Third Person POV
"Serdon ano na ang magiging hakbang natin? Kahit man manumbalik ang ating lakas makakaya kaya nating labanan ang pwersa ni Partisan?" saad ng punong maggagamot.
"Hindi ko makakayang ipahamak ang mga buhay ng ating kasamahan Emilia." tugon nito.
"Ngunit hindi ko rin maatim na mapahamak ang aking apo ng wala man lang akong nagagawa." dagdag pa nito, hinarap nito si Emilia.
"Hayaan nating sila ang magdedesisyon sa bagay na ito." muling saad niya, saka nito tinawag ang pansin ng kanyang mga kasamahan.
"Heneral Diokno! Emilia! Mga kasama! Alam kong ilan sa atin ay napinsala sa hindi inaasahang pagsugod ng mga kawal ni Partisan. Ayaw kong mapahamak ang sino man sa inyo ngunit hindi natin mapipigilan ang pangyayaring iyon." panimula ni Serdon.
"Kaya't hahayaan ko kayong magdesisyon. Susugod tayo sa imperyo, ang mga nais sumama ay sasama at ang hindi'y mananatili dito sa kuta" anunsyo ng matanda.
"Ang mga sasama sa akin ay maari lamang pumaharap!" saad nito.
Agad namang humakbang si Emilia, sunod si Heneral Diokno at ilang sandaliy halos magkakapanabay na nagsalita ang mga kasamahan nito.
"Sasama kami! Susugod tayo sa imperyo!" saad ng mga ito.
"Kung gayon mga kasama! Maghanda kayo at susugod tayo sa imperyo!" saad ni Serdon.
***
"Mahal na panginoon! Panginoon!" bungad ng isa sa mga kawal ni Partisan.
"Ano iyon at tila hinahabol ka ni kamatayan!" inis na saad ni Partisan habang may kausap ito.
"May isang hukbo ng bandido ang aking nakita habang nagmamasid ako sa himpapawid." agad na sagot ng kawal.
"Ganoon. Mga mahihinang nilalang!" sigaw ni Partisan saka hinarap ang kanyang kausap.
"Mamaya na tayo mag usap." saad nito sa kanyang kaharap at saka muling kinausap ang kawal.
"Ikaw! Bumuo ka ng hukbo na haharap sa mga pangahas na bandidong iyon!" utos nito sa kawal.
"Masusunod mahal na Panginoon." tugon ng kawal.
"Dilan pamunuan mo ang hukbong haharang sa mga hukbo ng bandidong nagbabalak umatake dito sa kastilyo" saad ni Partisan habang nakatalikod.
"Masusunod panginoon" tugon naman ni Dilan at agad nagpaalam kay Partisan.
"Hindi niyo ako mapapabagsak! Hinding hindi! " bulong ni Partisan.
***
Shila POV
"Patay na siya! At kahit iligtas ko ang katawan niya hindi iyon mababago na wala na siya!" sigaw ng bandido
Inilabas ko ang aking patpat at pinalutang ko ito at nagsambit ng kataga.
"I-isa kang---" gulat nitong saad.
"Isa kang mangkukulam!" dugtong nito, nangunot ang aking noo.
"Ano ngayon ang nakakagulat sa pagiging mangkukulam" saad ko at binuhat ang katawan ni Troy, ginawa kong ting ting ang aking patpat at doon sumakay.
Hindi agad ito nakasagot kaya iniwan ko ito. Naghahabol ako ng oras at habang tumatagal ay mas lalo lamang magiging komplikado ang mga pangyayari.
Binuhat ko ang katawan ni Troy at naghanap ng tagong paglalagakan ng kanyang katawan. Maya't maya'y nakaramdam ako ng pamilyar na kapangyarihan.
"Magkikita tayong muli Troy, ipinapangako iyon." saad ko sa katawan ni Troy bago ko ito iniwan at nagbalik sa imperyo.
Magtutungo sana ako sa pinanggagalingan ng pamilyar na kapangyarihan ngunit bigla rin itong humupa kayat hindi ko na ito matunton.
