Chapter 32 - Farewell

2.1K 72 1
                                    

Third Person POV

"Halughugin niyo ang buong paligid maging sa pagitan hanggang sa lagusan." ito ang naging utos ni Elena sa kanyang mga alagad bago harapin si Agres.

Samantala kasalukuyang naglalakbay sina Pory at ang mga piling alagad nito papuntang lagusan upang patunayan ang sinasabi ng tagalabas.

"Kung totoong dadalawa nalang ang nagsisilbing harang sa Hellux ay maaring magawa nga ng taga labas na buksan ang lagusan. At kung mangyayari man iyon ay wala akong balak na maging alipin ninuman" nakangising saad ni Pory.

"Maghintay kayo! Malapit na ang aming pagbabalik! Hahahahaha!" nakatawang sigaw nito.

"Nandito na tayo sa pagitan Master Pory" saad ng isa sa mga alagad nito.

"Talasan ninyo ang inyong pang amoy upang maiwasan nating ang mababahong mga Demo" sagot nito.

"Masusunod, Master" sagot nila bago tinahak ang pagitan.

"Mukhang nanggaling dito ang mga Demo, Master. Dahil amoy na amoy ang nabubulok nilang samyo" saad ng isa.

"Pansamatala'y magpahinga muna tayo upang matiyak natin na nakalayo na ang mga halimaw na iyon. Tandaan niyong matalas ang kanilang paningin kaya naman huwag tayong pakakasiguro na nakalayo na sila" utos ni Pory.

Habang nagpapahinga ang mga purga ay halos nahalughog na ng mga Demo ang buong paligid ngunit hindi parin nila makita ang mga pangahas na pumaslang sa kanilang kasamahan. Batid ng kanilang panginoon na naririto lamang ang mga iyon sa kanyang teritoryo.

Tinatahak ng mga Demo ang direksyon patungong lagusan kung saan malimit lamang nilang puntahan.

Habang sa punong bahay naman ni Eleo ay nagkamalay na si Mira.

Nakagawa narin si Eleo ng lunas para sa ama ni Zacheos kaya naman umalis na ang binata upang ibigay sa kanyang ama ang lunas.

"Tulog pa siya" saad ni Eleo ng mabungaran nito si Zacheos sa harap ng silid ni Mira.

Bahagyang ngumisi si Zacheos.

"Hindi siya ang ipinunta ko rito, tanda. Kundi magpapaalam na ako at salamat dito" sagot nito at bahagyang iniangat ang ginawang lunas ng matanda.

"Ganun ba?" sarkastikong sagot ni Eleo.

Ngumiti si Lola Eleo, at isinara ang pintuan ng silid ni Mira. At kasabay ng pagsara nito ng pintuan ay ang palihim na pagsulyap ni Zacheos sa loob ng silid.

"Ikamusta mo nalang ako sa iyong ama, Zacheos"  saad ng matanda at yinakap ito.

Hindi ito inaasahan ng binata. Agad rin itong kumalas   at nagsalita.

"Sige na Zacheos. Malamang ay hinihintay kana ng iyong ina. At sana'y huwag kang pumarito ng basta basta ng walang importanteng gagawin. Mapanganib ang Hellux para sa mga kagaya mo" sambit ni Eleo.

Batid ni Zacheos na totoo ang sinasabi ng matanda dahil nakalaban na niya mismo ang dalawa sa mga kinakatakutang halimaw dito sa Hellux kaya napatango na lamang ito.

"At isa pa'y baka hindi mo na kami mahanap sa lugar na ito dahil tiyak na hinahalughog na ng mga Demo ang kanilang teritoryo kaya naisipan kong umalis dito at gumawa ng ibang pwedeng tirahan sa lalong madaling panahon" saad ni Eleo.

Tumango naman ito bilang pagtugon

"O siya tanda, aalis na ako" saad ni Zacheos.

"Paalam" saad ni Eleo.

Tumango naman ang binata at muling nagpasalamat sa lunas na ginawa ng matanda kasabay ng kanyang paglaho gamit ang kapa ng dakilang titania.

Napaisip si Eleo kung nasaan na nga ba ang iba pang kagamitan ng Titania na may kakayahang lumabas pasok sa Hellux.

