Third Person POV
"Mga kawal! Patamaan sila!" sigaw ni Dilan.
Bumunot naman ng palaso ang mga kawal at sabay sabay pinakawalan sa hukbo ng mga bandido.
"Hangga't maari ay kailangan natin madakip ng buhay ang matandang iyon." saad ni Dilan.
"Umilag kayo mga kasama!" sigaw ni Serdon, ilan sa mga bandido ay tinamaan at dahil sa lason sa dulo ng mga palaso na kumalat sa kanilang katawan ay siya naring naging mitsa ng kamatayan ng ilan.
"May lason ang mga palaso!" dugtong na sigaw ni Serdon.
"Huwag kang mag alala ako ng bahala!" sigaw naman ni Emilia at nagpalabas ng mga galamay nito.
"Isandaang porsyento ng aking kapangyarihan!" sigaw ni Emilia saka pinagsalikop ang dalawa nitong palad at unti-unting gumapang ang mga galamay nito palapit sa mga sugatan nilang mga kasama.
"Sugod mga kasama!" sigaw naman ni Heneral Diokno ng makalapit na sila sa pwesto ng mga kalaban.
Malayo pa sila sa imperyo ngunit sinalubong na sila ng mga kawal ni Partisan.
Nang makita ni Dilan ang mga palapit na bandido ay isinuot nito ang kanyang pananggalang sa kanyang ulo at hinarap ang mga bandido. Binunot nito ang kanyang espada at nakipaglaban sa mga ito.
Ilan pang sandali'y tila nauubos na ang mga kasamahan ni Dilan. Lumapit ito kay Serdon habang ang iba'y abala sa pakikipaglaban.
"Serdon nauubos na ang mga kalaban!" saad ni Dilan.
"Dilan! Anong ginagawa mo rito? Anong nangyari kina Brando?" nagtatakang saad ni Serdon.
"Nabigo po kami at nadakip ng mga kawal ni Partisan sina Brando. Nakatakas po ako ngunit sa aking daan pabalik sa kuta ay hindi ko inaasahang susugod rin kayo." saad ni Dilan.
"Ganun ba. Walang hiyang Partisan!" galit na saad ni Serdon.
"Oo nga po pala ipinabibigay ng pinunong manggagamot ito upang bumalik daw ang inyong lakas at maghilom ang iyong mga sugat" saad ni Dilan.
Pinagmasdan nito ang likodong hawak ni Dilan.
"Mas kailangan mo ito. Tiyak kong nanghihina ka pa mula sa pagtakas sa imperyo" sagot ni Serdon.
"Ganun ba" nakangising saad ni Dilan ng nakatalikod na si Serdon bumunot ito ng palaso saka isinawsaw ang dulo nito sa likodo. Pampatulog ito upang madali nitong madala ang matanda sa imperyo.
Pinahaba nito ang kanyang mga kamay na siyang pupulupot sa matanda. Nang malapit na ito kay Serdon ay agad itinuktok ng matanda ang kanyang tungkod at isang malakas na pwersa ang lumabas dito sapat na upang mapaatras si Dilan.
Sa isang iglap ay nagpalit anyo ang matanda. Nagitla si Dilan sa naging anyo ng matanda.
"Totoo nga!" gulat nitong saad dahil sa haba ng panahong pagsasama nila ay ngayon lang niya nakitang magpalit anyo ang matanda.
Hindi nito namalayang ang palasong hawak nito ay siya nang bumaon sa kanyang balikat. Nagbalik sa dating anyo si Serdon dahil batid nitong kung magtatagal siya sa ganoong anyo ay manghihina ito.
"Emilia! Ikaw nang bahala rito! Mauuna na kami sa imperyo." saad ni Serdon nang makita nitong wala ng natira sa mga kawal ni Partisan. Sumunod naman si Diokno at iba pa nilang mga kasama.
***
Ibinuka ni Shana ang kanyang mga pakpak at nagpaikot-ikot sa himpapawid. Hindi naman tumunganga si Zeid at nagpakawala ng malalakas na kidlat patungo sa babae. Kasabay nang pagpapakawala ni Zeid ay nagpakawala rin si Shana ng malakas na kapangyarihan. Nagtagpo ang kanilang pwersa na siyang nagdulot ng muling pagsabog.
"Matibay ka rin!" humihingal na saad ni Zeid. Ngunit hindi sumagot ang babae sa halip ay muli itong sumugod na tila walang kapaguran.
Sa huling atake ni Shana ay naramdaman nito ang panghihina ng kanyang katawan. Naalala nito ang sinabi ng kanyang Lolo na nangangailangan ng matinding pisikal na lakas ang pagpapalit anyo nito kayat hanggant maari ay hindi dapat sagarin ang paggamit dito dahil magdudulot ito ng pagkaubos ng kanyang pisikal na lakas.
Kaya naman nanumbalik sa dati nitong anyo si Shana. Habang si Zeid ay naghahanda sa susunod nitong pag atake.
Itinaas ng lalaki ang kanan nitong kamay at sa isang iglap ay sumaririt ang naglalakasang boltahe ng mga kidlat.
"Tanggapin mo ang aking kapangyarihan!" sigaw ni Zeid.
Habang hawak hawak ang kanyang patpat ay gumawa ito ng bakal na pananggalang at gumawa rin ito ng mas malaking wangis nito na siyang lumukob sa babae upang protektahan sa ano mang gagawing pag atake ni Zeid.
"Seven Gates of Lightning!" sigaw nito at sumaririt ang mga kidlat na pinakawalan nito at pinalibutan ang babae.
Dahil sa lakas ng kidlat na pinakawalan ng lalaki ay nasira maging ang bakal na pananggalang na ginawa ni Shana.
"Ahhhhhhhhhhh!" sigaw nito.
***
Hinarap naman ni Dustin ang babaeng may balabal na itim.
"Huwag mong sabihin lalabanan mo ako" saad naman ng babaeng may balabal kay Dustin.
Hindi sumagot ang lalaki bagkus hinugot nito ang kanyang espada.
Ngumisi ang babae ngunit hindi ito naglabas ng armas.
Sumugod si Dustin ngunit umiilag lang ang babae. Nang makakuha ng pagkakataon ay agad nagpalabas ng bolang apoy ang babae at ipinukol kay Dustin nagawa namang iwasan ng lalaki at gumawa rin ito ng bolang tubig.
"Kamangha mangha! Sa panahon ngayon ay iilan nalamang ang may kakayahang magpalabas ng isa sa apat na elemento." saad ng babae at muling nagpalabas ng mas maraming bola ng apoy.
"Kung gayon ay tubig laban sa apoy ang maglalaban. Sino nga ba ang mananaig" saad naman ni Dustin.
"Huwag kang pakakasiguro" saad ng babae. Dahil hindi lang apoy ang aking taglay na kapangyarihan, sa isip nito.
Sumugod uli si Dustin gayun rin ang babaeng nakabalabal at nagsalpukan ang kanilang lakas at kapangyarihan. Nagpatuloy ang ganuong sitwasyon.
"Kung hindi ako nagkakamali ay isa kang Titan dahil nakakaya mong akong sabayan " saad ng babae.
Hindi sumagot si Dustin sa halip ay idinaop nito ang kanyang mga palad sa lupa.
"Dustin!" pukaw ni Zeid ng magapi nito ang kanyang kalaban.
"Zeid magpakawala ka ng malakas na boltahe ng iyong kapangyarihan" saad ni Dustin.
"Sige" sagot naman ni Zeid.
"Water Sphere!" sigaw ni Dustin na ikinagulat ng babae agad na may bumulwak na tubig sa kanyang paanan at nagmustula itong bilog na siyang pumalibot dito.
"Hanggat nasa loob ka ng tubig na iyan ay pansamantalang mawawala ang iyong taglay na kapangyarihan" saad ni Dustin.
"Ngayon na Zeid!" utos nito sa lalaki at naglabas naman ng malakas na boltahe ng kidlat si Zeid na siyang tumupok sa katawan ng babae.
AUTHOR'S Review
Reen vs Zacheos
Brando, Ayva, Shila vs Aira
Dustin vs Agres
Shana vs (Bena), Zeid
Partisan vs SerdonIyan po ang mga magkakalaban. Hindi pa po nagkakalaban si Serdon at Partisan so sa susunod pang mga tagpo iyon. And be keen sa mga (***) tanda po iyan na iba nanaman ang scene. After the fight here comes the ending. :)
BINABASA MO ANG
Titania
FantasíaLong ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...