Kaya naman nagtungo ako sa imperyo.***
Third Person POV
"Ako ng bahala sa naka bandana" saad ni Zacheos. Bahagyang napalingon sina Reen at Aira sa kinaroroonan ng dalawa.
"Sige" sagot naman ni Ayva saka hinugot ang espadang dala at agad sinugod si Aira. Hindi inaasahan ng babae ang biglaang pagsugod ni Ayva dahil ang akala nito ay isa ito sa kawal ni Partisan dahil sa suot nila.
Sunod sunod ang ginawang pag atake ni Ayva at nakipagespadahan ito kay Aira. Halatang mas bihasa sa paggamit ng espada si Ayva dahil sa ginagawang pag iwas ng kalaban nito.
"Itong sayo!" sigaw ni Ayva ng matumba si Aira. Tumalon ito at akmang sasaksakin na nito ang babae ngunit nagpakawala si Aira ng kanyang kapangyarihan na siyang dahilan ng pagkakatilapon ni Ayva.
Napangisi si Ayva at muling sumugod ngunit binalot ni Aira ng hangin ang kanyang katawan kayat hindi makagawang makalapit si Ayva dito.
"Haaahhhhhh!" sigaw ni Aira at ang inipong hangin sa palibot nito ay napunta ngayon sa palibot ni Ayva.
"Unti unti kang papatayin ng lasong inilagay ko sa aking hangin." saad ni Aira.
***
Hinarap ni Zacheos si Reen. Batid ng babae na hindi ito makikilala ni Zacheos kahit tanggalin pa nito ang bandanang suot nito dahil ng huli silang magkita ay maskara ng isang purga ang kanyang naging anyo.
Ang alam ni Reen ay isang kawal sa isla Titania si Zacheos batay narin sa naging salaysay nito ng nasa Hellux palamang sila.
Kaya't nagtataka ito kung bakit narito siya at kagaya pa ng mga kawal ni Partisan ang suot nito.
"Marahil ay nagtataka ka babae kung bakit ang isang makisig na nilalang na nasa harap mo ay naririto at nakikipaglaban" panimula ni Zacheos na siyang nakapagpakunot ng kanyang noo.
"Ako pala si Zacheos isang mandirigma galing sa isla Titania at ikaw binibini maari bang malaman ang iyong pangalan" matamis na ngiting tanong ng lalaki na siyang mas lalong nakapagpakunot ng kanyang noo. Nanatili itong nakatayo dahil batid nitong hindi basta-basta ang kaharap niya ngayon.
"Tila napipi ka sa nilalang na nasa harap mo ngayon babae?" saad ni Zacheos at hinugot nito ang kanyang espada.
Walang armas si Reen kaya naman hindi nito magawang makipagsabayan sa lalaki.
Nagumpisa ng sumugod si Zacheos at agad naman itong nagpatubo ng matutulis na ugat sa daanan ng lalaki ngunit pinuputul lang nito.
Mula sa lupa ay gumawa ng matitigas at matutulis na lupa si Reen at pinalutang nito sa kanyang harapan at sabay sabay na inihagis sa lalaki. Agad naman umiwas si Zacheos sa hindi inaasahan ay nawala ito at lumitaw sa likuran ni Reen.
"Ahhh!" sigaw ni Reen ng bahagyang magalusan ang kanyang tagiliran agad naman itong lumundag sa kanyang paharap at muling nagpatubo ng mga ugat sa kinaroroonan ng lalaki. Agad namang naiwasan ito ni Zacheos.
Naglahong muli ang lalaki. Kayat inasahan ni Reen na magpapakita ito sa kanyang likuran kaya dito niya itinuon ang kanyang atensyon. Ngunit nabigla ito nang sa mismong harapan nito ito nagpakita. Agad iniwasan ni Reen ang atake nito.
Tuso rin ang isang ito, naisip ni Reen.
Habang patuloy rin ang laban nina Aira at Ayva ay nagkakaroon rin ng labanan sa pagitan ng iba pa.
BINABASA MO ANG
Titania
خيال (فانتازيا)Long ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful creature of all. He unlocked and took the forbidden magic and got the power of darkness and immorta...