Ang natatandaan nito ay nasa pangangalaga ng kaibigan ni Hode ang isa. Ang isa naman ay sa alagad ng titania habang nasa pangangalaga ni Zacheos ang pangatlo at ang ikaapat ay sa pamilya ng mga mangkukulam.

Ngunit matagal na panahon na iyon. Baka naipasa na o naagaw mula sa kanilang pangangalaga.

***

Mira POV

Iniinda ko parin ang sakit ng aking katawan habang inaalala ang mga nangyari.

Hindi ko akalaing makakatakas pa kami sa lagay na iyon.

Wala akong maalala sa mga kaganapan liban nalamang sa pagkuha ng purga sa aking kwintas.

Hinawakan ko ito. Paano nga ba nanumbalik sa akin ito. At paano kami nakaligtas sa mga purga.

Malamang ay agad umepekto ang gamot  kay Eos kaya ito na ang tumapos sa laban.

Naalala ko ang tungkod na bigay ni Lola Eleo. Nasira ito kaya't hindi ko alam kung paano lalaban gayong iyon lamang ang nagiisang bagay na nagbibigay sa akin ng kapangyarihan.

Mula sa aking malalim na pag-iisip ay agad may pumailanglang na tinig sa aking balintataw.

"Master..." isang tinig ang naririnig ko sa aking isipan.

"Master..." ulit nito, tinignan ko ang paligid kung sino ang nagsalita.

"Ako ito, si Hiko" saad nito sa nanghihinang tinig.

Umupo ako mula sa pagkakahiga sa aking kama at hinarap ang aking alaga na sa tingin ko'y kagigising lang din mula sa mahabang pagkakatulog mula ng mapalaban kami sa lider ng mga purga.

"Kumusta Hiko, nanumbalik na ba ang iyong lakas" tanong ko.

"Matagal na panahon na ang aking pamamalagi dito, Master. Kaya siguro nanghihina ng husto ang aking katawan at nakadagdag pa rito ang paggamit ko ng aking kapangyarihan." saad niya sa akin at naririnig ko naman ito sa aking isipan.

"Ito ang pangalawang pagkakataon na nagibang anyo ako. Ngunit diko lubos maisip na uubusin pala nito ang natitira kong lakas. Kaya't napagdesisyonan kong bumalik sa kung saan ako nagmula upang sa pagdating ng panahon ay matawag mo ako sa kahit anong oras na kailanganin mo ang tulong ko" saad nito sa aking isipin.

"Hindi ko maiintindihan, bakit ka aalis? bakit mo ako iiwan. Marami pa akong gustong malaman. Kung ano ka? Kung saan ka nagmula, kung--"

"Masasagot din ang mga katanungan mo Master. Sa tamang panahon, dahil maging ako'y hindi ko alam kong paano ito sagutin. Sa ngayon ay kung hindi ko gagawin ito ay posibleng hindi lang ang lakas ko ang maglaho. Posibleng maging ako mismo" malungkot nitong saad.

"Kung gayon saan ka magtutungo? Sa Gubat Firo? Ngunit hindi ka makakalabas dito sa Hellux. Paano?" naguguluhan kong tanong.

"Ikaw ang tahanan ko, kaya't isipin mo naririto lamang ako sa tabi mo. Kapag tuluyan ng nanumbalik ang aking lakas. Tawagin mo lamang ako-- Hanggang sa muli nating pagkikita" saad nito sa aking isipan.

At unti unti itong naglaho sa aking paningin. Naging kulay ginto itong liwanag saka pinalibutan ako.

"Paalam kaibigan. Sana'y tuparin mo ang iyong pangakong pagbabalik. Hihintayin kita..." nakangiti ngunit lumuluha kong sambit at bago mawala ang liwanag sa huling pagkakataon ay narinig ko ang kanyang tinig.

"Magiiwan ako ng marka, palatandaan ng aking pangako." saka nagliwanag ang aking kanang braso.

Tinignan ko ito. Nagliliwanag ang marka na nakuha ko noong bata pa ako sa gubat Firo.

Hinaplos ko ito.

"Ikaw na ang naging kaibigan ko mula pagkabata. Kaya't maghihintay ako, hihintayin ko ang oras na iyon." saad ko sa pagitan ng mga luha.

***

iammrlee

TitaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon