Chapter 31 - Agres Vs Elena

2.4K 66 1
                                        

Third Person POV

Tinanggal ni Agres ang kanyang balabal tanda ng kanyang pagsang ayon sa hamon ni Elena.

"Ngunit bago tayo maglaban ay nais kong ikaw ay sumumpa sa pamamagitan ng iyong dugo." saad ni Agres.

Nagtaas ng kilay si Elena.

"Isa ba itong patibong Agres?" si Elena.

"Gusto ko lang makasigurado na tutupad ka sa usapan" sagot nito.

"O sya!" saad ni Elena at sinugatan ang kanyang kaliwang palad.

Ginamit naman ni Agres ang patpat at naglabas ng isang lamesa.

"Ipatak mo ang iyong dugo sa lamesa at sundin ang aking sasabihin" saad ni Agres.

"This blood that pours into this table. Proof of loyalty. I, with the power within me, will served thee and won't stand against thee..." umpisang saad ni Agres at inulit naman ito ni Elena hanggang sa natapos.

"Umpisahan na natin" saad ni Agres.

"Sumunod ka sa akin!" si Elena.

***

Nagpunta sila sa makahoy na parte ng Hellux ngunit parte parin ito ng teritoryo ng mga Demo.

"Ilang taon na nga ba ang nakakalipas Agres. Hindi ko akalaing mag iiba ang ihip ng hangin" si Elena.

"Haha! Ganun din sa iyo Elena. Ilan taon na ang nakakalipas ngunit tila mas malakas parin ang iyong kapatid kaysa sa iyo!" pang iinis nito.

"Mas malakas man siya sa akin o hindi ang mahalaga ay buhay pa rin ako at nanalaytay ang dugo ng imortalidad sa aking pagkatao!" saad ni Elena.

"Imortal na ba ang tawag mo sa iyong sarili?" ulit ni Agres.

"Nagawa kong talunin ang Hari ng mga Demo at ngayon ay nanalaytay sa akin ang kapangyarihan nito kaya't sa tingin mo ay makakaya mo akong tapatan Agres? Sa pagkakaalam ko'y hindi kana kagaya ng dati?" ngisi ni Elena.

"Lapastangan!" galit na sigaw ni Agres, saka nagpakawala ng isang malaking bola ng apoy.

Tinapatan naman ito ni Elena ng malabakal na bato. Ngunit sa lakas ng pwersa nito'y kinailangan nitong iiwas ang kanyang sarili upang hindi ito matamaan.

"Kamangha mangha!" sigaw ni Elena.

"Mukhang wala kang pinagbago Elena. Lagi ka nalang umiiwas kapag hindi mo na kaya." sagot na sigaw ni Agres.

"Pwes ako naman!" saad ni Elena, itinaas nito ang kanyang kanang kamay at sininop ang enerhiya ng kapaligiran.

Bahagyang napahinto si Agres agad itong nag-isip ng paraan upang hindi mapinsala sa gagawing pag atake ni Elena.

"Natatakot ka ba sa pwedeng gawing pinsala ng aking kapangyarihan Agres" nakangising saad ni Elena.

Hindi ito sumagot sa halip ay ngumisi lang ito.

"Tanggapin mo to!" sigaw ni Elena saka pinakawalan ang kapangyarihang sininop nito sa kapaligiran.

"Hindi!"sigaw ni Agres ng hindi na ito makaiwas dahil sa bilis at lakas ng kapangyarihan ni Elena.

Nalusaw ito at hindi na maaninag ni kapiraso ng kanyang saplot.

"Nakakaawa ka naman ni hin----- ahhhhhhhhh!!!" sigaw ni Elena sapagkat mula sa likod ay umatake si Agres at nagpakawala ng malakas na boltahe ng itim na kapangyarihan.

"Huwag kang pakasisiguro Elena! Hindi pa ako natatalo!" malakas na sigaw ni Agres.

"Paanong? Ngunit kitang kita ko ang iyong pagkalusaw?" nagtatakang sambit ni Elena, habang iniinda ang pinsalang natanggap nito.

TitaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon