaw.

Pagharap ko ay ang nakangising mukha ni Luz ang nabungaran ko.

"Huwag kasing masyadong halata," saad nito na mas lalong nakapagpainit ng aking ulo.

"Sabing hindi ako nagseselos eh!", labas sa ilong kong saad saka ko palang napansin nawala na palang nakikinig sa akin.

"Hmmmpp!"

Biglang humangin ng malakas at unti- unting dumidilim ang paligid. Agad kong itinaas ang aking patpat at pinagliwanag ito.

Maliban sa aking patpat, nagliliwanag rin ang katawan ni Reen. Ngunit kasabay ng pagdilim ng paligid ang unti unti ring paghina ng liwanag na nangagagaling kay Reen.

"Maghanda kayo mukhang may mangyayari muli", saad ni Luz kasabay ng malakas na ihip ng hangin at munti munting pagalaw ng lupa.

"Si Reen!," sigaw ni Troy.

Sinalo ni Zeid si Reen ng bumagsak ito sa lupa.

"Anong nangyayari?", saad ni Bena.

Mas lumakas ang hangin at umuga pa ang lupang kinatutung-tungan namin.

TitaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon