Reen POV
Pagkatapos ng nakakasilaw na liwanag. Naramdaman ko na lamang ang kusang pag-angat ng aking katawan at pagtiklop ng talukap ng aking mata.
Bago mawala ang aking diwa tila naulinigan ko pa ang mga munting ingay na nagmumula sa paligid at ginapi na ako ng matinding pagkaantok.
****
Shila POV
Matapos atakehin ng higante si Zeid gamit narin ng kidlat na pinakawalan nito. Akala ko mamatay na ito.
"Zeid?! Ayos kalang?" nababalot ito ng kidlat kaya siguro ito nalaligtas. Sa pagkawala ng kidlat sa katawan nito ay nakita kong pilit itong tumatayo sa kabila ng matinding pinsala.
"Ahhhhhh!" sigaw ni Reen na nanatiling nakakapit sa likuran ng higante.
Sa paglipat ng aking paningin, nakahanda ng tirisin ng higante ang kaibigan ko.
"Ahhhh!" muling sigaw nito habang palapit ang malaking kamay ng higante.
"Reen!!!", ginamit ko ang aking patpat at tumingin sa paligid ng pwedeng ibato.
Kinontrol ko ang isang malaking bato at inihagis sa higante, ngunit di man lang ito natinag.
"Hindi! Reen!!!!", sigaw ko.
Linukob na ng higante ang katawan ni Reen.
"Reen!", muli kong sigaw.
Nanlumo ako, ang lakas ng kalaban namin. Ito na ba ang katapusan namin. Natapos na ang isang oras at naririto parin kami.
May humawak sa likod ko.
"Shila", si Luz, mukhang tumalab ang aking panggagamot sa kanila.
"Luz... Katapusan... Katapusan na ba natin?", maiyak-iyak kong tanong.
Hindi na nakasagot si Luz dahil sa biglang pagliwanag ng paligid. Nabalot kami ng nakakasilaw na liwanag.
Pagkatapos ng ilang sandali, iminulat ko ang aking mga mata.
Hinanap ko ang aking kasamahan. Nandoon parin sila.
Tila naparalisa kami sa biglaang pagliwanag.
"Asan tayo?", tanong ko kay Luz.
"Nasa isla parin ba tayo ng mga patay?", muli kong utas.
"Mukhang nasa kabilang isla na tayo. Ang tinatawag nilang Mystery Island. Kung saan ang oras ay kontrolado.", tugon ni Luz.
"At mukhang si Reen ang pinili ng oras na maglakbay sa nakaraan, maging sa kasalukuyan at hinaharap." ulit ni Luz.
"Anong pinagsasabi mo?", muli kong tanong sapagkat nagugulugan ako.
"Noon isang Titan ang minsang sumubok na pasukin ang Vanishing Island. At ang sabi sabi ito'y upang hilingin sa diyos ng Oras na biyayaan siya ng sanggol. Napasok niya ang isla at ang unang isla na narating nito ay ang isla ng misteryo, kung saan nananahan ang Diyos ng Oras.", simula ni Luz.
"Sino naman ang Titan na iyon? Akala ko ba wala pang nangahas na pasukin ang Isla?", tanong ko.
"Ang sinabi ko'y maraming nagtangka ngunit walang umuwing buhay maliban na lang sa Titan na iyon. ", sagot ni Luz.
"Ang Titan na iyon ay walang kakayahang magkaroon ng anak, desperado ito upang magkaroon ng anak. Kaya naman pinasok niya ang isla. At ayon sa kwento, nakasagupa nito ang diyos ng Oras. Ngunit nabigo itong talunin ang diyos kaya naman nanganib ang buhay nito. Ngunit nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng Titan at ng diyos, at ayon sa kwento nakaligtas ang Titan ngunit nakulong ito sa kasunduan nila ng diyos ng oras." tuloy na kwento ni Luz.
BINABASA MO ANG
Titania
FantasiLong ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...
