Shana POV
"Mukhang gusto rin makitulog ni Brando sa iyo" saad ko.
"Ano ba kayo ni Brando?" tanong ni Reen.
"Magkaibigan kami. Hmmm huwag mo nalang pansinin yun tiyak gusto lamang niyang pumapel sayo" saad ko sabay tawa.
Walang tugon, tinignan ko siya. Kay ganda niya, ngunit madalang lamang masilayan ang pagbabago ng reaksyon sa kanyang mukha. Siguro'y dala na rin ng mga naging karanasan nito mula pagkabata. Nakarating na kami sa kanyang silid.
"Maari bang magtanong Reen?" paghingi ko ng permisyo.
"Ano iyon?" aniya.
"Sa tingin mo'y buhay pa kaya ang kapatid ko hanggang ngayon?" tanong ko.
"Malakas ang iyong kapatid Shana, isa siya sa mga tumulong sa akin upang malampasan ang mga pagsubok ni Partisan." tugon nito habang inaayos ang magiging higaan namin.
"Sa tingin mo'y ano kayang ginawa ni Partisan sa mga batang nagwagi sa paligsaan"
"Sa aking tanda ay ipapadala ang isa sa mga ito sa isla titania upang magsanay habang ang tatlong matitira ay sa tingin ko'y magiging tauhan ni Partisan" aniya.
"Isa kaya ang aking kapatid sa mga nakaligtas?" tanong kong muli.
"Lima silang natira bago ako nahulog sa Hellux" aniya.
"Teka lang, kung lima sila posibleng isa sa mga ito ay pinaslang ni Partisan" tanong ko.
"Oo" maikli nitong sagot.
Agad ko rin naisip kung paano ito nakaligtas dahil sa pagkakaalam ko ay ang Hellux ay isang mapanganib na lugar.
"Nagtataka lamang ako kung paano ka nakaligtas sa Hellux" tanong ko ngunit isang malalim na tingin lamang ang kanyang naging tugon.
"Pasensya na kung marami akong tanong, matulog na tayo upang may lakas tayo para bukas nang mas mahasa pa ang ating kakayahan" saad ko.
"Sige"maikli nitong tugon.
"Pwede ka nang umalis diyan, tapos na kaming mag usap" saad ko dahil batid ko ang presensya ng lalaking iyon.
Lumingon si Reen sa akin. Ngumiti naman ako.
"Reen may nakilala ka bang bata sa paligsahan na may kakayahang kumontrol ng anino?" tanong ko dahil batid kong iyon ang gustong malaman ng lalaking ito.
Bahagya napatigil si Reen na tila inaalala ang nakaraan.
"Oo, si Troy isa siya sa limang natira sa paligsahan" tugon nito.
Troy, iyon nga ang pangalan ng nakababatang kapatid ni Brando.
"Sige matulog na tayo" saad ko saka inihipan ang sulo sa kanyang silid.
Humiga ako sa kanyang tabi at pumikit. Si Reen ang nagbigay sa akin ng pag asa na maari kong makitang muli ang aking kapatid.
Pinagpahinga ko na ang aking isip at katawan dahil batid kong sa susunod na mga araw ay kailangan ko ito. Ang pagdanak ng dugo ay hindi maiiwasan upang makamit namin ang kalayaan at karapatang mamuhay ng payapa.
Kaming mga makasalanan ay nagbabago rin at gusto rin namin makalasap ng pagkaroon ng pantay pantay na turing. Hindi man sa mundo ng Ore dahil batid namin nagkasala kami, kasalanan naipasa na sa aming henerasyon na ni hindi namin alam ang naging puno't dulo ng pagkakakulong namin dito.
Pinapanalangin kong sa muling pagbukas ng aking mga mata ay masisilayan ko ang ngiti ng aking mga kasamahan. Ngiti ng isang nilalang na malayo sa pang aapi ng may kapangyarihan.
***
BINABASA MO ANG
Titania
FantastikLong ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...
