Chapter 56

143 6 2
                                    

Third Person's POV

Agad namang narating ni Zacheos ang kastilyo at nakita nito si Dustin na papasok rin sa kastilyo. Batid nilang may labanang nagaganap sa loob. Maya't maya ay may isang malakas na pagsabog ang naganap na syang dahilan ng liwanag na nangagaling sa kastilyo, ilan pang sandali ay ang sunod sunod na pagsabog. Kaya minadali nilang magtungo sa pinanggagalingan ng pagsabog.

Madilim ang paligid, ngunit batid ng dalawa na hindi lamang sila ang naroroon.

"Dustin maging alerto ka nakakatiyak akong naririto ang pakay natin", saad ni Zacheos.

Nang biglang may malaking bolang apoy ang sumambulat sa kanila, at syang nagbigay liwanag sa paligid.

"Pumikit ka!" sigaw ni Dustin, dahil bago sila magtungo sa kastilyo ay sinabihan na sila na may kakayahan ang mga mata ni Partisan na gawing bato ang sinumang tititig dito.

"Muli tayong nagkita" saad ng boses babae, kaboses ng nakasagupa nila kani-kaninalang, napakunot ang noo ni Dustin.

"Akala nyo natalo niyo na ako, puwes nagkakamali kayo, hindi ako basta basta matatalo ng mga baguhang katulad nito" pang iinis ng babae.

"Panginoong Partisan ako nang bahala sa dalawang ito, manood ka nalamang" saad pa nang babae.

Doon nila napagtanto na naroon din sa silid na iyon si Partisan, kaya't mas lalo nilang diniininan ang pagkakapikit at pinakiramdaman ang bawat kilos ng kanilang kalaban.

"Masama ito" sa isip isip ni Zacheos, dahil hindi nila nakikita ang mga kalaban.

Biglang pinagdaop ni Dustin ang kanyang mga palad at nag pakawala ng tubig na syang bumalot sa sahig. Sa pamamagitan nito magagawa niyang sundan ang bawat kilos ng kalaban.

Samantala nanatiling nakatayo si Zacheos.

Biglang nakaramdam ng kakaibang kapangyarihan si Agres kaya't napaatras ito. Hindi mga ordinaryong titan ang kaharap niya ngayon. Kakaiba ang lamig na dulot ng paligid, kaiba ng kapangyarihang ipinamalas nang una nitong nakasagupa.

Agad nitong ibinaling kay Partisan ang kanyang atensyon. "Pagkakataon ko na upang makuha sa kanya ang Xentro ng Apat na element, habang nagpapanumbalik ito ng kanyang lakas" sa isip isip ni Agres.

Hindi nag aksaya ng oras si Agres at aagawin nasana niya ang Xentro ngunit nag iba ang kanyng pasya. Agad na pinabalik ang kanyang mga alagad na kasalukuyang nakikipaglaban sa babaeng may pakpak ng titania.

Reen's POV

Agad kong ibinuka ang aking mga pakpak sapagkat paniguradong ako ang isusunod ng tatlong ito.

Nakakasiguro akong sila ang mga kaibigan kong nakipaglaban sa Vanishing Islands. Napasailalim na sila sa kapangyarihan ni Partisan.

Agad akong lumipad palabas ng kastilyo, at alam kong susundan rin nila ako.

"Mabilis sila" si Shila ang may ting ting, si Bena naman ay nag anyong itim na nilalang na may pakpak, habang si Zeid ay nakatung-tong sa ting-ting ni Shila.

Lumipad pa ako, palayo sa kastilyo sapagkat malapit lamang ang kinalalagyan nina Emilia at ilan pa sa aming mga kasama, upang kahit paano'y hindi sila madadamay sa labanang nag aadyang mag umpisa.

Nagtungo ako sa masukal na gubat, at tiyak kong nasundan ako nina Zeid.

Agad sumaririt ang napakalakas na kidlat mapunta sa kinarororoonan ko, sa bilis nito ay muntikan nang di ako naka iwas.

Pinagmasdan ko sila, na tila napailalim sila sa anong uri nang enkantasyon. Walang buhay ang kanilang mga mata, na tila ang nasa isip ay ang sumugod lang ng sumugod.

TitaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon