Chapter 3 - Partisan Empire

4.2K 138 2
                                        

Miraflor POV

"Hayun siya mga kasama!," sigaw ng isa sa mga kabalyero.

Lumapit ang mga ito at bumaba ang isa sa kanila. Nakakatakot ang mga itsura nila.

"Hala!!!, dakpin na iyan," utos ng isa sa kanila.

Nagpumiglas ako at buong lakas kong sinipa ang ibabang bahagi ng lalaking akmang dadakip sa akin, sabay takbo ng matulin.

"Aba'y lumalaban!, hahaha!, hulihin ang bata at turuan ng leksyon!" saad ng isa.

Sa kabila ng takot nagawa ko paring tumakbo ng mabilis.

Sa aking paglaki tinuruan ako ng aking ama upang protektahan ang aking sarili, sa pamamagitan ng pagtuturo ng iba't ibang klase ng pisikal na depensa at opensa. Iyon lamang kasi ang kayang ituro ng aking ama, sapagkat isa lamang kaming Orde at wala silang kapangyarihan na pwedeng ipamana sa akin.

Halos ibigay ko lahat ang aking lakas sa pagtakbo, ngunit naabutan parin nila ako. Ngayon ay napapaligiran na nila ako.

"Suwail na bata!", bumaba ang isa na may hawak na lubid.

"Sumama kanalang kasi at huwag ka nang magpumilit na tumakas, dahil hindi mo kami matatakasan! hahahaha!," saad nito sabay hampas ng lubid sa likod ko.

"Ahhhhhhhh, " sigaw ko ng tamaan ang aking balikat.

Inulit pa nito at sinipa ang aking tiyan kaya napaluhod ako.

"Ahhhh!! Tama na po, maawa po kayo sa akin", pagmamakaawa ko.

"Tama na yan, Hahahaha" saad ng isa habang tumatawa, bumaba ito saka lumapit sa kinaroroonan ko.

Marahas niyang inangat ang aking ulo saka binigyan ng magkabilang sampal.

"Hahahaha!" tawanan nila.

"Maawa po kayo sa akin, " sambit ko, sa kabila ng sakit na nadarama.

Hindi niya ako pinakinggan sa halip buong lakas niyang sinuntok ang kanang bahagi ng aking mukha. Napa subsub ako sa lupa.

Masakit ito at parang may tumusok sa aking mata.

"Ah.h.h.h ang ma-mata ko," halos mawalan na ako ng hininga dahil sa sakit. Nagtawanan lamang ang mga ito.

"Hala ! ilagay sa sisidlan!", binuhat ako ng isa saka isinako  at isinama sa kanilang pag-alis.

***

Matapos ang ilang sandali, huminto ang kabayong may lulan sa akin.

Naramdaman ko na may bumitbit ng sakong kinalalagyan ko.

Masakit parin ang aking kanang mata dahil sa suntok na tumama rito.

Narinig ko  ang pagbukas ng bakal na pintuan at ang paghagis nila ng sakong kinalalagyan ko. Muling nagsara ang bakal na pintuan at dinig ko ang mga yabag nila palayo.

Madilim sa loob ng sako, wala akong maaninag na liwanag. Ilang sandali pa'y may kumalikot  sa bakuna ng sako, matapos ang ilang sandali nabuksan na ito at tuluyang bumungad ang mukha ng isang batang lalaki sa aking paningin.

Napatitig ako sa reaksyon ng kanyang mukha.

Gamit ang isa kong mata, pinagmasdan ko ang hugis ng kanyang mukha, bata palang ito ngunit hindi maikakaila ang taglay nitong kakisigan.

Binawi ko agad ang aking pagtitig sapagkat hindi ko napansin na tinititigan rin niya ako.

"Bakit mo hinahawakan ang mata mo?', untag nito sa akin.

"Ha?, naalimpungatan ako sa tanong nito.

"Sabi ko anong pangalan mo at bakit ka napunta rito?", ulit nito, at may sumingaw na munting ngisi sa gilid ng kanyang labi.

TitaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon